CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Pagbubutaw

Mahalaga ang Pagbubutaw

  • 1. Halos lima hanggang anim na buwan pagkatapos ipanganak, hindi na sapat para sanggol ang nutrisyon sa formula na gatas at ang gatas ng ina.
  • 2. Paunlarin ang kanilang digestive system.
  • 3. Hayaan silang magsanay sa pag-inom at pagnguya.
  • 4. Hayaan silang matutong kumain.
  • 5. Paunlarin ang kanilang mga pandama, kabilang ang panlasa, pang amoy at paghawak.
  • 6. Tulungan ang emosyonal na pag-unlad ng sanggol.

Pumunta sa Itaas ng Page

Bago Ka Magsimula sa Pagbubutaw

1. Itama ang ritmo ng kanilang katawan

  • Huwag hayaang manatiling gising ang iyong sanggol hanggang sa lalim ng gabi. Matulog nang maaga at bumangon nang maaga.
  • Gumawa ng iskedyul sa pagpapasuso.

Ritmo ng Katawan

May body clock ang mga tao na nakatakda sa parehong ritmo. Ang paglalabas ng mga hormone ng paglaki at pagdami ng cell para sa paglaki ng isang sanggol ay nangyayari sa gabi, kapag tulog na sila. Sa paggawa ng ganitong ritmo, nagiging madali ang pagbubutaw.

2. Tiyakin na mayroon silang sapat na tubig para sa hydration.

  • Hayaan silang uminom ng tubig at tsaa

Mga Sanggol at Hydration

Hindi pa ganap na gumagana ang bato ng mga sanggol, kaya madalas silang umihi at nade-dehydrate. Ito ay maaaring humantong sa kanilang pag-iyak sa gabi.
Hindi kayang sabihin ng mga sanggol na “Nauuhaw ako!” Bigyan sila ng tubig sa mga regular na agwat, tulad ng kapag wala na sila o kapag sila ay nakabalik, pagkatapos maligo, kung mainit o kung pinagpapawisan sila ng marami.

Pumunta sa Itaas ng Page

Mga Hakbang ng Pagbubutaw

Ang mga buwan sa ibaba ay target lamang. May pagkakaiba sa mga indibidwal kung kaolin magsisimula at kung paano ito magpapatuloy. Sumabay sa bilis ng sanggol.

Gaano kadalas sila bibigyan ng pagkain

  • Sa unang buwan, halos isang beses sa isang araw
  • Pagkatapos noon, dalawang beses isang araw
  • Sa halos siyam na buwan, tatlong beses sa isang araw

Uri ng pagkain para sa pagbubutaw

Para simulan ang pagbubutaw
(bandang 5 hanggang 6 na buwan)
Smooth na puree (katulad ng sopas)
Sa loob ng 7 hanggang 8 buwan Mga pagkain na kayang durugin ng dila (hal. tokwa)
Sa loob ng 9 hanggang 11 buwan Mga pagkain na kayang durugin ng gilagid (hal. saging)
Sa loob ng 12 hanggang 18 buwan Mga pagkain na kayang nguyain gamit ang gilagid (hal. mga meatball)

Ang mga katangian ng paggalaw ng dila at pagkain sa pagbubutaw

Sa loob ng 5 hanggang 6 na buwan Natutunan kung paano lunukin ang pagkain sa bibig.
Sa loob ng 7 hanggang 8 buwan Natutunan kung paano igalaw ang pagkain sa loob ng bibig at durugin ito sa pagitan ng kanilang dila at bubong ng kanilang bibig.
Sa loob ng 9 hanggang 11 buwan Natutunan na gamitin ang kanilang mga gilagid para madurog ang pagkain na hindi madurog ng kanilang dila at ang bubong ng kanilang bibig.
Sa loob ng 12 hanggang 18 buwan Natutunan kung gaano karami ang makakain sa isang kagat, sa pamamagitan ng paglalagay ng labis sa kanilang bibig at pagluwa nito.
Mas mahusay silang kumain gamit ang kanilang mga kamay. Natutunan nila kung paano kumain gamit ang kutsara.

Pumunta sa Itaas ng Page

Mga Klase sa Pagbubutaw

Mga nilalaman ng klase:Makipag-usap at magsanay para sa pagbubutaw
Kwalipikado:Mga tagapag-alaga ng 5 buwang sanggol

 

Tungkol sa Mga Klase sa Pagbubutaw at Konsultasyon sa Pagbubutaw

Mga tanong mula sa mga residente ng Higashi, Nishi, Minami, Hamakita o Tenryu Wards.

Mga Health Promotion Division ng mga Local Ward Office

Mga tanong mula sa mga residente sa Naka Ward

Ward ng Naka, Sentro ng Kalusugan at Kagalingan ng Chuo

Mga tanong mula sa mga residente sa Kita Ward

Kita Ward, Inasa Health Center

Pumunta sa Itaas ng Page