CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Mga Paksa > Magbabago ang sistema ng allowance para sa mga bata mula Oktubre 2024

ここから本文です。

Update date:January 31, 2025

Magbabago ang sistema ng allowance para sa mga bata mula Oktubre 2024

Pang Oktubre 2024(Matatanggap ng Disyembre) ang sistema ng allowance para sa mga bata ay magbago.

Ang mga bagong kwalipikadong makakatanggap ng allowance ng bata dahil sa pagbabago sa sistema o pagtaas ng halaga ng nasabing allowance ay maaaring kailanganing sundin ang mga pamamaraan o proseso. Ang mga taong nangangailangan ng aplikasyon ay dapat sumunod sa pamamaraan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa nauugnay na opisina (sa iyong lokal na Sentro na pang mga Bata at Pamilya).

Mga pagbabago sa mga allowance ng bata

Edad ng mga bata

Panganay at pangalawang anak

Pangatlong anak pataas(*)
mula 0-2 taon 15,000yen 30,000yen
mula 3 taon hanggang elementarya 10,000yen 30,000yen
junior high school 10,000yen 30,000yen

high school
(ipinanganak mula Abril 2, 2006 hanggang Abril 1, 2009

10,000yen

30,000yen

* Pang ika-3 o mga kasunod nito na anak ( mga batang ipinanganak noong o pagkatapos ng Abril 2, 2002)

Ang mga pangunahing pagbabagong ginawa ay ang mga sumusunod

  • Mga dati ay hindi nakatanggap ng mga allowance ng bata dahil sila ay may mataas na kita ay maaari na ngayong tumanggap ng mga ito.(Wala  ang mga limitasyon sa kita.)
  • Makakatanggap na ng  allowance ng bata kahit na mag-aaral na sa high school.
  • Ang allowance ng bata (buwanang) para sa ikatlong anak at pataas ay tumaas mula 15,000 yen hanggang 30,000 yen.

Paraan ng Aplikasyon

Mga taong kailangang gumawa sa aplikasyon

Maaaring kailanganin ng mga sumusunod na tao na sundin ang mga proseso.
Para sa mga detalye, mangyaring kumonsulta sa contact person na namamahala.

  • Mga taong kwalipikado na ngayon para sa allowance ng bata dahil sa mga pagbabago sa sistema
    (Mga taong napapailalim sa mga limitasyon sa kita, mga taong nagpapalaki ng mga batang nasa high school at walang anak sa junior high school o mas bata, atbp.)
  • Mga taong tataas ang halaga ng allowance ng anak dahil sa pagbabago sa sistema
    (Ang pagpapalaki ng tatlo o higit pang mga anak, kabilang ang mga batang nasaedad na pang kolehiyo, atbp.)

Deadline para sa  proseso ng aplikasyon

Ang mga aplikasyon ay dapat dumating hanggang, Marso 31, 2025 (Lunes)

Paraan kung paano ang aplikasyon

ipadala  gamit  ang koreo

Mangyaring ipadala ang mga kinakailangang dokumento sa address sa ibaba.
Maaaring ma-download ang mga form para sa mga dokumento mula sa website sa ibaba.
Ang mga kinakailangang dokumento ay iba-iba depende sa bawat tao.

https://www.hamamatsu-pippi.net/contents/50903.html

〒430-8790
浜松郵便局 私書箱第64号 浜松市役所子育て支援課 こども福祉担当行

Hamamatsu Yubinkyoku     Shisho bako dai 64 Gō
Hamamatsu Shiyakusho    Kosodate Shien-ka    Kodomo Fukushi Tantō

Tanggapan

Mangyaring dalhin ang mga kinakailangang dokumento sa opisinang namamahala.

Elektronikong Aplikasyon

Kakailanganin ang My Number. Magagawa mo ang proseso gamit ang website sa ibaba.

https://www.hamamatsu-pippi.net/contents/7836.html

Petsa kung kailan matatanggap ang allowance ng bata

Kapag nagawa at naipasa mo ang aplikasyon hanggang Marso 31, 2025 makakatanggap ka ng tumaas na allowance ng bata para sa pang Oktubre 2024 na nakalipas mong  natanggap.
Pakisuri ang paunawa na matatanggap mo pagkatapos masuri ang iyong mga dokumento at elektronikong aplikasyon para makita kung kailan mo matatanggap ang allowance ng iyong anak.

  Para sa mga katanungan

Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang seksyong Q&A ng site ng impormasyon sa pagpapalaki ng bata ng Hamamatsu City, "Pippi."

Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa nauugnay na opisina (sa iyong lokal na Sentro na pang mga Bata at Pamilya).

Chūō Ward Office
Dibisyon para sa mga Bata at Pamilya
Chūō-ku Motoshiro-cho 103-2 053-457-2035
Higashi Administrative Center
Namamahala para sa dibisyon ng pang mga bata at pamilya
Chūō-ku Ryutsumoto-machi 20-3 053-424-0175
Nishi Administrative Center
Namamahala para sa dibisyon ng pang mga bata at pamilya
Chūō-ku Yūto 1-31-1 053-597-1157
Minami Administrative Center
Namamahala para sa dibisyon ng pang mga bata at pamilya
Chūō-ku Enoshima-cho 600-1 053-425-1463
Hamana Ward Office
Dibisyon ng Social Welfare
Hamana-ku Kibune 3000 053-585-1121
Kita Administrative Center
Namamahala para sa Dibisyon ng Social Welfare
Hamana-ku Hosoe-cho Kiga 305 053-523-2893
Tenryū  Ward Office
Dibisyon ng Social Welfare
Tenryū -ku Futamata-cho Futamata 481 053-922-0023