CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Mga Paksa > Bakuna para sa 12 taong gulang pataas] Laban sa Coronavirus (ika-3 beses o higit pa)

ここから本文です。

Update date:September 20, 2023

Bakuna para sa 12 taong gulang pataas] Laban sa Coronavirus (ika-3 beses o higit pa)

Maaring makatanggap na tao

Mga taong angkop sa lahat ng sumusunod:

  • Edad 12 anyos pataas na tao
  • Nakatanggap na ng 2 o higit pang bakuna hanggang
  • Mga taong nabakunahan nang higit sa 3 buwan

Panahon na maaring makakatanggap ng bakuna

Hanggang Marso 31, 2024

Gastusin sa pagpa bakuna

Walang bayad

Daloy ng Bakuna 

1.Tumanggap ng tiket ng bakuna

  • Ang Lungsod ng Hamamatsu ay magpapadala ng tiket sa pagbabakuna ( kinakailangan upang mabakunahan) sa pamamagitan ng koreo sa lugar kung saan ka nakatira (ang address na nakasulat sa iyong resident card).Darating ang tiket sa pagbabakuna pagkatapos ng ika-20 ng buwan bago ang araw na maaari kang matanggap ng bakuna.
  • Kung hindi mo pa natatanggap ang bivalent vaccine (para sa Wuhan strain at Omicron strain sa ngayon) at may tiket sa pagbabakuna, mangyaring gamitin ito. 
  • Kung hindi ka makatanggap ng tiket sa pagbabakuna kahit na lumipas ang tatlong buwan mula noong huli mong pagbabakuna, o kung nawala mo ang iyong tiket sa pagbabakuna, mangyaring mag-apply gamit ang paraang inilarawan sa ibaba.
  1. Sa Internet(Nihongo)
    https://ttzk.graffer.jp/city-hamamatsu/smart-apply/apply-procedure-alias/aki-sessyuken
  2. Telepono Hamamatsu City Corona Ekslusibong numero 0120-319-567(0 yen)
    ※Maaring tumawag mula alas 9 hanggang alas 5 ng hapon
    ※Nihongo, English, Portugal, Filipino, Vietnam, Spain, at Chinese. Maaring magamit na wika sa pakikipag-usap.
    ※Kapag tumawag ka ang una mong maririnig na salita ay nihongo.
    ※Kapag narinig mo ang boses pindutin ang numero ng wikang nais mong ipasalin at wikang nais mong gamitin.
    • Ingles:「2」
    • Portuges:「3」
    • Para sa ibang wika pindutin ng numerong :「4」sabihin kung anong wika ang nais mong ipasalin

2.Paraan ng Reserbasyon

Paraan1 Kapag gusto mong magpabakuna sa ospital o klinika

Tumawag ng direkta sa Mga Ospital o Klinika

Paraan2 Magpabakuna sa Mass Inoculation site

Pumili sa sumusunod na tatlong paraan para magpareserba

  1. LINE(Nihongo)
  2. Internet(Nihongo)
  3. Telepono Hamamatsu City Covid-19 Ekslusibong numero 0120-319-567(0yen)
    ※Maaring tumawag mula alas 9 hanggang alas 5 ng hapon
    ※Nihongo, English, Portugal, Filipino, Vietnam, Spain, at Chinese. Maaring magamit na wika sa pakikipag-usap.
    ※Kapag tumawag ka ang una mong maririnig na salita ay nihongo.
    ※Kapag narinig mo ang boses pindutin ang numero ng wikang nais mong ipasalin at wikang nais mong gamitin.
    • Ingles:「2」
    • Portuges:「3」
    • Para sa ibang wika pindutin ng numerong :「4」sabihin kung anong wika ang nais mong ipasalin

3.Pagbakuna ng Vaccine

Sa araw ng pagbabakuna, dalhin ang mga sumusunod na bagay sa lugar ng pagbabakuna.

  • Pinagsamang slip ng pre-examination ng tiket sa pagbabakuna (isulat ito bago pumunta sa lugar na kukuha ng bakuna)
  • Mga dokumento sa pag-verify ng pagkakakilanlan (My Number card, residence card, driver's license, health insurance card, atbp.) 
  • Booklet ng gamot (para sa mayroon lamang)

Para sa Mass inoculation venue

Paki check sa Vaccine Call Center (0120-319-567) o kaya naman ay ang website para sa mga lugar kung saan maaari kang magpabakuna.

Uri ng Bakuna

  • Moderna vaccine(Angkop sa Omicron stock XBB.1.5) 
  • Ang na bakuna ng Pfizer(Angkop sa Omicron stock XBB.1.5)

Atbp.

Para sa bagong impormasyon, mangyaring tignan ang mga website ng Hamamatsu City at Ministry of Health, Labor and Welfare.