CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pag-iwas sa Sakuna > Magtulong-tulong tayo upang makalikas ng ligtas at mailigtas ang bawat isa.

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Magtulong-tulong tayo upang makalikas ng ligtas at mailigtas ang bawat isa.

Magtulong-tulong tayo upang makalikas ng ligtas at mailigtas ang bawat isa.

(1)Paano matulungan ang mga taong nakulong sa ilalim ng mga gumuhong bahay.
Gamit ang makapal na tabla o bareta bilang panikwas, iangat ang mga poste at mga natumbang pader upang makagawa ng lagusan. Sa pamamagitan ng carjack, na dapat mayroon ang iyong kotse, maging ang iilang tao ay kayang makapag-angat ng mga natumbang pader o poste. Magtulong-tulong tayo upang makalikas ng ligtas at mailigtas ang
(2)Mga dapat gawin kapag nakulong ka sa ilalim ng gumuhong bahay.
Hampasin ang mga bagay sa paligid mo o sumigaw para humingi ng tulong. Subalit, alalahaning ang patuloy na pagsigaw nang malakas ay makauubos ng iyong lakas. Magdala ng pito para sa kagipitan, dahil ang pagpito ay ang pinakamabisang paraan ng pagkuha ng atensyon. Mga dapat gawin kapag nakulong ka sa gumuhong bahay.
(3)Ano ang maaaring gamiting alternatibo sa karaniwang ginagamit na ilaw sa pagsagip sa dilim?
Ang sulo o flashlight ay maaaring alternatibo sa karaniwang pampailaw, ngunit upang mailawan ang malawak na lugar ay pinakamainam na gumamit ng headlight ng sasakyan. Ano ang mga alternatibo sa karaniwang pampailaw na ginagamit sa 
(4)Ano ang maaring gamitin kung walang stretcher?
Maaari kang gumawa ng pansamantalang stretcher sa pamamagitan ng pagtuhog ng mga poste ng sampayan sa dalawa o tatlong kamiseta o sa pagbalot ng kumot sa dalawang poste ng sampayan. Kung gagamit ka ng stretcher, siguraduhing nakaayos nang mabuti ang pasyente dito sa pamamagitan ng pagtatali ng lubid upang hindi ito mahulog. Ang isa pang alternatibo ay ang pagpapaupo sa silya sa nasaktan habang magkabila siyang binubuhat ng dalawang tao. Maging ang isang tao ay maaaring tumulong na mailipat ang isang nasaktan. Kung nasa patag na lugar, maglatag lamang ng kumot o tela sa sahig at dahan-dahang hilahin ang nasaktan. Ano ang maaring gamitin kung walang stretcher?

Sa Pinakataas na Pahina