CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pangangalaga ng Bata > Pag-aasikaso ng mga Sanggol

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Pag-aasikaso ng mga Sanggol

 

Mga Bagong Panganak hanggang Isang Buwang Sanggol

Pagbati sa bagong panganak mong sanggol!
Ilalaan ng iyong sanggol ang unang apat na linggo pagkatapos maisilang (ang panahon ng bagong pagsilang) para masanay sa labas ng katawan ng nanay, sa mundo sa paligid nito. Para masanay sa mundo, kailangang umangkop ng katawan ng sanggol.
Maaaring marami kang alalahanin. Ngunit subukang kumalma at magrelaks kasama ng iyong sanggol.

Timbang at Taas

Karaniwang nasa 3000g at 50cm ang mga sanggol kapag ipinanganak. Sa unang dalawa o tatlong araw pagkatapos ipanganak, maaaring magkaroon ng tinatawag na pagbaba ng timbang ng bagong panganak, kung saan nababawasan ng ilang timbang ang sanggol. Mga pito hanggang sampung araw pagkatapos ipanganak, dapat bumalik ang kanilang timbang sa kanilang timbang noong ipinanganak.
Maraming nanay ang nag-aalala tungkol sa tamang pagtaas ng timbang. Ngunit, hanggang maayos na umiiyak, dumidede, may bilugang mukha at nakakadumi ang iyong sanggol, walang dapat ipag-alala.
May line graph para sa pisikal na paglaki ng mga bagong panganak na sanggol sa Handbook para sa Kalusugan ng Ina at Anak. Gamitin ito para itala ang taas at timbang ng iyong sanggol. Kung ang kurba ay nasa loob ng mga itim na linya at nakabubuo ng kaparehong hugis, ayus lamang ito. (Para sa mga sanggol na ipinanganak sa mas mababang timbang, walang dapat ipag-alala hanggang kapareho ng hugis ang kurba.)

Pagdumi

Ang mga unang pagdumi na ginagawa ng sanggol pagkatapos maipanganak at tinatawag na taiben sa wikang Hapon.
Kulay itim ang mga unang dumi, ngunit nagiging kulay dilaw na ang mga ito pagkatapos ng dalawa o tatlong araw. Matubig at bukol-bukol ang mga ito. Dumudumi ang ilang sanggol nang kasing dami ng sampung beses kada araw, habang dalawa o tatlong beses lang ang ilan.
Kulay berde ang ilang dumi. Hanggang umiinom sila ng gatas at mukhang mabuti, walang dapat ipag-alala. Kung kulay abo, itim o may dugo sa kanilang dumi, dalhin siya sa doktor.

Sumusuka ng gatas

Hindi maayos na nagsasara ang pasukan sa tiyan ng sanggol. Madalas nilang isinusuka ang ilan sa kanilang gatas.
Kung pareho pa rin ang pagkilos nila pagkatapos sumuka, walang dapat ipag-alala. Kung marahas silang sumusuka tuwing pinakapain mo sila at mukhang maputla at pagod na pagod pagkatapos, dalhin siya sa doktor.

Balat

Mukhang transparent ang dugong dumadaloy sa mga daluyan ng dugo sa ilalim ng balat ng sanggol. Kulay mapulang rosas ito.
Tinatawag na mga Mongolian spot ang kulay asul na balat sa puwitan, likod o hita. Dulot ito ng konsentrasyon ng mga melanin cell sa ilalim ng balat. Habang lumalaki ang sanggol, kukupas at mawawala ang mga ito. Pangkaraniwan din ang mga pulang balat. Natural na mawawala ang mga balat na walang pamamaga sa mga talukap ng mata at leeg. Mawawala rin ang mga pula at magang balat na mukhang strawberry kapag lumaki ang sanggol (strawberry hemangioma).

Paninilaw ng Balat (Jaundice)

Nangyayari ang paninilaw ng balat (o jaundice) kapag nasa dalawa o tatlong araw na gulang na ang sanggol. Nagiging madilaw ang balat.
Mawawala ito pagkatapos ng dalawang linggo. Kung nagpatuloy ito sa loob ng mahigit isang buwan o naging puti ang dumi ng sanggol, dalhin siya sa doktor.

Umbilical cord

Kusang matatanggal ang umbilical cord isang linggo pagkatapos maipanganak. Ingatang mapanatili itong malinis at hayaan itong matuyo. Alagaan ito gamit ang pamamaraang sinabi sa iyo ng ospital. Kung matubig o may dugo ito kapag natanggal, pumunta sa doktor.

Ang kuwarto

Panatilihing nasa isang maliwanag, malinis at tahimik na kuwarto ang bagong panganak na sanggol. Panatilihin ang temperatura na mas mataas sa 15℃ kung taglamig at nasa pagitan ng 27 at 28℃ kung tag-init.
Kapag gumagamit ng pagpapainit kung taglamig, panatilhiing may bentilasyon sa silid. Kung tag-init, ayos na ang paggamit ng air conditioner o fan. Huwag direktang ilagay ang sanggol sa daluyan ng hangin.

Nutrisyon

Gatas ng ina ang pinakamagandang nutrisyon para sa isang sanggol. Isa itong bagong karanasan para sa ina at sa sanggol, kaya maaaring hindi ito maging madali sa una. Huwag madaliin ang sanggol. Mula sa isang pagkatapos ipanganak, dadami ang gatas ng ina. Huwag masyadong mag-alala sa tiyempo, at padedehin ang iyong sanggol kapag mukha siyang nagugutom.

Kalinisan

Hugasan ang iyong mga kamay bago asikasuhin ang iyong sanggol. Tiyaking hindi masyadong mahaba ang iyong mga kuko. Pagkatapos palitan ang diaper ng iyong sanggol, hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon.
Puwede mong palitan ang kanilang diaper nang maraming beses. Kung basa ang kanilang puwitan, marahan itong punasan gamit ang gasa o sumisipsip na telang bulak na ibinabad sa maligamgam na tubig. Kadalasan, maaaring hindi angkop sa balat ng iyong sanggol ang mga pamunas ng puwet na ipinagbibili sa mga tindahan.

Pagtulog

Maraming uri ng sanggol, kasama na iyong mahihimbing matulog at iyong hindi makatulog nang mas matagal. Dapat silang matulog hanggang kailangan nila. Dapat makasabay ang ina sa sanggol at sabay na umidlip.

Mga sanggol na kulang sabuwan o kulang sa timbang

Maraming alalahanin kapag nagpapalaki ng sanggol na mas mababa ang timbang sa 2500g (sanggol na kulang sa timbang) at mga sanggol kulang sa pisyolohikal na pag-unlad (mga sanggol na kulang sa buwan). Bibisita sa inyong bahay ang mga komadrona at mga nars ng pampublikong kalusugan. Makinig sa kanilang payo tungkol sa nutrisyon at pag-unlad, na gumagawa ng mas angko na kapaligiran, at nakakaiwas sa sakit.
Para sa mga sanggol na kulang sa buwan na talagang mahina at madalas na bumisita sa doktor o pumunta sa ospital, may available na pinansyal na tulong para sa ilang gastusin (isang sistema ng pampublikong subsidiya). Magtanong sa ospital o Lungsod para sa karagdagang detalye.

Pumunta sa Itaas ng Page

Mga Dalawang Buwan hanggang Tatlong Buwang Sanggol

Mula sa dalawa o tatlong buwang gulang, magsisimula nang malinaw na tumugon ang mga sanggol sa mundo sa paligid nila.
Pinanonood nila ang mga bagay na gumagalaw at sinusundan ang mga ito ng kanilang mga mata.
Kapag narinig nila ang boses ng kanilang ina, gagawa sila ng ingay bilang pagtugon. Mas nagiging cute sila. Kausapin sila palagi!

Timbang at Taas

May iba’t ibang pagkakaiba batay sa indibiduwal na sanggol. Sa pagitan ng tatlo at apat na buwang gulang, dodoble ang timbang ng sanggol kapag ikinumpara sa kaniyang timbang noong ipinanganak. Kung nasa loob pa rin sila ng mga itim na linya sa line graph ng Pisikal na Paglaki ng Sanggol at bumubuo ng kaparehong kurba, walang probema kung gayon.

Pagdumi

Mas madalang nang dudumi ang iyong sanggol kaysa noong bagong panganak ito. May mga sanggol na dumudumi nang isa o dalawang beses kada araw, at kung minsan, may mga sanggo na isang beses lang dumudumo kada dalawa o tatlong araw.
Hanggang maayos itong naiilabas, walang dapat ipag-alala sa pagtitibi – isa lang itong natural na ritmo ng iyong sanggol.
Kung hindi dumumi ang iyiong sanggol sa oob ng 3 araw, namamaga ang kaniyang tiyan at mukhang masama ang pakiramdam, bigyan siya ng cotton bud enema (stimulation). Maglagay ng ilang olive oil o baby oil sa isang cotton bud. Mag-stimulate sa pamamagitan ng paglalagay ng cotton bud sa anus ng iyong sanggol hanggang naipasok na ang bahaging bulak at ilabas-pasok ito.

Pag-ihi

Dadami ang ihi. Pumili ng mga diaper na angkop sa timbang/edad ng sanggol.

Malakas na leeg

Magiging mas malakas ang kanilang leeg, na hindi masyadong malakas dati. Makipaglaro sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadapa sa kanila o patayong paghawak sa kanila, na tinitiyak na sinusuportahan ang kanilang leeg.

Balat

Mula dalawa hanggang tatlong buwang gulang, lalong magpapawis ang balat ng iyong sanggol. Maaari silang magkaroon ng mga pantal. Marahang hugasan ang kanilang mukha gamit ang sabon.
Kung mamula ang eczema, mapapalala ito ng sabon, kaya maging maingat. Punasan din ang mukha ng iyong sanggol gamit ang gasa o tuwalya sa araw din.
Maiiwasan ang panunuyo ng balat sa paggamit ng cream o lotion.

Paglalakad sa labas

Kapag maganda ang panahon, dalhin sa labas ang iyong sanggol para maglakad-lakad.
Iwasan ang UV light gamit ang mga sumbrero o parasol. Mag-enjoy sa magkasamang paglalakad at kausapin ang iyong sanggol. Kung maligalig o hindi makatulog ang iyong sanggol, maaari silang kumalma minsan kung dadalhin mo sila sa labas.

Mga Bakuna

Maagang makipag-ugnayan sa ospital o klinika para tingnan ang mga araw at oras na available ang mga turok.
 

Mga tanong tungkol sa pagbabakuna

Hamamatsu City Health Promotion Division

Pagsusuri sa kalusugan ng apat na buwang sanggol

Isa itong pagsusuri sa isang mahalagang yugto para tingnan ang katatagan ng leeg, pagkalinsad ng balakang, tamang pag-unlad ng mga mata at tainga, at kung tumatawa ang iyong sanggol at ginagamit ang kaniyang boses. Tiyaking pumunta para sa check-up.
Puwede mong gamitin ang voucher sa pagsusuri mula sa iyong Handbook para sa Kalusugan ng Ina at Anak. Huwag kalimutang dalhin ito (sa pagitan ng tatlo at limang buwang gulang).

Kung may anumang problema

Tungkol sa mga mental at pisikal na isyu ng mga sanggol at maliliit na bata, o tungkol sa pagbubuntis at pagkatapos manganak

Mga tanong mula sa mga tao sa Naka, Higashi, Nishi, Minami, Hamakita o Tenryu Wards

Mga Health Promotion Division ng mga Local Ward Office

Mga tanong mula sa mga tao sa Kita Ward

Kita Ward, Inasa Health Center

Pumunta sa Itaas ng Page