Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Edukasyon > Ang Buhay sa Paaralan ng Lungsod Hamamatsu
ここから本文です。
Update date:March 8, 2022
Nagsisimula ang akademikong taon ng Abril at nagtatapos ng Marso ng susunod na taon. Nahahati ang isang taon sa tatlong termino. Mulang Abril hanggang huling linggo ng Hulyo ay ang unang termino at ang kasunod nito ay ang bakasyon sa tag-init. Nagsisimula ang ikalawang termino ng Setyembre at patuloy lamang ito hanggang sa magsimula ang bakasyon ng taglamig sa gitna ng Disyembre. Ang ikatlong termino ay mula sa Enero hanggang gitna ng Marso at pagkatapos nito nagsisimula ang bakasyon ng tagsibol.
Mga walang araw ng pasok ang Sabado, Linggo, pambansang araw na walang pasok at tag-init, tagsibol at taglamig na bakasyon. Halos 2 linggo ang taglamig na bakasyon (gitna ng Marso-simula ng Abril), ang bakasyon ng tag-init ay mga 6 na linggo (huling linggo ng Hulyo-Agosto 31) at ang taglamig na bakasyon ay mga 2 linggo (huling linggo ng Disyembre-umpisa ng Enero).
Depende sa bawat paaralan ang pagsisimula ng oras Karaniwang may tagubilin na dapat ay nasa paaralan na ng 30 - 10 minuto bago magsimula ang gawain sa umaga. Itututing na huli na sa klase ang mag-aaral na hindi dumating sa tamang oras ng pagsisimula ng klase. Pakiabisuhan ang paaralan kapag ang liliban o mahuhuli ng pagpasog ang iyong anak. Ang pagtatapos ng oras ng klase ay depende sa araw, ngunit naka isekedyul ito. Gayumpaman, magbabago ang iskedyul sa kaso ng okasyon at gawain sa paaralan, aabisuhan agad ang tagapag-alaga bilang alituntunin ng paaralan.
Maaaring italaga ang daan sa paaralan. Tinatawag ang daang ito na "Tsugakuro". Mangyarinng gamitin ng inyong anak ang Tsukaguro. Mayroong mga paaralan na nagsasagawa ng grupo ng biyahero. Nagsasama-sama ang mga mag-aaral para magtungo sa paaralan para sa kanilang kaligtasan. Mangyaring ikompirma ang oras at lugar kung saan magkikita-kita.
Mayroong tanghalian mula Lunes hanggang Biyernes ang elementarya at baguhang hay-iskul. Kapag ang inyong anak ay pumasok sa Dating Hamamatsu o sa lugar ng Hamakita, mayroong ilang araw sa isang linggokung saan kailangang magdala ng sariling kanin. Mangyaring tingnan ang talaan ng pagkain bawat buwan at siguraduhin na may dalang lutong kanin ang inyong anak sa paaralan sa itinakdang mga araw.
Sa simula at katapusan ng termino at mga espesyal na okasyon, ang inyong anak ay magdadala ng kanilang tanghalian. Ipapaalam agad sa simula pa lamang kung kaya't mangyaring magdala ng baunan ang inyong mga anak. Kung may allergy ang inyong anak o tulad ng uri nito, pakiabisuhan ang paaralan.
Mayroong oras ng paglilinis "Soji no Jikan" kung saan naglilinis ang mga mag-aaral at mga guro ng kanilang silid-aralan, pasilyo, hagdanan, at paligid ng paaralan. Sa paaralan ng Hapon, nililinis namin ang mga lugar na aming ginamit para sa pang-edukasyong kadahilanan.
May iba't ibang gawain ang samahan sa baguhang hay-skul. Bawat mag-aaral ay sumasali sa isports o sa samahan ng mga sining na kanyang kinahihiligan at nag-eensayo pagkatapos ng klase o sa mga araw na walang pasok sa ilalim ng pagtuturo ng gurong tagapayo.
Maaaring magkaroon ng mga pag-eensayo sa umaga at mga palaro sa araw na walang pasok. Kapag nagpunta ang mag-aaral sa praktis o sa laro, ang mga gastusin ay dapat na sagutin ng indibidwal. Gayundin ang mga aytem na kailangan para sa gawain ng samahan, tulad ng uniporme at iba pang kailangan ay dapat na bayaran ng indibidwal. Depende sa bawat paaralan ang dami at iba't ibang gawain ng samahan. Mangyaring magtanong sa guro ng paaralan tungkol sa iba't iang gawain ng samahan.
Iba-iba ang simula at pagtatapos ng oras at dami ng mga klase sa bawat paaralan. Tinatayang nasa 45 minuto ang isang klase sa elemntarya at 50 minuto sa baguhang hay-iskul.
Mababang Paaralan | |
---|---|
Simula | ~8:05 |
Sesyon sa umaga | 8:20 - 8:30 |
Unang klase | 8:30 - 9:15 |
Ikalawang Klase | 9:25 - 10:10 |
Ikatlong Klase | 10:30 - 11:15 |
Ikaapat na Klase | 11:25 - 12:10 |
Tanghalian | 12:10 - 13:00 |
Pahinga sa Tanghali | 13:00 - 13:20 |
Oras ng paglilinis | 13:25 - 13:40 |
Ikalimang klase | 13:50 - 14:35 |
Pagsasara ng Sesyon | 14:35 - 14:50 |
Gawain ng samahan / Oras sa bahay |
Junior Hayskul | |
---|---|
Simula | ~8:00 |
Sesyon sa umaga | 8:15 - 8:20 |
Unang klase | 8:30 - 9:20 |
Ikalawang Klase | 9:30 - 10:20 |
Ikatlong Klase | 10:30 - 11:20 |
Ikaapat na Klase | 11:30 - 12:20 |
Tanghalian | 12:20 - 12:50 |
Pahinga sa Tanghali | 12:50 - 13:20 |
Ikalimang klase | 13:20 - 14:10 |
Ikaanim na klase | 14:20 - 15:10 |
Oras ng paglilinis | 15:20 - 15:40 |
Pagsasara ng Sesyon | 15:50 - 16:10 |
Gawain ng samahan/Oras sa bahay |
Nagsisimula ang Paaralan ng Hapon ng bril at nagtatapos ng Marso ng susunod na taon. Nahahati ang isang taon sa tatlong termino. Mulang Abril hanggnag Hulyo ang unang termino, ang ikalawang termino ay mulang Setyembre hanggang Disyembre, at ang ikaltong termino ay mulang Enero hanggang Marso. Maraming mga pagdiriwang ang paaralan sa loob ng isang taon. Hihilinging magtungo sa paaralan ang tagapag-alaga para sa mga ilang okasyon, tulad ng pagbubukas ng klase at interbyu. Sa ganyang kaso, ipapaalam ito sa iyo ng paaralan sa pamamagitan ng liham.
Abr. | Ang Pambungad na Seremonya, Ang simula ng seremonya ng taon ng Paglalakbay ng Paaralan at Pagsasanay sa Paglikas , Pulong ng PTA |
---|---|
Mayo | Pagsasanay para sa Kaligtasan sa Kalsada Pagsasanay sa pansamantalang Pagtira sa Tahanan |
Hunyo | Pagbubukas ng palanguyan |
Hulyo | Pulong ng Mag-aaral-Magulang-Guro Ang seremonya ng pagtatapos ng termino |
Set. | Ang pagsisimula ng seremonya, Pagsasanay sa Paglikas |
Okt. | Araw ng Palaro |
Nob. | Ikskursiyon |
Dis. | Pulong ng Mag-aaral-Magulang-Guro Musikang pagtatanghal |
Enero | Ang pagsisimula ng panahon ng seremonya |
Peb. | Presentasyon ng pag-aaral Home-room na pulong (Pulong ng Mag-aaral-Magulang-Guro) |
Mar. | Ang seremonya sa pagtatapos ng taon, Seremonya ng Pagtatapos |
* Ang pagdiriwang sa paaralan ay depende sa bawat paaralan.
Abr. | Pagbubukas ng seremonya Pagdiriwang sa pagsisimula ng taon Bukas na paaralan, Pulong ng PTA ng Pagsasanay ng Paglikas Iskursiyon |
---|---|
Mayo | Pagbisita sa bahay |
Hunyo | Pagbubukas ng palanguyan Pagsasanay sa labas |
Hulyo | Pulong ng Mag-aaral-Magulang-Guro, Ang pagtatatag ng pagsusulit Ang seremonya ng pagtatapos ng termino |
Set. | Ang simula ng seremonya ng termino, Pagsasanay sa Paglikas Araw ng Paligsahan |
Okt. | Kultural na Pagtatanghal |
Dis. | Pulong ng Mag-aaral-Magulang-Guro, Ang seremonya ng simula ng termino Pagtatatag ng pagsusulit |
Enero | Ang pagsisimula ng panahon ng seremonya |
Peb. | Pagtatatag ng pagsusulit Bukas na paaralan sa Pulongang Home-room (Pulong ng mag-aaral-Magulang-Guro) |
Mar. | Despedida Pagtatapos ng seremonya ng taon, Seremonya ng pagtatapos |
*Ang iskedyul ng mga pagdiriwang sa paaralan ay depende sa paaralan.
Grado 1 & 2 | Hapon, Aritmetika, Pamumuhay, Musika, Sining, at P.E. |
---|---|
Grado 3 & 4 | Hapon, Araling Panlipunan, Aritmetika, Agham, Musika, Sining at P.E. |
Grado 5 & 6 | Hapon, Araling Panlipunan, Aritmetika, Agham, Musika, Sining, Ekomoiyang Pantahanan, at P.E. * Bukod sa mga ito, mayroon ding Edukasyong Moral, mha gawain ng Klase, Pangkalahatang Edukasyon at Mga Pangyayari sa Paaralan. |
Hapon | Ang pagkakaroon ng mga kakayahan sa wikang Hapon tulad ng pagsasalita, pakikinig, pagsusulat at pagbabasa. |
---|---|
Araling Panlipunan | Matutunan ang pangunahing bagay sa lipunan at ang heograpiya ng Hapon. |
Aritmetika | Matutunan ang pangunahing kaalaman at ang bilang ng mga imahe. |
Agham | Magkaroon ng siyentipikong pananaw sa pamamagitan ng obserbasyon at eksperimento. |
Pamumuhay | Pag-isipan ang tungkol sa lipunan at kalikasan sa ating paligid at magkaroon ng kaalaman at pag-uugaling kinakailangan para mabuhay (kombinasyon ng Agham at Mga Lipunan). |
Musika | Matutunan ang pangunahing musika sa pamamagitan ng pagkanta, pagtugtog ng mga instrumento at pakikinig sa maraming uri ng musika. |
Sining | Ilabas ang damdaming makasining at pagkamalikhain sa pamamagitan ng patuloy na paggawa at pag-aaliw sa maliliit na bagay. |
P.E. | Paghihikayat ng isang malusog na pangangatawan sa pangangatawan at isip sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng ehersisyo tulad ng pagtakbo, paglangoy, at dyimnastiks. |
Ekonomiyang Pantahanan | Magkaroon ng kaalaman, kagalingan na may kaugnayan sa damit, pagkain, at bahay. |
Edukasyong Moral | Matutunan ang pag-uugali at ang paraan ng pamumuhay batay sa pagkatao, at magkaroon ng lakas upang isabuhay ito. |
Gawain ng Klase | Matutunan kung paano ang maging isang miyembro ng klase o ng paaralan. |
Gawain ng Kinakatawan ng mga Mag-aaral | Hiwalay na Gawain ng mga Mag-aaral para sa mas mabuting pamumuhay. |
Pangkalahatang Edukasyon | May kakayahan upang hanapin ang mga isyu, para matutunan, para mag-isip, para maghusga at para matutunang solusyunan ang sariling problema. |
Hapon, Araling Panlipunan, Matematika, Agham, Musika, Sining, P.EW., Ekonomiyang Pantahanan, Ingles, Kursong Elektibo
*Bukod pa sa mga asignaturang ito, mayroon ding Edukasyong Moral, Mga Gawaing Homeroom, Mga Gawain ng grupo ng mga Mag-aaral, Pangkalahatang Edukasyon, Mga Pangyayari sa Paaralan at mga Gawain ng samahan.
Hapon | Ang pagkakaroon ng mga kakayahan sa wikang Hapon tulad ng pagsasalita, pakikinig, pagsusulat at pagbabasa. |
---|---|
Araling Panlipunan | Matutunan ang mga pangunahing bagay sa lipunan, heograpiya at kasaysayan ng Hapon at ng mundo. |
Aritmetika | Matutunan ang pangunahing kaalaman at prinsipyo ng kantidad at pigura. |
Agham | Magkaroon ng siyentipikong pananaw sa pamamagitan ng obserbasyon at eksperimento. |
Musika | Matutunan ang pangunahing kaalaman sa musika sa pagkanta, pagtugtog at pakikinig sa maraming uri ng musika. |
Sining | Ilabas ang damdaming makasining at pagkamalikhain sa pamamagitan ng patuloy na paggawa at pag-aaliw sa maliliit na bagay. |
P.E. | Paghihikayat ng isang malusog na pangangatawan sa pangangatawan at isip sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng ehersisyo tulad ng pagtakbo, paglangoy, at dyimnastiks, gayundin ang dagdag na kaalamang pampisikal. |
Ekonomiyang Pantahanan | Matutunan ang pangunahing kaalaman at kagalingan sa pang-araw-araw ng buhay pamilya sa pamamagitan ng pagkain, damit, at bahay. |
Ingles | Dagdag na kaalaman at kakayahan para maunawaan at maipahayag ito sa Ingles. |
Alternatibong Asignatura | Magsimula sa ikalawang taon. Maaaring pumili ang mag-aaral na nasa ikalawang taon mula sa P.E., Musika, Sining at Ekonomiyang Pantahanan. Maaaring pumili ang mag-aaral na nasa ikatlong taon mula sa mga asignatura na nais pa nilang matutunan ng mas malaliman. |
Pangkalahatang Edukasyon | May kakayahan upang hanapin ang mga isyu, para matutunan, para mag-isip, para maghusga at para matutunang solusyunan ang sariling problema. |
Edukasyong Moral | Matutunan ang pag-uugali at ang paraan ng pamumuhay batay sa pagkatao, at magkaroon ng lakas upang isabuhay ito. |
Gawain ng Klase | Matutunan kung paano ang maging isang miyembro ng klase o ng paaralan. |
Gawain ng Kinakatawan ng mga Mag-aaral | Hiwalay na Gawain ng mga Mag-aaral para sa mas mabuting pamumuhay. |
Sa pagtatapos ng bawat termino, ibinibigay ng mga guro sa home-room ang mga grado. Ang gradong ito na tinatawag na "Ayumi" sa elementarya at "Tsushinbo" sa mababang hay-iskul ay ang tala ng pangangasiwa ng pag-aaral at buhay sa paaralan sa pangkalahatan. Sa maraming kaso, tinatalakay ang mga detalye.
Kung kinakailangan ang tagasalin, magtanong sa paaralan. Magpapadala ang Lupon ng Edukasyon ng isang tagapagpayong dayuhang mag-aaral para matulungan ka.
Sa pampublikong elementarya at mababang hay-iskul, libre ang bayad sa admisyon, bayad sa klase at teksto. Kailangang sagutin ng tagapag-alaga ang mga suplay sa paaralan bukod sa mga teksto, tanghalian, at ipa pang kaalamang materyal, taunang aklat, pagsasanay sa labas (o pagsasanay sa pansamantalang tirahan), mga ikskursiyon at iba pa. Depende sa paaralan ang paraan ng pagbabayad, ngunit karamihan sa mga paaralan ay direktang naniningil sa iyong akawnt sa bangko. Siguraduhing may sapat na pera sa iyong akawnt sa araw na isinaad. Kung sakaling bumaba ang iyong kita at mahirapang magbayad para sa mga gastusin sa paaralan, maaaring mag-apply sa pagsuporta sa pag-aaral, kung kaya't komunsulta sa iyong paaralan.
Sa paaralan ng Hapon, may mga oportunidad para sa guro para talakayin ang edukasyon sa paaralan ng kanilang mga anak. Sa kaso ng pangangailangan, maaaring palagiang komunsulta sa guro ng paaralan. Kung kinakailangan ang tagasalin, magpapadala ang Lupon ng Edukasyon ng isang tagapayo na dayuhang mag-aaral para tumulong. Gayundin, mga oportunidad sa konsultasyon tulad ng pagbisita sa bahay, pulong ng home-room at pulong ng magulang-guro ay naka iskedyul bawat termino. Kausapin ang inyong paaralan, kung may pagkabahala sa pag-aaral at buhay ng iyong anak sa bahay at paaralan.
Pagbisita sa bahay | Bumibisita ang guro ng home-room sa bawat bahay ng mag-aaral at tinatalakay ang buhay ng anak sa bahay at sa paaralan. |
---|---|
Pulong ng Home-room | Bumibisita ang mga magulang sa paaralan at tinatalakay ang mga bagay ukol sa paaralan at at bawat home-room nang mayroong prinsipyo (o pamamahala sa grado) at ang guro sa homeroom. |
Pulong ng Mag-aaral-magulang-guro | Tinatalakay ang pagganap ng mag-aaral sa paaralan. Maaaring makipagpulong kasama man o hindi ang iyong anak. Ito ang pinakamabisang oportunidad para talakayin ang mga personal na bagay. |
* Ang mga iskedyul ng pulong na nabanggit sa itaas ay ipapaalam sa pamamagitan ng liham, kung kayat mangyaring makibahagi.Mas lalong higit na mahalaga ang pulong ng mag-aaral-magulang-guro, kung kaya't kapag hindi angkop ang petsang nakasaad, mangyaring ipaalam sa paaralan para mapalitan ang petsa. Kung sakaling humiling ka ng tagasalin, itatakda ang petsa ayon sa iskedyul ng tagasalin. Pakiusap na masanay dito.
Ang P.T.A. ay isang samahan na binubuo ng mga magulang at mga guro, at ang layunin niyo ay ang sumusunod: 1) para mapahusay ang edukasyon ng mga mag-aaral, 2) Magkaroon ng dagdag na suporta sa paaralan, at 3) magkaroon ng matatag na relasyon sa pagitan ng mga miyembro. Kapag nag-enrol ang inyong anak sa paaralan, awtomatiko kang miyembro ng P.T.A. at kinakailangang magbayad ng bayad sa pagpapamiyembro sa iyong paaralan. Iba't iba ang pagsasagawa ng pagpili ng mga opisyal sa bawat paaralan, at ang mga opisyal ay bumubuo ng iba't ibang uri ng mga komite. Nagpaplano at nagsasagawa ang mga komiteng ito ng iba't ibang gawaing edukasyonal, kultural at mga gawaing palaro at serbisyo sa gawaing komunidad.ipamamahagi ang pabalita ng P.T.A. sa pamamagitan ng iyong paaralan, mangyaring basahin at makibahagi.
Ang paaralan ng Hapon ay maaaring iba sa iyong sariling bansa. Mangyaring kunin ang ilang pabatid sa sumusunod na puntoat disiplinahin ang inyogn anak nang sa gayon masisiyahan siya sa pag-aarala sa paaralan ng Hapon.
(1) | Huwag lumiban o mahuli sa klase. |
(2) | Huwag kalimutang kumain ng agahan. |
(3) | Sigurading tumawag sa paaralan ng 8 ng umaga kung hindi makakapasok ang inyong anak. |
(4) | Gamitin ang itinakdang ruta papunta sa paaralan. Huwag umalis ng paaralan nang walang permiso mula sa guro. |
(5) | Dalhin lamang ang damit at mga bagay na pinahihintulutan ng inyong paaralan. Para sa inyong kaligtasan, huwag pasusuutin ng alahas tulad ng hikaw at singsing sa paaralan ang inyong anak. Halos lahat ng paaralan sa elementarya ay walang patakaran sa pananamit o mga bagay na maaaring dalhin ngunit kailangang magpalit ng damit pang gym para mga klase ng edukasyong pampisikal. Mayroong uniporme ang mababang hay-iskul. Mayroon ding nakatalagang kasuutan sa pagsasanay sa klase ng P.E. at iba pang gawain sa paaralan. |
(6) | Huwag magdala ng pagkain, inumin at iba pang bagay na hindi kinakailangan sa paaralan tulad ng laruan at pera. |
(7) | Maaaring italaga ang sapatos sa paaralan. Gayundin, kinakailangang magpalit ng sapatos kapag papasok sa loob ng gusali ng paaralan. |