CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pangangalaga ng Bata > Pagiging Maingat Habang Buntis

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Pagiging Maingat Habang Buntis

Ang Unang Trimested ng Pagbubuntis

Pagsama ng sikmura sa umaga

Karamihan ng kababaihan nakakaranas ng iba't ibang lebel ng pagsama ng sikmura sa umaga lalo na sa unang trimester.
Mararanasan ang pagsama ng sikmura sa tuwing gutom, busog, pagod, atbp.Kadalasang inuulat sa mga babaeng buntis ang mas mataas na lebel ng sikolohikal na stress, kabilang na ang pagkabalisa at depresyon kasabay ng pagsama ng pakiramdam ng sikmura. Gayunpaman, mahalaga na panatilihing regular ang pagkain at huwag isipin ang nararamdamang sakit sa bisa ng paglalakad o pagpapatuloy ng karaniwang mga gawain.
Laging kumuha ng payong medikal kapag malala ang pagsama ng pakiramdam ng sikmura o kapag hindi ka na makakain o makainom ng maayos.

Matulog

Mahalagang makakuha ng nararapat na nutrisyon at tulog sa kabuuan ng pagbubuntis. Gayunpaman, kapag walang irregularidad sa pagbubuntis, hindi gaanong magiging abala ang pagbubuntis sa pang-araw araw na buhay at patuloy na paggawa ng karaniwang gawaing bahay.
Siguraduhin na nakakapag-ehersisyo ka pa rin at di lamang nakapirme sa bahay.

Pagtibi

Karaniwang problema ang pagtitibi sa unang trimester ng pagbubuntis.
Subukin na sanayin ang sarili na pumunta sa toilet pagkatapos kumain ng almusal sa umaga. Kumain ng pagkain na mataas sa fiber tulad ng mga preskong prutas, gulay, atbp. araw araw. Uminom lamang ng mga laxative sa payo ng doktor.

Maaliwalas na Pag-iisip at Pahinga

Sinasabi na bahagyang nakakaapekto sa kalusugan ng ina at sa paglaki ng fetus ang pagka-irita at stress. Subukan na siguraduhin na nakakapahinga ka mentally at physically sa bawat oras.

Paglaki ng embryo
(1) Timbang nasa 4g
Pormasyon ng utak, puso, atay.
Pormasyon ng kamay, paa, at bibig.
(2) Approx. 20g
Pormasyon ng panlabas na genitalia.
(3) Approx. 120g
Pormasyon ng placenta ng embryo

Ang Unang Kalahati ng Pagbubuntis

Sa Pinakataas na Pahina

 

Ang Kalagitnaan ng Pagbubuntis

Pangangalaga ng Suso at Utong

Kailangang simulan na ang pangangalaga kapag makaramdam na ng paggalaw ng fetus.
Isang beses bawat araw habang naliligo, linisin ang paligid ng utong gamit ang massage cream at banayad na hatakin ito.
Tumigil sa paglilinis ng utong kapag nakaramdam na puno ang puson.

Ehersisyo

Mainam na simulan ang banayad na pageehersisyo at pagbibiyahe. Para masiguro ang ligtas na panganganak, ihanda rin ang iyong katawan sa panganganak.

Pagkain

Sa panahong ito kung saan lumipas na ang pagsama ng pakiramdam ng sikmura, siguraduhing nakakakain ka ng balanseng pagkain na sagana sa bitamina, iron, calcium at protina, upang sa gayon makatulong sa paglago ng embryo at iwasan ang hypertension dulot ng pagbubuntis.

Pananamit

Sikapin na magsuot lamang ng malinis at maluwag na damit.
Pumili ng underwear na yari sa cotton na malambot at absorbent. Magsuot ng sapatos na mababa ang takong.

Paglaki ng embryo
(4) 300g
Pangangatawan at Paglago ng Laman.
(5) 650g
Pagtubo ng kaunting balahibo sa katawan
(6) 1000~1200g
Kulubot na katawan.
Mukha kaparehas ng mukha ng matandang tao.

Ang Kalagitnaan ng Pagbubuntis

Sa Pinakataas na Pahina

 

Ang Huling Trimester ng Pagbuntis

Kalinisan ng Katawan at Pahinga

Dadami ang discharge sa ikatlong trimester ng pagbubuntis. Nararapat na maging maingat sa paglilinis ng rehiyon ng pagkababae.
Bibilis ang paglaki ng embryo at magiging mabigat ang pakiramdam, kaya't madaling mapapagod ang iyong likod at tiyan.
Siguraduhing mapanatili ang mabuting posture at huwag madapa.

Pagkain

Sa paglaki ng presyur na inilalagay ng matris sa tiyan, hindi ka na makakakain ng marami sa isang upuan.
Sa gayon, mahalagang regular ang pagkain ng mga putahe na sagana sa nutrisyon at madaling tunawin.

Buhay Sekswal

Sapagka't maaring tumungo sa premature na panganganak ang patuloy na sekswal na aktibidad, mainam na ihinto muna ang sekswal na aktibidad simula ng ikatlong trimester.

Para sa Nagtatrabaho

Sa ilalim ng Labor Standards Act, maaring mag-Maternity Leave ng 6 linggo bago pa man sa takdang oras ng panganganak at 8 linggo matapos manganak.
Para maiwasang maabala ang iyong opisina, siguraduhing maabisuhan mo ang mga kinauukulan na magma-maternity leave ka.

Paglaki ng embryo
(7) 1,700g
(8) 2,300~2,800g
Mala-sanggol na mukha
(9) 3,000~3,300g
Inaasahang takdang panahon ng panganganak

Ang ikalawang bahagi ng pagbubuntis

Sa Pinakataas na Pahina