Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pangangalaga ng Bata > Pang-araw araw na Buhay Habang Buntis
ここから本文です。
Update date:April 1, 2025
Hindi na kailangang sabihin na malusog na sanggol ang ipapanganak kapag malusog rin ang ina ng sanggol. Sa paglipas ng mga araw, isang munti at panibagong buhay ang lumalaki sa loob ng ina. Para magiging malusog ang ipapanganak na sanggol, importante na manatiling masayahin at malusog at kumuha ng kaalaman patungkol sa pagbubuntis at panganganak.
Dahil kailangang patnubayan mo ang iyong kalusugan sa para sa 10 buwan patungo sa pagsilang ng sanggol, kailangang pumili ng medical clinic na makakapagbigay ng sapat na payo tungkol sa kalusugan. Siguraduhing isaalang-alang ang ekspertong teknikal, nursing, pasilidad, kalayuan, at paraan ng pagpunta na mula at pagbalik mula sa piniling medical clinic.
Kapag may mga iregularidad sa iyong pagbubuntis, siguraduhing regular na nakakadalo ka sa mga medical na eksamenasyon, check-up at sundin ang anumang instruksyong medical ibinigay sa iyo.
Huwag resetahan ang sarili ng medikasyon sa unang trimester ng pagbubuntis, at sa kabuuang panahon ng pagbubuntis. Kapag kailangang kumuha ng medikasyon, sundan ang payo ng doktor at gamitin ito ng tama. Dagdag pa dito, kapag tatanggap ng bakuna at iba pang injection, siguraduhing maabisuhan mo ang doktor na buntis ka.
Mga Dapat Malaman Para sa Pagkakaroon ng Matibay Buto Para sa Matibay na Ipin
Sintomas | Tugon |
---|---|
Pagdugo sa vagina | Laging ipalagay na may mali kapag magkaroon ng pagdudugo. Pula ang kulay ng bagong pagdudugo habang halos itim ang lumang pagdudugo. Anupaman ang kaso, kinakailangang makipagkonsulta sa doktor. |
Masakit na puson | Indikasyon na maaring mag-miscarriage ang pagkakaroon ng masakit na puson. Kailangan ng karagdagang pag-iingat kapag nangyari ito kasabay ng pagdudugo mula sa vagina. |
Pag-agos ng tubig | Tumutukoy ito sa maligamgam, matubig na likido na lalabas mula sa vagina. Umaagos ang tubig na ito sa tuwing nagpapatuloy ang labor at lumuluwang ang bukana ng matris. Gayunpaman, maari rin mangyari ito sa simula ng miscarriage at premature na panganganak. |
Pamamaga | Kumuha ng atensyong medikal kung mangyari ang alin sa mga sumusunod: -Namamaga ang mga talukapmata o mga paa. Nananatiling naka-depress ang balat sa iyong talampakan sa matapos diinan ito gamit ng daliri. Biglang nadagdagan ang iyong timbang. Kumonti ang pag-ihi. |
Mataas na lagnat | Kumuha ng atensyong medikal kung magkaroon ng lagnat na higit pa sa 38°C. |
Importante na magkaroon ng regular na check-up sa kalusugan kapag buntis.
Ang mga buntis na may Resident Registry sa Hamamatsu City Ipagkakaloob ang Handbook ng Kalusugan ng Ina at Anak at ang Prenatal Checkup Voucher na maaaring gamitin habang ang iyong pananatili ay wasto. Bawat medical examination form ay valid hanggang sa katapusan ng visa ng nagmamay-ari nito.
Magagamit ang sheet na ito para makatanggap ng hanggang sa 16 check-up para sa mga buntis na bahagyang sagot ng pampublikong tulong sa mga naka-listang clinic. (Karamihan sa mga gynecologist, obstetrician, at maternity centers sa loob ng Hamamatsu City at Shizuoka Prefecture).
Kung kailangan ma-ospital dahil sa alinman sa limang sakit nakalista sa ibaba, mayroong ilalaan na suportang pinansyal batay sa ibibigay na income ng pamilya.
(* Mayroong sistema ng quota batay sa income)
5 tipo ng sakit / dala ng panganganak na hypertension, Diabetes, Anemia, Obstetric Bleeding, Cardiac Disease
Health Promotion Section
053-453-6116
Para sa mga katanungan tungkol sa pagbubuntis, panganganak, at pagpapalaki ng anak, mangyaring lumapit sa Sentro ng Kalusugan (Sentro ng Pamilya at mga Bata).