CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pangangalaga ng Bata > Mga Sakit ng mga Sanggol batay sa Sintomas

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Mga Sakit ng mga Sanggol batay sa Sintomas

1. Lagnat

Temperatura ng Katawan ng mga Bata

Karaniwang nasa pagitan ng 36 hanggang 37.4℃
Magkakaiba ang temperatura ng katawan ng sanggol sa buong araw. Tumataas o bumababa ito batay sa temperatura ng hangin, pagpapainit at kanilang suot na damit. Kung 1℃ na mas mataas kaysa karaniwang temperatura ng katawan ang temperatura ng kaniyang katawan, mayroon siyang lagnat.
Gumamit ng elektroniko/mercury na thermometer; sa kilikili, sa ilalim ng baba o dila, puwet, tainga

Paano pababain ang lagnat

  • Huwag silang pagsuotin ng masyadong maraming damit…kung mainit ang kaniyang mga kamay at/o paa, pumili ng mga damit na madaling makakasingaw ang init
  • Punasan ang kaniyang katawan gamit ang malamig na tuwalya
  • Palamigin ang kaniyang ulo gamit ang malamig na tuwalya…tumigil kung mukhang hindi nila ito gusto o nagsimulang umiyak
  • Palamigin ang parehong kilikili at/o kaniyang singit
  • Gumamit ng mga ice pillow, cooling sheet, atbp.

Pumunta sa Itaas ng Page

2. Pagtatae

Ano ang ipapakain sa iyong anak kapag nagtatae siya

  • Pagpahingahin ang kaniyang tiyan at iwasan ang dehydration
  • Kapag wala siyang gana, huwag siyang piliting kumain
  • Kahit pa may gana siya, huwag siyang pakainin ng masyadong marami
  • Madali siyang made-dehydrate, kaya bigyan siya ng maraming tubig

Gatas ng ina

  • Ipagpatuloy ang pagpapasuso ng ina
  • Kung masama ang kaniyang pagtatae, magpasuso nang mas maikling panahon
  • Pakainin siya nang masa madalas

Formula milk

  • Tunawin ang gatas at magtimpla nang mas kaunti sa 100cc. Pakainin siya nang masa madalas
  • Minsan, maganda ring opsyon ang gatas na lactose free, tulad ng lactoless o soy milk
  • Sa sandaling bumuti na ang pagtatae, dagdagan ang gatas at unti-unting bumalik sa dati

Pagbubutaw

  • Bigyan siya ng pahinga. Sa sandaling gumaling na ang pagtatae, simulan siyang bigyan ng mga bagkain sinimulan niyang magbutaw.

~ Magdesisyon kung ano ang kailangan niyang kainin batay sa kalagayan ng kaniyang dumi ~

  • Matubig na dumi: panatilihin silang hyrated gamit ang mga sports drink, tsaa, sopas na gulay, sopas na miso…
  • Madikit na dumi: lugaw, nilugaw na tinapay, tofu, rusk, ginadgad na mansanas
  • Malambot na dumi: udon noodles, pinakuluang puting isda, itlog, dibdib ng manok, mga pinakuluang gulay

Pumunta sa Itaas ng Page

3. Pagsusuka

Kung Nagsusuka Siya

  • Kung masama ang pagsusuka, huwag siyang bigyan ng kahit anong inumin pansamantala.
  • Kapag tumigil na ang pagsusuka, bigyan siya ng kaunting inumin nang madalas (mga sports drink, mainit na tubig, matabang na tsaa, tinunaw na apple juice)
  • Bigyan sila ng mga solid sa sandaling nakakainom na sila ng maraming tubig

Kailan ka dapat pumunta kaagad sa ospital

  • Hindi tumigil ang pakiraramdam niya na kailangang magsuka
  • Matamlay siya o namumutla ang mukha
  • Natutuyo ang kaniyang mga labi at hindi siya makaihi.

Pumunta sa Itaas ng Page

4. Pananakit ng Tiyan

Kailan ka dapat pumunta kaagad sa ospital

  • Kapag sa tingin mo na maaaring isa itong intussusception o luslos na nangyayari sa mga sanggol at maliliit na bata
  • Kung sakaling kailangang operahan kaagad ang bata, tulad ng appendicitis
  • Nasasaktan siya at muhang nahihirapan nang paulit-ulit
  • Paulit-ulit silang nagsusuka
  • May dugo sa kanilang dumi
  • Namamaga at masakit ang kaniyang singit
  • Napakatindi ng sakit na hindi na siya makagalaw

Pumunta sa Itaas ng Page

5. Hirap sa Paghinga

Mga posibleng dahilan

  • Madalas na dulot ng mga impeksyon (pneumonia, bronchitis, epiglottitis (tulad ng pagtahol ng aso), croup)
  • Hika
  • May pumasok sa mga bronchial tube

Kailan ka dapat pumunta kaagad sa ospital

  • Mabagal ang kaniyang paggalaw
  • Maputla ang kaniyang mga labi
  • Mukha siyang inaantok at hindi sumasagot kapag tinatawag mo siya
  • Sa mga sanggol at maliliit na bata, kapag sila ay maligalig o hindi mapakali

Pumunta sa Itaas ng Page

6. Mga Seizure

  • 1. Huwag mag-panic
  • 2. Huwag maglagay ng kahit ano sa kaniyang bibig tulad ng mga daliri o chopstick. Huwag siyang sigawan o alugin.
  • 3. Ilagay siya sa isang komportableng posisyon. Luwagan ang kaniyang damit. Alisin ang mga mapanganib na bagay tulad ng mga pin at tali.
  • 4. Kung mukhang susuka siya, itagilid ang kaniyang buong katawad para hindi magbara ang suka sa kaniyang lalamunan.
  • 5. Tingnan kung gaano katagal magpapatuloy ang mga kombulsyon. Maingat na tingnan ang kalagayan ng kaniyang mga kombulsyon, kabilang ang kalagayan ng kaniyang mga mata, at kung paano gumalaw ang kaniyang katawan.
  • 6. Kunin ang kaniyang temperatura.
  • 7. Sa sandaling tumigil ang mga kombulsyon, maghintay sandali at dalhin siya sa ospital.
  • 8. Kung tumagal nang mahigit 10 minuto ang mga kombulsyon, kaagad na makipag-ugnayan o direktang pumunta sa ospital.
  • 9. Kung masama ang kaniyang lagay, pumunta kaagad sa ospital gamit ang ambulansya.

Pumunta sa Itaas ng Page

7. Mga Pantal

Kailan ka dapat pumunta kaagad sa ospital

  • May hingasing siya at nahihirapan sa paghinga
  • Sumasakit ang kaniyang tiyan
  • Maputla ang kaniyang mukha at nagsusuka siya
  • Nanlalambot siya

Kung palalamigin mo ang mga ito, mas magiging madaling tiisin ang mga ito. Subukang isipin ang nangyari bago lumabas ang pantal.
…mga hayop, halaman, produktong cosmetic, malalammig n temperatura, sipon, pagkain, atbp.

Pumunta sa Itaas ng Page