CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pag-iwas sa Sakuna > Paggamit ng telepono sa panahon ng sakuna

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Paggamit ng telepono sa panahon ng sakuna

Paggamit ng telepono sa panahong ng sakuna

Kung lilindol sa araw at ang buong pamilya ay nasa labas ng bahay at may iba't ibang pinagkakaabalahan, kinakailangang magkaroon ng kontak sa bawat isa upang masigurong kung ang lahat ay ligtas o hindi. Sa panahon ng sakuna, ang mga linya ng telepono ay napupuno ng mga tawag at nagiging napakahirap ang pagkontak. Binibigyang prayoridad din ang mga grupo sa pag-iwas sa sakuna na nagpapasa ng mahahalagang impomasyon kaya't maaaring maging limitado ang mga linya ng telepono. Sa mga panahong tulad nito, gamitin ang mga numero ng telepono at ang kanilang mga serbisyo.

Gumamit ng mga abo o berdeng teleponong pampubliko!

Madali lamang ang pagtawag sa mga abo at berdeng pampublikong telepono (hindi sa rosas) kahit sa panahong hindi gumagana ang mga ordinaryong telepono. Sa mga panahong ganito ay para bang ang paggamit ng mga baryang tig-10 yen ay mas madali kaysa sa paggamit ng mga telephone card. Ang mga telephone card ay hindi gagana kapag walang kuryente.
Gumamit ng mga abo o berdeng teleponong pampubliko!

Serbisyong Telepono sa Panahon ng Sakuna [171]
(Isang sistemang nagtitiyak sa kaligtasan sa panahon ng sakuna)

Ito ay isang sistema kung saan maaari kang magrekord at magplayback sa pamamagitan ng pagdial ng 171. Ang mga panuto sa paggamit ng sistemang ito ay nasa ibaba.

Pagdial upang magrekord / magplayback ng mensahe
Rekording 171 →1→ I-dial ang numero ng inyong NTT home phone
(simulan sa city code *)
→ Mag-iwan ng mensahe
Magplayback ng mensahe 171 →2→ I-dial ang numero ng inyong NTT home phone
(simulan sa city code *)
→ Ang mensahe ay magpe-playback

*Ang code ng Hamamatsu city ay 053.

Bilang ng mga mensaheng maaaring irekord 1 - 10(ipagbibibigay-alam sa iyo kapag gumamit ka ng serbisyo.)
Haba ng mensahe Hindi lalabis sa 30 segundo
Tagal na maaaring manatili ang mensahe 2 araw
Mga teleponong maaaring gumamit ng serbisyong ito Mga teleponong NTT, mga pampublikong teleponong NTT, mga mobile phone at PHS

Serbisyong Telepono sa Panahon ng Sakuna [171]

Sa Pinakataas na Pahina

Magpasya para sa pangkagipitan kontak nang maaga!

Magsagawa ng pagpupulong tungkol sa pag-iwas sa sakuna at pag-usapan kung saan kayo dapat magkita, kung anu-ano ang responsibilidad ng bawat isa, at kung paano ninyo kokontakin ang bawat isa kapag sumapit ang sakuna. Napakakapaki-pakinabang kung magtatakda ng kapamilya o kamag-anak na nakatira sa labas ng lugar ng sakuna, na maaaring gawing kontakin sa panahon ng kagipitan. Gumawa ng listahan ng mga taong maaaring kontakin sa panahon ng kagipitan at dalhin ito sa lahat ng pagkakataon.
* Ang pagdial mula sa lugar ng sakuna papunta sa numerong nasa labas ng lugar ng sakuna ay hindi dapat magkaroon ng anumang problema.

Sa Pinakataas na Pahina