CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Edukasyon > Hay-iskul, Unibersidad at mababang Kolehiyo

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Hay-iskul, Unibersidad at mababang Kolehiyo

Mataas na Paaralan

Ang hay-iskul ay para sa mga mag-aaral na nagtapos mula sa mababang hay-iskul. Sa Hapon, mahigit sa 90% ng mga mag-aaral ay dumederetso sa hay-iskul. Para makapasok ng hay-iskul, kinakailangang kumuha ng pagsusulit ang isang mag-aaral. May mga ibang paaralan na mayroong sistema ng rekomendasyon sa pagpasok. Maraming uri ng hay-iskul. Hinahati ang mga klase ayon sa nilalaman nito: Maaaring magbigay ng mga regular na kurso ang paaralan, espesyal na kurso (teknikal, Negosyo, Agrikultural at mga kurso ng dayuhang wika, at iba pa) at ang pangkalahatang kurso sa pag-aaral. Binabatay din ang paaralan ayon sa pagsasagawa ng mga oras ng klase; ang oras sa araw ay tinatawag na zennichi sei, bahagi ng oras ay tinatawag na teiji sei, at ang ugnayan ng paaralan ay tinatawag na tsushin sei. Mayroon ding mga paaralan na may espesyal na sistema ng pagtanggap para sa mag dayuhang mag-aaral.

Unibersidad at Mababang Kolehiyo

Ang mga unibersidad at mababang kolehiyo ay paaralan para sa mga mag-aaral na nagtapos sa mataan na hay-iskul. Para makapasok sa unibersidad o mababang kolehiyo, kinakailangang kumuha ka ng pagsusulit. Maaari kang kumuha ng pasgsusulit kung ikaw ay nakakuha ng edukasyon na kapantay ng sa mataas na mag-aaral ng hay-iskul ng Hapon kahit na hindi nagtapos sa isang mababa at mataas na hay-iskul ng Hapon. Ang ibang unibersidad at mababang kolehiyo ay mayroong espesyal na sistema ng pagtanggap sa mga dayuhan.

Sa Pinakataas na Pahina