CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Disiplina para sa mga Bata

Pagsasanay sa Paggamit ng Banyo

Nasa pagitan ng 18 at 24 na buwan ang pinakamagandang pagkakataon.
 

Paano magsimula at magpatuloy

Alamin ang mga gawain ng iyong anak sa banyo

  • Mga gaano katagal ang pagitan sa tuwing gagamit siya ng banyo?
  • Ano ang mga palatandaan na magpapakita sa iyo na kailangan niyang gumamit ng banyo?

Hayaan siyang magsuot ng mga panloob na damit sa halip na diaper!

  • Hindi siya magiging komportable kapag naihian niya ang kaniyang sarili

Gawin ito sa isang masayang kapaligiran at magsaya habang nagpapatuloy!

  • Isagawa ang pagsasanay sa paggamit ng banyo araw-araw sa parehong lugar, kasama ang parehong mga tao.

Isang pag-aaksaya ng oras ang paghihintay ng mahigit sa tatlong minuto. Sa susunod!

  • Huwag siyang pilitin na gawin ito.

Purihin siya nang purihin kapag gumamit sila ng banyo!

Tulungan sila sa pagtiyempo!


Hayaan silang magsuot ng mga panloob na damit kasya diaper

Mga pagkakataong mas madaling gumamit ng banyo

  • Pagkagising sa umaga
  • Bago o pagkatapos kumain
  • Pagkatapos umidlip sa tanghali
  • Bago matulog sa gabi

Pagturo

  • Huwag siyang madaliin o pagalitan
  • Mas madali ito sa maiinit na panahon (tagsibol hanggang taglagas)
  • Tumatagal ito nang halos kalahating taon
  • Nagbabago ito depende sa tao

Purihin siya nang purihin kapag gumamit siya ng banyo

Pumunta sa Itaas ng Page

Pagsipsip ng Hinlalaki

Kailang sinisipsip ng mga bata ang kanilang mga hinlalaki?

  • Kapag gusto nilang magpakarga ngunit hindi nakakakuha ng atensyon (kung hindi siya nakakakuha ng sapat na pisikal na pakikihalubilo)
  • Kapag sinabi sa kaniyang may hindi siya puwedeng gawin
  • Kapa may mas nakababatang bata sa pamilya na nakakakuha ng mas maraming atensyon
  • Kapag wala siyang makalaro at nakaupo lang siya sa isang tabi na lumilipad ang isip
  • Kapag nanonood siya ng TV
  • Kapag inaantok siya

Kumikilos ba ang iyong anak ng lumilipad ang isip sa ganitong mga okasyon?
Kung palaging sinisipsip ng iyong anak ang kaniyang daliri, subukang ilipat ang kaniyang atensyon sa ibang bagay.

Pagsipsip ng Hinlalaki

Ilang bagay na puwedeng subukan!

  • Turuan siya ng mga bagay ikasisiya siya o magiging interesante para sa kaniya!
    Magkasamang maglaro bilang magulang at anak. Maglaro na ginagamit ang kaniyang mga daliri. Magkasamang kumanta.
  • Patayin ang TV. Buksan ito sa itinakdang tagal ng oras. Magkasamang manood.
  • Sabihin sa kaniya nang pabigkas.
  • Palaging maglaro sa labas ng bahay.
  • Hayaan siyang makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.
  • Maayos na sagutin ang mga tanong ng iyong anak.
  • Samahan siya hanggang sa makatulog siya. Magbasa ng aklat. Makipag-usap sa kaniya para pakalmahin siya.

※May ibat’ibang pamamaraan!
Simulan sa ano ang magagawa mo.

Mga bagay na dapat iwasan

  • Pagalitan siya
  • Tuksuhin siya
  • Parusahan siya
  • Pilitin siyang tumigil

Kahit pa pilitin mo siyang itigil ang pagsipsip ng kaniyang hinlalaki, hindi ito isang tunay na solusyon.
Maaari pa itong magdulot ng kabaligtarang epekto at maging dahilan para lumala ito. Maari itong malipat sa isa pang gawain.
Sa halip, gumawa ng kapaligiran kung saan makakapagrelaks siya sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Mga kaparehong gawain

  • Pagkagat ng kaniyang mga kuko
  • Pagsipsip o pagdila sa kaniyang mga labi
  • Pagsipsip o hindi pagbitaw sa tuwalya, panyo, sapin o kumot

Subukang alisin ang mgagawaing ito gamit ang kaparehong pamamaraan para sa pagsipsip ng hinlalaki.

Pumunta sa Itaas ng Page

Para Tulungang Mapaunlad ang Wika

Tulungan siyang maalala ang mga salita

Gamitin ang tamang mga salita para sa tamang okasyon

Kapag kumakain ng masarap na pagkain, ipakita ito sa iyong mukha, at buong pusong sabihin ang “Yum!.” Hayaan silang pakinggan ang mga kaparehong salita nang paulit-ulit sa pamamagitan ng pakikipag-usap tungkol sa mga nangyayari sa paligid mo.

Huwag sabihing “ito” at “iyan.” Gamitin ang pangalan ng mga bagay at gamitin ang mga ito sa pangungusap.

Sa halip na “Itong naririto” o :Huwag mo iyang gawin,” gumawa ng mga tamang pangungusap tulad ng, “Ilagay mo ang picture book sa ibabaw ng mesa.”

Makipag-usap sa kanila nang may wastong pagbigkas

Maaaring bigkasin ng mga bata ang mga salitang tulad ng “juichu” at “bachu.” Dapat ulitin ng nakatatanda ang mga salita gamit ang tamang pagbigkas: “Masarap ang juice, tama?” “Oo, puwede mong makita ang bus!” Huwag pilitin na ulitin ng bata ang tamang pagbigkas.

Hayaan siyang makakita at makaranas ng maraming bagay.

sa pamamagitan ng paggawa ng maraming bagay, magkakaroon siya ng mas maraming karanasan na mapagkukunan ng mga salita at maisasalarawan niya ang iba’t ibang sitwasyon.

Nakakatulong ang paglalaro para mapaunla ang wika

Para sa mga bata, ang paglalaro ang ginagawa nila sa halos buong araw.
Maglagay sa bahay ng mga bagay na malaya nilang mapaglalaruan.

Makipag-usap sa kanila at magkasamang tumingin sa mga picture book

Batay sa bilis ng iyong anak. basahin ang kuwento nang malakas at magkasamang tingnan ang larawan.

Kantahan sila ng mga awitin

Naaalala ng mga bata ang mga salita sa mga awitin na kinanta sa kanila ng kanilang mga magulang. Naaalala rin nila kung paano nabuo ang mga salita.
Magsanay ng malinaw na pagbigkas.

Unawain kung ano ang gustong sabihin ng iyong anak at dagdagan ito

Itugma ang iyong paran ng pagsasalita sa iyong anak Pagkatapos, magdagdag ng kaunti sa kung ano ang gusto nilang sabihin. Sa paraang ito, natural siyang matututo ng mga bagong salita at magagamit ang mga ito sa sarili nilang kusa.

Pumunta sa Itaas ng Page

Mga Bagay na Dapat Pag-ingatan ng mga Ina

Magkakaiba ang lahat ng bata

Tulad ng magkakaiba ang lahat ng bata sa kanilang pisikal na kakayahan, magkakaiba rin ang mga bata sa kung paano sila matuto ng wika.
Huwag silang pilitin. Gumawa ng kapaligirang magiging madali para sa kanilang matuto.

Huag silang pilitin pangalanan ang mga bagay

Huwag silang subukan at piliting sumagot sa pamamagitan ng pagsasabing, “Ano ang tawag dito?” Isa itong pusa. Alam mong isa itong pusa. Sabihin mo pusa!” Hindi ito makakatulong sa kanilang pagpapaunlad ng wika.
Sa halip, habang nagpapatuloy sila sa kanilang pang-araw-araw na buhay, kapag nagpakita ng interes ang iyong anak sa, halimbawa, isang puso, sabihin sa kaniya na, “Oh, may pusa roon!”

Huwag tanggihan ang mga salita ng iyong mga anak

Anak: Fush! (fish/isda)
Magulang: Hindi ito “fush,” isa itong “fish.”
 …Hindi ito patas sa bata.
  Malulungkot lang sila kapag tinanggihan ng taong mahal nila ang salitang binigkas nila.
Magulang: Tama, fish!
 …Ulitin nang tama ang salita para sa kanila.

Magsalita nang nasa kaparehong antas ng iyong anak

Kung kinakausap ng magulang ang sarili at sinusubukang kopyahin ito ng bata, hindi masaya ang pakikipag-usap para sa bata. Ikakainis nila ang pagsasalita.
Itugma ang iyong bilis sa iyong anak, at ipakita sa kaniya kung gaano kasayang makipag-usap.

Pumunta sa Itaas ng Page

Pagiging Maunawain

Kapag nagturo ang mga bata

Kapag ginamit ng mga bata ang kanilang daliri para magturo, nakikipag-usap sila nang hindi gumagamit ng mga salita.
Nagtuturo ang mga bata para magpakita ng kanilang pagkamangha at kasiyahan, na sinasabi sa iyo na, “Tingnan mo, tingnan mo, may isang bagay rito!”
May isa pang halimbawa ng koneksyon sa pagitan ng mga magulang at anak.
Kahit pa aabala ka, subukang tingnan ito sa pananaw ng
Pagkatapos silang sagutin, halimbawa sa pagsasabing , "Oo, may aso diyan!" o kumanta ng awiting angkop s sitwasyon, at hayaan silang masiyahan. Magiging interesado siya sa mas maraming bagay. Magbibigay ito ng stimulation para matuto siya ng mga gabonf.

Pumunta sa Itaas ng Page