CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Pagsisimulang Magbutaw

Kailan Magsisimula

Kapag nasa 5 o 6 na buwang gulang na ang iyong sanggol at nagsisimula mo nang mapansin ang sumusunod na mga bagay, senyales na ito para magsimulang magbutaw sa lalong madaling panahon.

Matatag na ang kaniyang leeg. Makakaupo na siya kapag sinuportahan mo siya.
Nagpapakita na siya ng interes sa pagkain (naglalaway na siya)
Kahit pa maglagay ka ng kutsara sa loob ng kaniyang bibig hindi na niya ito itinutulak palabas ng kaniyang bibig gamit ang kaniyang dila.

Pumunta sa Itaas ng Page

Mga Bagay na Dapat Ingatan Kapag Nagsimula Ka Na

  • Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon bago magsimulang gumawa ng pagkain.
  • Hugasan at linisin ang mga kagamitan, babasagin at sangkap sa kusina.
  • Huwag gamitin ang iyong bibig para pakainin ang iyong anak.
  • Magsimula sa mabagal, na inaalala ang kondisyon at kalagayan ng iyong sanggol.

Pumunta sa Itaas ng Page

Sa Sandaling Nagsimula Ka Na

  • Pakainin ang iyong sanggol isang beses kada araw sa halos parehong oras.
  • Kailangang malambot, durog ang pagkain, tulad ng malapot na sabaw.
  • Huwag gumamit ng mga pampalasa (turuan siya ng masasarap na lasa ng mga sangkap).
  • Magsimula sa lugaw, na madaling tunawin.
  • Simulan sa isang kutsara isang beses kada araw, at unti-unting damihan.
  • Sa sandaling masanay na siya rito, unti-unting magbigay ng mga bagong sangkap, sumulan sa mga dinurog na gulay, pagkatapos ay tofu at isda.
  • Bigyan lamang siya ng kailangan niyang gatas.
  • Sa sandaling maging magaling na siya sa paglunok, pakainin siya nang dalawang beses kada araw (mga isang buwan pagkatapos magsimula).

Pumunta sa Itaas ng Page

Menu para sa Pagbubutaw

Simula~

Kanin / Mabilis at Madaling Lugaw
Mga Sangkap Medyo mas marami sa 1/4 tasang bigas (tinatayang 40g)
300cc tubig
Pamamaraan 1. Ilagay ang tubig o kumukulong tubig sa bigas. Kapag kumukulo na ito, pakuluin pa sa maliit na apoy nang may takip sa loob ng 20 hanggang 30 minuto.
2. Alisin sa apoy. Pasingawin sa loob ng 7 hanggang 8 minuto.
3. Durugin ang lugaw

 

6 na buwan ~

Tofu / Dinurog na Tofu Salad
Mga Sangkap 10g carrot
10g spinach
25g tofu
1/4 kutsaritang asukal
1 kutsarang pinaglagaang sabaw
Pamamaraan 1. Pakuluan ang carrot at kayurin ito. Pakuluan ang mga dahon ng spinach, at hiwain nang pino ang mga ito.
2. Pakuluan at salain ang tofu. Salain ito gamit ang salaan. Lagyan ito ng lasa gamit ang pinaglagaang sabaw at asukal at idagdag ang mga gulay sa hakbang 1.

 

Isda / Sabaw ng puting isda
Mga Sangkap 10g puting isda
2 kutsara ng pinaglagaang sabaw
kaunting toyo
kaunting corn flour (tinunaw sa tubig)
Pamamaraan 1. Alisin ang balat at tinik ng puting isda. Idagdag ang pinaglagaang sabaw at toyo. Pakuluan. Durugin ito nang pino
2. Idagdagang corn flour sa fish paste mula sa 1.

 

Itlog / Dinurog na Itlog
Mga Sangkap 1/4 pula ng itlog
20g patatas
2 kutsarang pinaglagaang sabaw
Pamamaraan 1. Ilaga ang itlog. Alisin ang pula at durugin ito.
2. Pakuluan ang mga patatas at durugin ang mga ito habang mainit pa.
3. Paghalu-haluin ang 1 at 2. Palabnawin ito gamit ang pinaglagaang sabaw.

 

7 buwan ~

Tinapay / Dinurog na tinapay
Mga Sangkap 1/8 pirasong tinapay
50cc gatas
Pamamaraan 1. Alisin ang crust ng tinapay at hinawain ito nang pino.
2. Ilagay ang gatas at tinapay sa isang kaserola at buksan ang apoy kapag tuluyan nang nababad ang tinapay sa gatas. Pakuluang mabuti.

 

Karne / Pinakuluang kalabasa
Mga Sangkap 20g kalabasa
1 kutsarang pinaglagaang sabaw
kaunting toyo
1/2 kutsarang liver paste
Pamamaraan 1. Balatan ang kalabasa at pakuluan ang laman. Duruging mabuti. Ilagay ang kalabasa, toyo at pinaglagaang sabaw sa isang kaserola at palabnawin ito gamit ang kumukulong tubig.
2. Idagdag ang liver paste sa mixture sa 1.

 

Gulay / Salad na Kamatis
Mga Sangkap 20g kamatis
1/2 kutsaritang ginadgad na keso
Pamamaraan 1. Balatan ang mga kamatis at alisin ang mga buto. Tadtarin nang pino.
2. Budburan ng ginadgad na keso ang 1.

Pumunta sa Itaas ng Page