Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pangkagipitang Tawag
ここから本文です。
Update date:March 8, 2022
Tumawag sa 110 kapag may nakita kang aksidente sa daan o nakasaksi nito, o nabikitma, ng isang krimen.
Kung may sunog sa inyong bahay o kung may nakita kang sunog saan man, sumigaw ng “Sunog” (Kaji da) ng malakas upang abisuhan ang ibang mga tao. At agad na tumawag sa 119 para sa bumbero.
Kapag may agarang gamutang ang kailangan dahil sa biglaan sakit, aksidente sa daan, pagkalason sa gaas, malubhang sunog, atbp., tumawag sa 119 para sa ambulansya.
Una, malinaw na ipahayag kung ano ang nangyari: sunog (kaji) o kagipitan (kyukyu). Tapos ibigay ang iyong pangalan, tirahan, at numero ng telepono. Kapag nagbibigay ka ng impormasyon, magsalita sa Hapon o humingi ng tulong sa sinumang nakakapagsalita sa Hapon.