CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:June 20, 2022

Pangunang Lunas

Gamot sa Paunang Lunas

Tulungan ang nasaktan sa pamamagitan ng pangunang lunas. Mag-aral ng ilang mga simple ngunit kapaki-pakinabang na mga pamamaraan. Ang mga taong may malubhang pinsala ay nangangailangan ng paggamot ng mga espesyalista, ngunit ang mga pangunang lunas na nasa ibaba ay maaaring gawin habang naghihintay ng espesyalista.

Kapag mayroong nawalan ng malay

siguraduhing bukas ang daanan ng hangin.

Kung mayroong nawalan ng malay dahil sa pinsala sa ulo o iba pang dahilan, ang likod ng kanyang dila ay maaaring rumolyo papuntang lalamunan at makaharang sa lagusan ng hangin sa baga. Sa mga sitwasyong tulad nito, kailangan mong gumawa ng lagusan ng hangin papunta sa lalagukan. Ito ang tinatawag na paniniguradong bukas ang daanan ng hangin.

Kung mayroong nawalan ng malay ngunit regular naman ang paghinga.

Ilagay ang pasyente sa posisyong tulad ng nasa ibaba:

Kung mayroong nawalan ng malay ngunit regular naman ang paghinga.

Kapag may hindi himihinga o hindi nakaka.

Siguraduhing bukas ang daanan ng hangin sa pamamagitan ng pagharap ng muka ng pasyente sa taas, pagpapatingala sa kanya, at pag-angat ng kanyang baba.
Habang sinisiguradong bukas ang daluyan ng hangin, laging itsek na ang bibig ay walang anumang bara, at tanggalin ang anumang bagay o plema. Kapag may hindi himihinga o hindi nakaka.

Kapag may taong nagdurugo.

●Patigilin ang pagdurugo

Paraan ng Direktang Pagdiin

1.Direktang diinan ang mismong sugat sa pamamagitan ng gasa o ng malapad at makapal na panyo.
2.Kung ang pulso ang nagdurugo, epektibo ang pagtataas nito sa posisyong mas mataas sa puso at matapos nito ay ang pagdiin sa sugat.
Paraan ng Direktang Pagdiin

Hindi Direktang Paraan ng Pagdiin

1. Kung labis ang pagdurugong mula sa malalaking ugat, kasabay ng paglabas ng dugo sa pagpintig ng puso, ang direktang pagdidiin ay maaaring hindi maging sapat para matigil ang pagdurugo. Sa mga pagkakataong ito, idiin ang mga daliri sa malaking ugat sa posisyong mas malapit sa puso kaysa sa mismong sugat.

*Posisyon ng sugat at kung saan dapat maglagay ng diin
pagdurugo ng mukha
Kung nagdurugo ang mukha, diinan ang harap ng tainga.
taas ng braso
Kung nagdurugo ang itaas na bahagi ng braso, diinan ang ilalim ng kilikili.
ilalim ng siko
Kung nagdurugo ang ilalim ng siko, diinan ang loobang bahagi nito.
binti
Kung nagdurugo ang binti, diinan ang itaas na bahagi ng hita.

Kung may pagkapaso o pagkasunog ng balat

1.Mabilis na palamigan ang nasunog na parte sa pamamagitan ng malinis na tubig.
2.Bago tanggalin ang damit o medyas, palamigan muna ng tubig ang nasunog na bahagi. Pagkatapos ay balutin ang parteng iyon ng malinis na kumot at dalhin ang pasyente sa ospital. Kapag mas malaki sa 10% ng katawan ang nasunog, maituturing itong isang malubhang pinsala at kailangang gamutin agad ng doktor.

Kung mayroon o hinihinalang mayroong nabaling buto, lagyan ito ng
→ balangkat

1.Kung mayroong kondisyong maaring maging banta sa buhay ng pasyente ay unahin ang pagbibigay-lunas dito.
2.Sa paglalagay ng balangkat, iayos ito sa paraang hindi nagagalaw ang luminsad na buto habang sinisigurong hindi nayuyugyog ang kanyang katawan.
3.Ilagay ang balangkat sa lapad na sumasakop sa mga kasukasuan sa itaas at ibaba ng pinaghihinalaang bali.
4.Kapag nakalabas ang nabaling buto, linisin muna ang sugat ng malinis na gasa at pagkatapos ay lagyan ito ng balangkat.

Maglagay ng balangkat
Hawakan ang parteng lalagyan ng balangkat gamit ang karton, atbp.
Maglagay ng balangkat
Hawakan ang parteng lalagyan ng balangkat gamit ang mga bagay sa paligid.

Kung saan mayroong nakuryente

1.Una, patayin ang pinagmumulan ng kuryente. Gawin ang nararapat na aksyon - ang mabilis at hindi maingat na paglapit sa biktima upang ito ay tulungan ay maaaring maging sanhi ng pagkakuryente rin ng taong tumutulong.
2.Ilipat ang biktima sa isang ligtas na lugar.
3.Itsek ang kaniyang paghinga at pulso. Kung tumigil na sa paghinga ang biktima, kailangan itong lapatan ng cardio-pulmonary resuscitation (CPR) at maaari ring kailanganin ang heart massage.
4.Maaaring nasunog din ang damit ng biktima dulot ng kuryente, at ang mga pagkakasunog na ito ay kailangan ding pagtuunan ng pansin tulad ng iba pang pagkasunog.

Paano magbigay ng CPR

1.Una, siguruhing bukas ang daanan ng hangin sa tamang paraan. Kung may bara ang lagusan ng hangin ay hindi magkakaroon ng epekto ang pag-ihip ng hangin.
2.Dahil maliit lamang ang mukha ng mga sanggol at maliliit na bata, umihip nang sakop ang pareho nilang bibig at ilong.
3.Umihip ng 12 - 15 beses sa loob ng isang minuto para sa mga matatanda at 15 - 18 beses sa loob ng isang minuto para sa maliliit na bata at mga sanggol.
4.Siguraduhing ang iniihip na hangin ay nakararating sa loob ng katawan ng pasyente at nailalabas din nang maayos sa pamamagitan ng pagtingin sa pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib. Sa pagkakataong ang tiyan ng pasyente ay lumaki matapos mong umihip ng hangin, dahan-dahan mo itong diinan ng iyong palad.
5.Kapag isinasagawa ang CPR, mayroong panganib na ang mga laman ng sikmura ay mapunta sa baga ng pasyente kapag ito ay diniinan kaya ibayong pag-iingat ang kailangan.
6.Kung hindi humihinga at walang pulso ang pasyente, kinakailangang bigyan siyang sabay ng CPR at heart massage.

Paano magbigay ng CPR
1.Maupo malapit sa pasyente, siguraduhing bukas ang daanan ng hangin at pisilin ang ilong niya.
Paano magbigay ng CPR
2. Huminga ng malalim at ibuka ang bibig nang malaki, ipatong ito sa ibabaw ng bibig ng pasyente at sa paligid nito.
Hipan ang bibig ng pasyente hanggang unti-unting tumaas ang dibdib nito.

Artipisyal na paghinga para sa mga sanggol at maliliit na bata

1.Dahil maliliit pa ang kanilang mga mukha, kailangang umihip sa parehong bibig at ilong nila nang sabay.
2.Ang iyong pag-ihip ay kailangang magpataas nang bahagya sa kanilang dibdib, at kailangan itong gawin nang mabilis, nang may isang ihip sa bawat tatlong segundo.
3.Ang malakas na pagtulak pataas sa ulo ng pasyente ay maaaring makahadlang sa maayos na paghinga ng pasyente sapagkat malambot pa ang mga buto sa leeg ng mga sanggol. Sa halip, gawin ang tulad ng nasa dayagram, itulak nang bahagya ang baba ng sanggol at isagawa ang artipisyal na pagpapahinga gamit ang dalawang kamay.
Artipisyal na paghinga para sa mga sanggol at maliliit na bata

Pagbubuhat sa pasyente

Buhatin lamang ang pasyente kung maayos na ang kanilang pagkakapuwesto. Buhatin lamang ang pasyente kung maayos na ang kanilang pagkakapuwesto.
Gumawa ng stretcher sa pamamagitan ng pagtatali ng mga kamiseta at tsaleko. Gumawa ng stretcher sa pamamagitan ng pagtatali ng mga kamiseta at tsaleko.
Gumawa ng stretcher sa pamamagitan ng pagtatali ng dalawang upuan. Gumawa ng stretcher sa pamamagitan ng pagtatali ng dalawang upuan.

Sa Pinakataas na Pahina

Listahan ng mga pansamantalang istasyong nagbibigay-tulong (73 istasyon)

Matapos ang lindol, ang inyong mga lokal na doktor ay agad na pupunta sa inyong lugar upang magbigay ng pangunang lunas.

Bilang Pangalan Tirahan Numero ng Telepono
(Lugar code:053)
Chūō-ku Mababang Paaralan ng Sato 2-32-1 Sato (461)0379
Mababang Paaralan ng Aioi 3-8-1 Mukojuku (461)0830
Mababang Paaralan ng Oiwake 1-9-1 Nunohashi (472)1281
Mababang Paaralan ng Hirosawa 2-51-1 Hirosawa (454)8335
Mababang Paaralan ng Nishi 70-1 Kamoe-cho (452)1171
Mababang Paaralan ng Agatai 2-5-1 Higashi Iba (452)7505
Mababang Paaralan ng Tomitsuka 1803 Tomitsuka-cho (471)0203
Mababang Paaralan ng Hanakawa 781 Hanakawa-cho (436)1401
Mababang Paaralan ng Ryuzenji 844 Ryuzenji-cho (452)0683
Mababang Paaralan ng Sengen 2-12-1 Nishi Asada (441)1706
Hamamatsu Chubu Gakuen 108-1 Matsushirocho (454)6406
Mababang Paaralan ng Higashi 2-1 Chuo-nichome (452)3137
(luma)Mababang Paaralan ng Kita 192 Yamashita-cho (473)2144
Junior Hayskul ng Hikuma 4-2-15 Hikuma (461)9737
Mababang Paaralan ng Hagioka 5-12-1 Saiwai (471)4246
Mababang Paaralan ng Sanarudai 3-31-1 Sanarudai (448)6768
Junior Hayskul ng Kaisei 1-15-20 Takaoka Kita (437)1421
Chūō-ku Mababang Paaralan ng Kaba 5 Kodachi-cho (461)2644
Mababang Paaralan ng Wada 273-2 Yakushi-cho (421)0134
Mababang Paaralan ng Nakanomachi 427-1 Nakano-cho (421)0059
Mababang Paaralan ng Yoshin 1351 Tenno-cho (421)1542
Junior Hayskul ng Kasai 1055 Kasai-cho (434)1079
Mababang Paaralan ng Sekishi 1497-1 Sekishi-cho (434)0027
Junior Hayskul ng Nakagori 897 Nakagori-cho (433)2717
Chūō-ku Pangunahing Kakuro 3490 Kamigaya-cho (485)8508
Junior Hayskul ng Irino 17059 Irino-cho (447)1104
Junior Hayskul ng Koto 4540 Sahama-cho (431)1114
Mababang Paaralan ng Waji 2005 Koto-cho (486)0107
Mababang Paaralan ng Shinohara 10300 Shinohara-cho (447)2009
Mababang Paaralan ng Murakushi 3187 Murakushi-cho (489)2824
Shonai Gakuen 100 Shonai-cho (487)0063
Mababang Paaralan ng Maisaka 76 Maisaka-cho Maisaka (592)0144
Sentrong Pangkultura ng Yuto 5427 Yuto-cho Ubumi (596)1100
Chūō-ku Mababang Paaralan ng Iida 978 Iida-cho (461)3740
Mababang Paaralan ng Shirawaki 431 Terawaki-cho (441)0693
Mababang Paaralan ng Kawawa 333 Higashi-machi (425)0036
Mababang Paaralan ng Shinzu 777 Nippashi-cho (447)0044
Junior Hayskul ng Nanyo 80 Hogawa-cho (461)2494
Mababang Paaralan ng Sunaoka 2512 Shirowa-cho2 (441)3375
Mababang Paaralan ng Kami 1748 Wakabayashi-cho (447)0043
Mababang Paaralan ng Minami no Hoshi 1148-1 Nishijima-cho (425)6900
Kita-ku Mababang Paaralan ng Mikatabara 682 Mikatabara-cho (436)6200
Mababang Paaralan ng Toyooka 22 Toyooka-cho (436)1107
Mababang Paaralan ng Miyakoda 5609-2 Miyakoda-cho (428)2004
Mababang Paaralan ng Kiga 11529-1 Hosoe-cho Kiga (523)0158
Mababang Paaralan ng Iinoya 680 Inasa-cho Iinoya (542)0063
Mababang Paaralan ng Okuyama 1101-1 Inasa-cho Okuyama (543)0310
Klinika ng Shizutama 219-5 Inasa-cho Bessho (528)5800
Mababang Paaralan ng Mikkabi Nishi 301-1 Mikkabi-cho Mikkabi (525)0047
Mababang Paaralan ng Mikkabi Higashi 2266-2 Mikkabi-cho Tsuzuki (526)7034
Sentro ng Kolaborasyong Pangkomunidad ng Mikkabi 500-1 Mikkabi-cho Mikkabi (524)1111
Hanakita-ku Junior Hayskul ng Hamana 467 Komatsu (586)2321
Junior Hayskul ng Kitahama 279-2 Nishi Misono (586)3101
Junior Hayskul ng Kitahama Tobu 317 Kamizenji (586)3177
Junior Hayskul ng Hamakita Hokubu 2961 Oro (588)7241
Junior Hayskul ng Aratama 4847 Miyaguchi (589)8328
Mababang Paaralan ng Uchino 1702 Uchino (586)4001
Mababang Paaralan ng Kitahama Minami 3010 Terajima (586)1585
Tenryu-ku Mababang Paaralan ng Kunma 2153 Kunma (929)0151
Mababang Paaralan ng KamiAtago 1318 Nishi Fujidaira (928)0004
Mababang Paaralan ng Futamata 867-1 Futamata-cho Futamata (925)4178
Junior Hayskul ng Seiryu 525 Futamata-cho Kajima (926)3741
Mababang Paaralan ng Komyo 2550 Yamahigashi (925)3032
Mababang Paaralan ng Yokoyama 547 Yokoyama-cho (923)0073
Mababang Paaralan ng Inui 993-1 Haruno-cho Horinouchi (985)0017
Kumakiri Jichikaikan 196-2 Haruno-cho Ishiuchi Matsushita (986)0611
(Dating)Mababang Paaralan ng Haruno Kita 242-2 Haruno-cho Sugi -
Junior Hayskul ng Haruno 380-2 Haruno-cho Keta (989)0023
Klinika ng Urakawa, Ospital ng Sakuma 2934-1 Sakuma-cho Urakawa (967)3320
Klinika ng Yamaka, Ospital ng Sakuma 2421-2 Sakuma-cho Ooi (964)0100
Sentro ng Kolaborasyong Pangkomunidad ng Shironishi 1528-4 Sakuma-cho Okuryoke (987)0011
Gymnasium ng Misakubo 241-3 Misakubo-cho Jitougata (982)0012
Klinika ng Tatsuyama 711-2 Tatsuyama-cho Tokura (969)0034

Sa Pinakataas na Pahina

Listahan ng mga ospital na tagapagbigay-tulong (15 na ospital)

Bilang Pangalan ng Ospital Tirahan Numero ng Telepono
(Lugar code:053)
1 Ospital ng Ensyu 1-1-1 Chuou, Chūō-ku (453)1111
2 Sentrong Medikal ng Hamamatsu 328 Tomitsuka-cho, Chūō-ku (453)7111
3 Ospital Pangrehabilitasyon ng Lungsod ng Hamamatsu 1327-1 Wago-cho, Chūō-ku (471)8331
4 Ospital ng Seirei Hamamatsu 2-12-12 Sumiyoshi, Chūō-ku (474)2222
5 Unibersidad Pangmedisina ng Hamamatsu, Ospital ng Kagawaran ng Medisina 1-20-1 Handayama, Chūō-ku (435)2111
6 Ospital ng Hamamatsu Rosai 25 Shogen-cho, Chūō-ku (462)1211
7 Ospital ng Hamamatsu Kita 1568 Ose-cho, Chūō-ku (435)1111
8 Ospital ng Matsuda 753 Irino-cho, Chūō-ku (448)5121
9 Ospital ng Hamamatsu Minami 26 Shirowa-cho, Chūō-ku (442)6775
10 Ospital ng Seirei Mikatahara 3453 Mikatabara-cho, Kita-ku (436)1251
11 Ospital ng Red Cross sa Hamamatsu 1088-1 Kobayashi, Hamana-ku (443)2111
12 Ospital ng Juzen Kinen Komatsu1700, Hamana-ku (586)1115
13 Pambansang Organisasyon ng mga Ospital ng Tenryu 4201-2 Oro, Tenryu-ku (583)3111
14 Ospital ng Sakuma 18-5 Nakabe Sakuma, Tenryu-ku (965)0054
15 Ospital ng Suzukake 120-1 Tajiri-cho, Chūō-ku (443)0111

Sa Pinakataas na Pahina