Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pangangalaga ng Bata > Mga Kaugalian sa Pagkain tuwing Buntis
ここから本文です。
Update date:March 8, 2022
Magkakaroon lamang ng malusog na sanggol, kung may malusog na katawan ang nanay. Importante dito ang pang araw araw na maayos na pagkain.
Kumain ng tamang pagkain habang nagbubuntis para makapagbigay ng sustansya sa sanggol sa sinapupunan. Magandang panahon para sa nagbubuntis ang tignan muli ang eating habits.
Mag ingat sa ganitong eating habit!
Tignan nating muli.
☐ | Madalas kong laktawanang pagkain. |
---|---|
☐ | Kumakain ako ng wala sa oras. |
☐ | Madalas akong kumain paglipas ng 20:00. |
☐ | Madalas kong ipagpatuloy ang pagkain at pag-inom pagkatapos ng hapunan. |
☐ | Marami akong kumain sa labas.(higit sa 3 araw sa isang linggo) |
☐ | Hindi ko nginunguya ng husto ang pagkain. |
☐ | Mabilis akong kumain. |
☐ | Mas marami akong kumain ng hapunankaysa sa almusal at tanghalian. |
☐ | Kumakain ako ng maraming pagkain na mamantika, tulad ng ginisang na gulay at sinangag na kain. |
☐ | Gusto ko ang pagkain na mayaman sa mantikilya o krema. |
☐ | Gusto kong nilalagyan ng maraming salad dressing o mayonaise sa aking pagkain. |
☐ | Hindi masyadong kumakain ng mga lutong may gulay. |
☐ | Madalas akong kumain ng matatamis kapag oras ng meryenda. |
☐ | Gusto ko ng pangmeryendang pagkain. |
☐ | Madalas akong uminom ng inumin mula sa prutas, inuming may lacto-acid bacilli at/o inuming panglaro. |
☐ | Gusto ko ng pagkain sa fast food. |
☐ | Gusto kong mag-imbak ng mga matatamis na pagkain sa bahay. |
☐ | Mas gusto ko ang malalasang pagkain kaysa sa di-gaanong malasang pagkain. |
☐ | Hindi ko gustong iwan ko ang pagkain nang may tira. |
☐ | Gusto kong kumain kapag iritable at pighati. |
"lumalaktaw ako sa almusal, maraming kinakain sa tanghalian at pagkatapos ay kumakain sa gabi kasama ang aking asawa; pero dahil sa gutom na ako habang naghihitay sa oras ng hapunan, kumakain ako ng maraming matatamis at chitchirya." – Pamilyar ka ba sa ganitong patern?
Sa pagkain ng almusal, ang temperatura ng iyong katawan ay ang lebel ng blood sugar ay tataas. Ang almusal ay mahalaga dahil pasisiglahin nito ang iyong katawan. Huwag hindi kakain ng almusal.
1 | Pangunahing Pagkain | Kanin, Tinapay, Udon(uri ng noodles),at iba pa, ay mga pagkaing nagbibigay lakas at galaw sa katawan (GO Category - Energy - Starch)![]() |
---|---|---|
2 | Pagkaing hiwlaay sa regular na pagkain | Gulay, kabute, halamang dagat at iba pa , ay mga pagkaing nagpapatatag ng kundisyon ng katawan (GLOW Category - Prutas at Gulay)![]() |
3 | Ulam | Isda, Karne, Itlog, Beans (patani)at iba pa, ay mga pagkaing humuhubog sa katawan ng tao![]() |
4 | Mga may sabaw | Sabaw, gatas at dairy products, prutas at iba pa Kumain ng mga bagay na madalas nakakalimutan ![]() |
Ang mabilis na pagkain o habang nanonood ng telebisyon ay mararamdaman, na maaring mapakain ng sobra. Ang pagnguya ng tama ay pinasisigla ang utak at maiiwasan ang maparami ang kain at pag-inom.
Mangangailangan ng mas madaming enerhiya kapag nagbubuntis. Habang lumalaki ang bata at nasisiksik ang tyan, maaaring kumonti ang pagkain na kayang ikonsumo ng nanay sa isang kainan. Bawiin sa merienda ang sustansyang di sapat na nakain sa tatlong kainan lamang sa isang araw. Subalit sa gabi, iwasan nang kumain pagtapos ng hapunan.
Ang mga kinakain na pagkain at binibili sa mga restaurant ay maraming mantika, asin, at enerhiya. Tandaan palagi ito tuwing kakain sa labas.
Kapag naman ginawa mo ito sa bahay, matatantsa mo ang pag-gamit ng mantika at sodium. Maaari ka ding gumamit ng ibat ibang sahog. Hindi kailangan makagawa ng mahihirap na ulam, kaya’t gawin itong praktis sa pagluto ng baby food at isipin ang mga makakabuti sa bata.
Pag-ingat sa pagluluto ng [staple food], Main dish], [side dish]
Mag-ingat sa iba't-ibang uri ng mga pagkaing kinakain. Pag-isipan kung gaano kadami ang kakainin at kung anung aktibidad ang gagawin pagkatapos nito.
Bantayan din ang pagbabago ng timbang.
Kumain ng green and yellow vegetables para makakuha ng tamang folic acid.
Lalo na sa mga panahon ng unang bahagi ng pagbubuntis, kumain ng madami nito para makaiwas sa neural tube closure disorder.
Isa din sa epektibong paraan ang pag kain ng mga may nutrient function claims ng folic acid.
Kumain ng tamang dami ng mga lutong may karne, isda, itlog, at soya.
Iwasan ang anemia sa pamamagitan ng pagkain ng red meat tulad ng karne at isda.
Ngunit sa mga unang bahagi ng pagbubuntis, mag ingat sa sobrang konsumo ng bitamina A.
Siguraduhing makakakuha ng tamang dami ng calcium sa panahon ng pagbubuntis at masanay sa balanseng eating habit.
Sangkap | |
---|---|
Bok choy 400g Bacon 2 hiwa Tubig 200 cc Consommé (stock cubes) 1cube Milk 300cc Isang kurot na Paminta Harina 1 kutsara +2 kutsara ng tubig |
![]() |
Paano lutuin | |
1. Hiwain ang Bok Choy ng ilang piraso about 3-4cm lapad 2. Prituhin ang bacon sa kawali, ilagay ang bok choy at gisahin. Ilagay ang tubig at ang stock cubes at pakuluin. 3. Lagyan ng gatas ang 2, at dagdagan ng lapot gamit ang corn starch. Ilagay sa plato. ◎Nilalaman ng Kalsiyum bawat tao 205mg |
Nag bibigay nga ng enerhiya at calories ang sitsirya at softdrinks, ngunit wala itong sustansya na bumubuo sa magandang kalusugan. Maaari din itong naglalaman ng madaming asukal at taba, na nagdudulot sa sobrang katabaan at cavities. Ang sobrang pagkonsumo ng asukal ay nagpapataas din ng blood sugar level at maaari itong maging sanhi ng diabetes kapag hindi nabantayang mabuti. Mga sitsirya at softdrinks ay hindi matuturing na parte ng tamang pagkain. Ang pagkain ay importante para makapag- bigay ng tamang sustansya sa katawan.
Pagkonsumo ng sobrang sodium ay maaaring maging dahilan ng ibat ibang sakit. Mag-ingat na huwag kumain ng masyadong maalat na pagkain.
(Tinukoy ng Ministro ng Kalusugan, Labor at Kapakanan at ang Ministro ng Agrikultura, Pangungubat at Pangingisda)
Sa panahon ng huling dalawang yugto ng tatlong semestre ng pagdadalantao at sa panahon ng pagpapasuso, mahalagang dagdagan pa ang pagkain mula sa normal na kain, tulad ng pinapakita sa table. Mas makabubuting pag-isipan ito bilang pagdami ng mga uri, kaysa sa dami lang.
Ang katawan ng nanay ay dadaan sa ibat ibang pagbabago upang makabagay sa pagiging buntis. Ang katawan ng babae ay dadaan sa malaking pagbabago dahil sa hormonal changes at sa paglaki ng sanggol sa tyan.
Kapag naranasan ang high blood pressure pagtapos ng ika-20 na linggo sa pag bubuntis, o sa loob ng 12 na linggo pagpanganak, o kaya naman kapag may protina sa ihi, ito ay maaaring suriin bilang Gestational Hypertension.
Tinatawag ito kapag sa unang pagkakataon, nakitaan ng abnormal glucose metabolism (pagtaas ng blood sugar level) gawa ng pagbubuntis.
Magkakaroon lamang ng malusog na sanggol, kung may malusog na katawan ang nanay. Magpatingin sa doktor, masanay sa tamang eating habit, tamang ehersisyo, at iwasan ang sobrang pagod at stress upang makapag relax at maging mabuti ang kalagayan niyo ng sanggol.
Tanggapang Pampurok "Dibisyon ng Kalusugang Pagtataguyod"
Sentro ng Pangkalusugan ng Isana (Kita Ward)