Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pangangalaga ng Bata > Notipikasyon sa Pagbubuntis
ここから本文です。
Update date:April 1, 2025
Sa pagsusumite ng notipikasyon sa panganganak, ang pangalan ng sanggol ay dapat isulta sa istandard na kanji, ang kanji ang opisyal na ginagamit para sa pangalan, hiragana o katakana.
Ang notipikasyong sa panganganak ay dapat isinusumite kahit na ang magulang ay parehong dayuhang naninirahan.
Dibisyon ng mga Serbisyong Pampurok Munisipyo sa Ward Office / Administrative Center
Hanggang labing-apat na araw matapos ang araw ng kapanganakan (Sa loob ng lapbing apat na araw kasama ang araw ng kapanganakan)
Tatay o Nanay
Paggamit ng Kinatawan
* Kung ang tatay o nanay ay lumagda ng notipikasyon ng aplikasyon, ang kinatawan ay maaring magsumite ng aplikasyon para sa kanila.
Kung posible, ninanais na ang ina o ama mismo ang magsumite ng notipikasyon.
Ang pook kung nasaan ang permanenteng tirahan ng ama at ina o kaya ang pook ng kapanganakan ng bata o kaya ang munisipyo kung saan naroroon ang kasalukuyang tirahan ng ama at ina.
Porma ng Notipikasyon ng Kapanganakan (matatanggap mo itong porma na ito kasama ng sertipiko ng kapanganakan mula sa ospital)
Libre
Sa loob ng 3 buwan mula ipinanganak kasama ang petsa ng kapanganakan. (Kung ang notipikasyong ng kapanganakan ay hindi naisumite sa loob ng 3 buwan, ang Japanese citizenship ay maaring mawala).
Tatay o Nanay
Paggamit ng Kinatawan
* Kung ang tatay o nanay ay lumagda ng notipikasyon ng aplikasyon, ang kinatawan ay maaring magsumite ng aplikasyon para sa kanila.
Kung posible, ninanais na ang ina o ama mismo ang magsumite ng notipikasyon.
Ang Embahada ng Japan sa pook ng kapanganakan o kaya ang permanenteng tirahan ng ama at ina o kaya ang munisipyo ng pook ng kasalukuyang tirahan ng ama at ina.
Porma ng Notipikasyon ng Kapanganakan (mayroon sa reception counter)
Libre
* Kapag nagsumite ng notipikasyon ng kapanganakan sa embahada ng Hapon, diretsong makipag-ugnayan para sa impormasyong sa paraan at iba pang kinakailangang bagay.
Hanggang labing-apat na araw matapos ang araw ng kapanganakan (Sa loob ng lapbing apat na araw kasama ang araw ng kapanganakan)
Tatay o Nanay
Paggamit ng Kinatawan
* Kung ang tatay o nanay ay lumagda ng notipikasyon ng aplikasyon, ang kinatawan ay maaring magsumite ng aplikasyon para sa kanila.
Kung posible, ninanais na ang ina o ama mismo ang magsumite ng notipikasyon.
Ang pook ng kapanganakan ng bata o ang munisipyo ng lungsod o bayan kung saan kasalukyang naninirahan
Porma ng Notipikasyon ng Kapanganakan (matatanggap mo itong porma na ito kasama ng sertipiko ng kapanganakan mula sa ospital)
Libre
* Ang Sertipiko ng kapanganakan na siyang kailangan sa pagkwalipika sa pagiging residente ay binibigay rin (may bayad).
* May mga pagkakataon kung saan kailangan ng dokumentong magpapatunay ng nasyonalidad.
Ang mga batang walang Japanese citizenship ay kinakailangan magbigay ng kanilang rehistrasyong pangdayuhan sa lokal na tanggapan (Ward Municiapal Services Division ng bawat ward) sa loob ng 60 araw na pagpapanganak.
* Pakitingnan ang pahina ng Rehistrasyong Pangdayuhan para sa karagdagang impormasyon.
Ang mga manggagamot at rehiyunal na nag-aalaga ay maaring bumisit sa bahay at kumunsulta sa mga magulang para sa pag-aaruga sa bata. Kapag ipinanganak ang bata, kailangan punan ang Birth Notification Card (ang postcard sa loob ng Mother and Child Health Handbook) ng pangalan ng sanggol, timbang noong ipinanganak, numero ng telepono, at iba pa, at ipadala ito.