CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pag-iwas sa Sakuna > Paghahanda sa pinakamasama.

ここから本文です。

Update date:June 20, 2022

Paghahanda sa pinakamasama.

Mga dapat tandaan para sa paghahanda sa lindol

Sa Great Hanshin-Awaji Earthquake, humigit-kumulang 4,000 katao ang namatay dahil sa  pagkadurog dulot ng pagguho ng kanilang mga tahanan at sa ilalim ng mga kasangkapan. Ang Nankai Trough higanteng lindol ay sinasabing may malaking rolling motion na tumatagal ng dalawa hanggang tatlong minuto. 

Siguraduhing kumpleto ang mga gamit.

1.Tanggalin ang mga panganib sa paligid Siguruhing nakaayos ang mga kasangkapan at kagamitan sa bahay
Iwasang mabasag ang mga salamin
2.Paghahanda sa panahon ng kagipitan Mga bagay na dapat dalhin sa panahon ng kagipitan
Pag-iingat para maiwasan ang sunog
3.Maging pamilyar sa mga pamamaraan ng pagpapadala ng impormasyon sa lugar ng sakuna Paano gamitin ang telepono
4.Maging pamilyar sa mga gawain ng grupo ng mga boluntaryo para sa pag-iwas sa sakuna Lumahok sa mga gawain sa pag-iwas sa sakuna sa inyong lugar

1.Pagsasaayos ng mga kasangkapan at pagiwas na mabasag ang mga salamin

Kahit ang inyong bahay ay hindi masira ng lindol, mayroong panganib na kayo ay masaktan ng mga nahuhulog na bagay, mga kasangkapang natutumba, o mga salaming nababasag. Upang mabawasan ang pinsala sa loob ng inyong bahay, siguraduhing nakaayos ang lahat ng mga kasangkapan.
* Kung nakatira ka sa isang nirerentahang bahay o apartment, siguruhing konsultahin muna ang may-ari bago gumawa ng kahit anong pagbabago.

Itsek
  • Huwag maglagay ng mabibigat na kasangkapan sa silid-tulugan
  • Huwag maglagay ng mabibigat na bagay sa matataas na lugar
  • Pag-isipan ang pagsasaayos ng mga kasangkapan at lumikha ng isang ligtas na lugar

Pagsasaayos ng mga kasangkapan

Isaayos ang mga matataas na kasangkapan sa pahalang na mga kwadrong nasa loob ng silid sa pamamagitan ng alambre o hugis-L na bakal na pangkabit.

Isaayos ang mga matataas na kasangkapan sa pahalang na mga kwadrong nasa loob ng silid sa pamamagitan ng alambre o hugis-L na bakal na pangkabit.
・Ikabit ang pansabit nang pataas
・Ikabit ang pansabit palayo sa kawad
・Siguruhing matatag ang lagayan ng damit
・Hindi kakapit ng maayos ang pahalang na bastidor ng kwarto sa patayong bastidor ng kwarto kaya siguruhing maayos na nakadikit ito gamit ang bakal na fastening plates
 

Ikabit ang maliliit na kasangkapan sa pahalang na bastidor ng kwarto gamit ang fabric belts

Ikabit ang mga maliliit na kasangkapan sa pahalang na bistador ng kwarto gamit ang fabric beltsIkabit ang pambabasaging paminggalan
・Bubukas ang nakabisagrang pinto ng paminggalan sa itaas ng kusina kapag ito ay punung-puno kaya lagyan ng bakal na aldaba.
 

Ikabit ang pambabasaging paminggalan

Ikabit ang pambabasaging paminggalan
・Lagyan ng balamban laban sa pagkabasag ang mga babasaging pinto
・Lagyan ng malambot na pantakip ang loob upang maiwasan ang pagdulas ng mga gamit
・Maglagay ng bareta sa unahan upang hindi dumausdos at malaglag ang mga gamit
 

Ilagay ang mga pridyeder

Ilagay ang mga pridyeder
Ang mga pridyeder ay karaniwang maayos na nakalagay sa isang lugar sa pamamagitan ng paglagay ng kulindang mula likod papasok sa mga hawakan nito. Sumangguni sa manwal ng paggamit para sa karagdagang detalye. Kung mayroong hindi malinaw sa iyo ay kumonsulta sa gumawa o sa tindahan kung saan binili ang pridyeder.

 

Tamang paglalagay ng mga kagamitan sa mga bahay na may pinatibay na sementadong dingding

Tamang paglalagay ng mga kagamitan sa mga bahay na may pinatibay na sementadong dingding
Maglagay ng pahalang na balamban and ilagay dito ang mga kagamitan.
* Sumangguni sa propesyonal na kompanya ng konstruksyon bago maglagay ng kahoy na balamban.
 

Punto
  • Kapag sinubukang magkabit ng gamit sa dingding nang walang makikitang patayong balamban, katukin and dingding upang wastong makita ang tamang lugar kung saan ilalagay ang panggitnang balamban na siyang magbibigay ng suporta dito bago ilagay ang gamit.

Mga materyales na iyong kailangan

Sapad na Metal na Pangkabit
Sapad na Metal na Pangkabit
Bakal na pangkabit na hugis L
Bakal na pangkabit na hugis L
Bakal na pangsabit
Bakal na pangsabit
Alambre Blg. 18
Alambre
(nasa 1.1 mm kapal)
Bakal na tornilyo
Bakal na tornilyo
(Para sa mga muwebles nasa 75kg ang bigat, tornilyong 3.1mm x 20mm ang dapat gamitin)
 

Mga sukat ng salamin

Ang paglapat ng shatterproof na pambalot sa salaming pambintana at sa mga babasaging bahagi ng muwebles ay epektibo sa pag-iwas ng pagkakatibo kapag nagkalindol. Isang pambalot na maaaring gamitin ng kahit sino.

Mga bagay na dapat dalhin sa panahon ng kagipitan

Alalahanin kung sinu-sino kayo sa pamilya at ihanda ang mga kailangan sa panahon ng sakuna. Dapat lamang na inspeksyunin ito kahit isang beses isang taon.

Mga halimbawa ng mga kakailanganin

Iba pang mga aytem na maaring bitbitin

■Basang tissue ■Pambalot (para sa pagkain) ■pandewang ■maskara ■supot 
■bareta/gato ■bisikleta/motorsiklo ■tolda ■silbato ■mask ■Antiseptikong solusyon
■Pagkain at inuming handa na para sa sakuna
Pagkatapos ng lindol, kaunti na lang ang matitirang pagkain. Bawat pamilya ay dapat maghanda ng pagkain para sa panahong nangyayari ang lindol at sa oras na sila ay mailigtas.

●Pagkain・・・Maghanda ng pagkain para sa pitong araw (kasama na doon ang tatlong araw na karagdagan pang pagkain)
●Tubig na pang-inom・・・Maghanda ng 3 litrong tubig kada tao na tatagal ng kahit tatlong araw
●Portatil na palikuran・・・Paghandaan sa tantiyang gagamitin ito ng isang tao ng limang beses isang araw.

Itsek
  • Mga pamilyang may sanggolMaghanda ng gatas, bote, pagkaing pang-sanggol, kutsara, lampin, antiseptikong bulak, panali para sa pagaangkas sa sanggol - tuwalya/kumot na pang-sanggol at gasa
  • Mga pamilyang may buntis na babaeMagdagdag ng bubulaking lana, gasa, panali para suportahan ang tiyan - antiseptikong bulak at mga kakailanganin ng mga bagong silang na sanggol, pamunas, saping plastik, diyaryo at Handbook para sa Ina at Anak

Sa Pinakataas na Pahina

Makilahok sa mga lokal na mga boluntaryong aktibidad para sa pagpigil ng mga sakuna sa isang regular na batayan

Kapag may nangyaring sakuna gaya ng lindol, may limitasyon kung gaano mo kakayanin at ng iyong pamilya. Mahalaga para sa mga kapitbahay na makipagtulungan sa bawat isa.

Sa partikular, nagsasagawa kami ng mga inspeksyon sa kaligtasan sa lugar, tinuturuan ang mga lokal na tao tungkol sa kaalaman at kasanayan sa pag-iwas sa kalamidad, at nagsasagawa ng mga pagsasanay sa pag-iwas sa kalamidad. Ito rin ay gumaganap ng isang napakahalagang papel sa kaganapan ng isang aktwal na lindol. Kung sakaling magkaroon ng sakuna, mangongolekta kami ng impormasyon tulad ng mga paunang aktibidad sa pamatay ng sunog, pagsagip / pagsagip sa mga biktima ng kalamidad, at kumpirmasyon sa kaligtasan. Bilang karagdagan, patakbuhin natin ang evacuation center sa pakikipagtulungan sa mga kawani ng lungsod at mga tagapamahala ng pasilidad. 

Makilahok sa mga lokal na mga boluntaryong aktibidad para sa pagpigil ng mga sakuna sa isang regular na batayan

Sa Pinakataas na Pahina