CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Mga Paksa > [Deadline ng Aplikasyon hanggang March 31, 2025 (Lunes)]Sa mga sambahayan na may proporsyonal ng buwis ng paninirahan ay 0 yen ay tatanggap ng 30,000 yen at karagdagang halaga para sa mga bata (20,000 yen bawat bata)

ここから本文です。

Update date:March 10, 2025

[Deadline ng Aplikasyon
hanggang March 31, 2025 (Lunes)]Sa mga sambahayan na may proporsyonal ng buwis ng paninirahan ay 0 yen ay tatanggap ng 30,000 yen at karagdagang halaga para sa mga bata (20,000 yen bawat bata)

Para sa mga sambahayan na may proporsyonal na ang rate ng buwis sa paninirahan ay 0 yen  para sa taong  2024 (isang pamilya na may parehong tala ng tirahan), atbp. Ay bibigyan ng 30,000 yen kada sambahayan.

Kung ikaw ay sumusuporta (nagpapalaki) ng isang anak na wala pang 18 taong gulang (ipinanganak pagkatapos ng Abril 2, 2006),ay makakatanggap din ng karagdagang 20,000 yen bawat bata.

Para sa mga katanungan , makipag-ugnayan lamang sa call center (0120-034-053 *Pindutin ang "numero 1" pagkatapos ng automated voice guidance).
Sa call center may nagsasalita ng pitong wika, kabilang ang Ingles, Portuges, at Vietnamese.

Mga sambahayan na nararapat sa benepisyo

(1) 30,000 yen para sa mga sambahayan na may proporsyonal na  buwis ng paninirahang rate ay 0 yen

Mga sambahayan kung saan ang lahat ng mga miyembro ay  0 yen ang buwis sa paninirahan ( lahat ay pare-parehong walang binabayarang  tax) para sa taong piskal 2024

* Para sa lahat ng mga sambahayan na tumatanggap ng suporta mula sa isang miyembro ng pamilya na ang buwis sa paninirahan ay hindi 0 yen, hindi sila karapat-dapat makatanggap ng benipisyo.

(2) Karagdagang halaga para sa mga bata (20,000 yen bawat bata)

Mga sambahayang maaring makatanggap ng benipisyo na binabangit sa numero (1) ay ang mga sumusuporta (nagpapalaki) anak/ batang wala pang 18 taong gulang (ipinanganak pagkatapos ng Abril 2, 2006 (Heisei 18)

Halagang matatangap

(1) Mga sambahayan na may proporsyonal na rate ng buwis sa paninirahan na 0 yen na sambahayan ay ang makatatanggap ng benepisyo

30,000 yen bawat sambahayan

(2) karagdagang halaga para sa mga bata

batang wala pang 18 taong gulang  karagdagang 20,000 yen bawat bata.

Paraan ng aplikasyon

1. Mga sambahayang padadalan ng papel para sa aplikasyon ng benepisyo

Ang mga sambahayan na nakatanggap na ng mga benepisyo ay makakatanggap ng "Abiso para sa benepisyo" (purple) sa koreo simula Enero 17, 2025. 

Kung nais mong matanggap ang pera sa account na naiiba sa nakasulat sa abiso ng probisyon, o kung hindi mo nais na matanggap ang pera, mangyaring makipag ugnayan sa call center sa pamamagitan ng nakasulat na deadline. Maliban doon, wala ka nang dapat gawin.

Hanggang kailan maipapadala ang benepisyo

Sa mga hindi nagbabago ng account, magsisimula ipadala ang benepisyo sa Miyerkules, Pebrero 5.
Sa mga magpapalit ng account kailangang  maghihintay ng  isang buwan matapos matanggap ng lungsod ang notification ng pagbabago ng account.

2. Mga sambahayan na papadalan ng form ng kumpirmasyon

1.Papadalan ng form ng kumpirmasyon  (pink)ang mga sambahayang karapat-dapat makatanggap ng benipisyo sa pamamagitan ng koreo. Pagkatapos punan ang mga kailangang seksyon ng form ipadala ito gamit ang return envelop. Hindi maaring dalin ito mismo sa City Hall para ipasa.

*May posibilidad na ang mga form ng kumpirmasyon ay hindi maipadala sa mga karapat dapat. Kung sa palagay mo pasado ka sa  mga pamantayan sa ibaba, mangyaring ikaw mismo ang kumuha at magsumite ang form ng aplikasyon.Para sa karagdagang detalye kung paano makuha ang  form ng aplikasyon, mangyaring makipag ugnayan sa call center.

  • Naging 0yen  ang buwis ng paninirahan dahil sa mga kadahilanang namatayan o diborsyo sa asawa lamang na  ang asawa ay hindi exempted sa buwis sa paninirahan. 
  • Mga batang ipinanganak pagkatapos ng Disyembre 14, 2024 sa parehong sambahayan.
  • Mga anak na iyong dependent pero hindi kasama sa bahay, dahil(nakatira sa mga dermitoryo ng paaralan) .

Kailanangang mga papeles

Form ng Kumpirmasyon

Kung ang impormasyon ng iyong account ay hindi nakasulat sa form ng kumpirmasyon, o kung nais mong matanggap ang  pera gamit ang ibang account, kakailanganin mo ang isang dokumento (residence card o pasaporte) o isang kopya ng iyong passbook na maaaring magamit upang kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring basahin ang "Mga Attachment" sa pahina D ng form ng kumpirmasyon.

Deadline ng Aplikasyon

hanggang March 31, 2025 (Lunes)

* Tatangapin ang dokumento ng aplikasyon kung ito ay may postmark ng hanggang Marso 31, 2025.
* Pag natanggap ang ipinada sayo ang  form ng aplikasyon I-apply ito sa lalong madaling panahon.

Kailan matatanggap ang benepisyo

Tinatayang 3 linggo hanggang 1 buwan matapos matanggap ng lungsod ang "form ng kumpirmasyon".
* Kung kulang  ang impormasyon, o kinakailangan ang karagdagang impormasyon, ang pagtanggap ng benipisyo ay maaring maaantala. 

Mga katanungan

Hamamatsu City Financial Subsidy for Inflation Call Center

TEL: 0120 034 053(walang bayad)
Pindutin lamang ang 1 pagkatapos ng automated na mensahe. 

Mga Oras ng Pagbubukas: 08:30 ~ 17:15
(Lunes~Biyernes ※saado ito kapag holiday at mga pambansang pista opisyal)

Ang call center ay may pasilidad sa mga katanungan sa 7 wika, kabilang ang Ingles, Portuges, at Vietnamese.