CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Impormasyon sa araw-araw na Buhay > Samahan ng mga Namamahalang Magkakapitbahay (jichikai)

ここから本文です。

更新日:2022年9月29日

Samahan ng mga Namamahalang Magkakapitbahay (jichikai)

Samahan ng mga Namamahalang Magkakapitbahay (jichikai)

Samahan ng mga Namamahalang Magkakapitbahay (jichikai) ay mga boluntaryong samahan ng mga tao mula sa bawat komunidad na gumagawa ng iba't ibang mga aktibidad para sa kaunlaran ng kanilang komunidad at sa ikatataguyod ng kapakanan ng mga residente. Sila ay nagsisikap para sa ikauunlad ng komunidad sa pamamagitan ng mga aktibidad na nakalista sa ibaba upang himuking magkaroon ng malapit na relasyon sa pagitan ng mga magkakapitbahay, at pagtulong at pag-unawa sa isa't isat. Ang samahan ng mga namamahalang magkakapitbahay ay may ginagampanang mahalagang papel sa pagbuo ng isang magiliw na komunidad, kaya ang inirerekomenda pagsali sa mga aktibidad nito.

Mga Aktibidad ng Samahan ng mga Namamahalang Magkakapitbahay

Pagpapaganda at Pagpapaunlad ng Kapaligiran

  • Paglilinis sa mga lokal na daan, mga kanal, at mga parke. Pagtabas ng damo.
  • Pagsasaayos at pagpapanatili ng lokal na basura at mga lugar para sa kolesyon ng mga basura.
  • Pangongolekta ng mga nare-recycle na mga lata, diyaryo, at mga babasaging bote.

Siguraduhin ang Kaligtasan ng Kapitbahay

  • Paglalagay at pagpapanatili ng mga ilaw lansangan para sa pagpuksa ng mga krimen.
  • Paghahanda sa mga sakuna gaya ng lindol sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay at pagbigay diin sa pansariling kahandaan.*Ang mga lokal na residente ay ang magiging pangunahing mapagkukunan ng tulong matapos na mangyari ang lindol.
  • Suporta sa Pagpatay ng Sunog

Mga Pangkultura at Panlibangang mga Aktibidad

  • Upang bumuo ng magiliw na relasyon sa mga lokal na residente, mga aktibidad gaya ng araw ng isports, mga pangkulturang pagdiriwang, tradisyonal na sayaw, at iba pang mga pagdiriwang na kung saan ang bawat isa ay makakasali ay isinasagawa.

Mga Aktibidad sa Kapakanang Panlipunan

  • Magbigay ng suporta sa iba't ibang mga boluntaryo at pangpondong mga aktibidad.

Magbigay ng Tulong sa Iba't Ibang mga Samahan

  • Magbigay ng tulong para sa iba't ibang samahan para sa mga matatanda at kabataan.

Pagtawag at Pakikipagtulungan sa mga Tanggapan ng Munisipyo

  • Mamigay ng mga panglunsod na patalastas (Koho Hamamatsu), mga pulyeto, at mga sulat.

Sa Pinakataas na Pahina

Ang Sistema ng Samahan ng mga Namamahalang Magkakapitbahay

Ang bawat rehiyon sa lungsod ay may samahan ng mga namamahalang magkakapitbahay na may boluntaryong tagapamahala, mga opisyal na kawani, at mga miyembro. Kapag sasali sa mga namamahalang samahan kailangan mong magbayad ng buwanang singil sa samahan. Ang mga samahan sa ibang mga rehiyon ay inaatasan ang kanilang mga miyembro na magbigay ng paunang bayad para sa ilang buwang singil.
Sa loob ng mga samahang ito, may dalawang maliit na grupo na tinatawag na "kumi" at "han", na pinamumunuan ng lider ng grupo (kumi-cho) at ng lider ng kupunan (han-cho). Ang mga lider na ito ay ang mangongolekta ng singil sa samahan mula sa mga miyembro at magbabahagi ng mga sulat.
Ang mga sulat na naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon para sa mga residente, at ang mga ito ay karaniwang naglalaman ng iba't ibang mga abiso gaya ng impormasyon sa pagtatabas ng damo, pagkokolekta ng basura, samahang pambata, PTA, sentrong pangkomunidad at mga pangrehiyong pagdiriwang, at mga abiso mula sa pulisya. Maari mong ipasa ang sulat sa susunod na sambahayan matapos mong mabasa ang mga impormasyon. Kung mayroon multipol na mga polyeto, maari mong kuhanin ang isa. Ang mga miyembro ng namamahalang mga samahan ay naglilingkod bilang mga lider.

Sa Pinakataas na Pahina