CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Sunog / Ambulansya

Sunog / Ambulansya(119)

Kung may sunog sa inyong bahay o kung may nakita kang sunog saan man, sumigaw ng “Sunog” (Kaji da) ng malakas upang abisuhan ang ibang mga tao. At agad na tumawag sa 119 para sa bumbero.
Kapag may agarang gamutang ang kailangan dahil sa biglaan sakit, aksidente sa daan, pagkalason sa gaas, malubhang sunog, atbp., tumawag sa 119 para sa ambulansya.
Una, malinaw na ipahayag kung ano ang nangyari: sunog (kaji) o kagipitan (kyukyu). Tapos ibigay ang iyong pangalan, tirahan, at numero ng telepono. Kapag nagbibigay ka ng impormasyon, magsalita sa Hapon o humingi ng tulong sa sinumang nakakapagsalita sa Hapon.

Halimbawa ng mga 119 na tawag:

1) Una, ipahayag kung ano ang nangyari.

  A.Sunog: "May sunog." (Kaji desu.)
  B.Pinsala: "Kyukyu desu. Kega o shimashia" (Saklolo! Napinsala ako.)
  C.Karamdaman: "Kyukyu desu. Kyubyo desu" (Saklolo! May isang tao na / ako ay nagdurusa dahil sa biglaang sakit.

2) TTapos ibigay ang iyong pangalan, tirahan, at numero ng telepono.

 &nbsp &nbsp "Ang pangalan ko ay ..." (Namae wa ... desu )
 &nbsp &nbsp "Jusho wa ... desu" (Ang lugar ay ... )
 &nbsp &nbsp "Denwabango wa ... desu" (Ang numero ng aking telepono ay ...)

Sa Pinakataas na Pahina