ここから本文です。
更新日:2024年1月1日
Kapag lilipat ng tirahan may ilang mga pamamaraan na kailangang gawin sa pampurok na tanggapan at ibang mga tanggapan ng pampublikong mga serbisyo. Tumawag sa responsableng kagawaran para sa higit pang impormasyon.
Pagpapalit ng tirahan(paglipat sa, pagpapalit ng tirahan, abiso sa pag-alis)
※Tumawag sa Dibisyon ng Pampurok na Serbisyong Munisipal sa iyong lokal na pampurok na tanggapan para sa anumang mga katanungan.
Pakibalik ang iyong Shimin Kard (Sertipiko ng Rehistro ng Selyo) kapag lilipat.
Kapag lumipat ka sa lungsod, maaari mong ipagpatuloy gamitin ang citizen card (seal registration card) ng walang pagbabago.
※Tumawag sa Dibisyon ng Pampurok na Serbisyong Munisipal sa iyong lokal na pampurok na tanggapan para sa anumang mga katanungan.
Ibalik ang iyong kard ng pangkalusugang insurance ng lungsod ng Hamamatsu kapag ikaw ay lilipat dahil sa ito ay mawawalan na ng bisa. Kailangan mong mag-enroll sa bagong lungsod na iyong titirhan. May mga pamamaraang dapat na makumpleto sa paglipat sa loob ng Hamamatsu.
※Humingi ng payo sa Suporta sa mga Nakatatandang Mamamayan at sa Dibisyon ng Pangkalusugang Insurance.
※Humingi ng payo sa Suporta sa mga Nakatatandang Mamamayan at sa Dibisyon ng Pangkalusugang Insurance.
Humingi ng payo sa paaralan o sa Dibisyon ng Suporta sa Pang-edukasyon ng Board of Education.
Humingi ng payo sa Tax Administration Division.
Kapag lilipat, magsumite ng Pagkansela sa Alawans sa Pangangalaga sa Bata upang magsumite sa iyong panibagong tinitirhan. Ipagbigay alam sa responsableng kagawaran sa iyong bagong tirahan kapag ikaw ay lilipat sa loob ng lungsod.
Lisensya sa pagmamaneho, kuryente, gaas, tubig, atbp. ay nangangailangan din ng ilang mga pamamaraan.