CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

更新日:2022年3月8日

Insurance Service

Mga pagsusuri sa kanser at marami pang iba

Ang Lungsod ng Hamamatsu ay nagbibigay ng mga pagsusuri para sa maagang pagtuklas at paggamot ng kanser at iba pang mga kondisyon para sa mga taong walang oportunidad na makapagpasuri sa ibang lugar, hal. sa trabaho.
Upang pangalagaan ang iyong sarili, magpatingin sa doktor ng regular.

Mga pagsusuri para sa kanser

Para maaagang matuklasan at gumaling ang cancer at iba pang sakit katulad ng Kanser, magkakaron ng Physical check-up sa iba’t ibang uri ng kanser, osteoporosis at periodontal diseases.

Ang mga sumusunod ay ang mga mangyayari at pwede sa physical check up:

Pangalan ng pagsusuri Mga pasyente Mga pagsusuri Halaga (mula sa bulsa ng pasyente)
Pagsusuri sa TB/kanser sa baga Direktang radiography Higit sa 40 Panayam, X-ray sa dibdib 500 yen
Sputum cytology Mga indibidwal na may mataas na peligro Cytology (para sa mga taong ipinagpapalagay na kailangan ng X-ray, panayam, atbp.) 1,000 yen
Pagsusuri para sa kanser sa bituka Higit sa 40 Panayam, pagsusuri para sa fecal occult blood reaction 300 yen
Pagsusuri sa kanser sa sikmura Higit sa 35 Pagkuha ng karagdagan impormasyon sa kalusugan, abdominal x-ray at endoscopy 3,100 yen
Pagsusuri sa kanser sa serbiks Mga 20 na taong gulang na kababaihan Panayam Pagsusuri sa paningin Cervical cytology 1,700 yen
Pagsusuri sa kanser sa suso Mga kababaihang may even-numbered na edad na nagsisimula sa 40 Panayam, X-ray sa suso (mammography) (Visual na eksaminasyon) 1,600 yen
Pagsusuri sa kanser sa prosteyt Kalalakihang 50 pataas Panayam, pagsusuri sa dugo (PSA test) 900 yen
Pagsusuri sa Osteoporosis Kababaihang may edad 40, 45, 50, 55, 60, 65, 70 Panayam Pagsusuri sa bigat ng buto 2,000 yen
Pagsusuri sa Hepatitis virus 40 pataas na hindi parehas na nagpapacheckup na tao Panayam, mga pagsusuri para sa HBV at HCV 1,800 yen
Periodontal disease Physical examination 40 pataas Periodental Disease Physical Examination, Cavitity Examination,dental brushing 450 yen

*Ang mga taong nais na malaman kung sila ay kuwalipikado sa programa ang mangyari lamang po itanong sa opisina ng Health Promotion Division sa kanilang purok.

Sino ang mga hindi saklaw ng singil

Para sa susunod na mga tao, may libreng eksaminasyon sa mata, osteoporosis, at eksaminasyon ng ipin.

  • 1. Mga taong 70 taong gulang o mas matanda pa
  • 2. Mga taong 65-69, na may kapansanan, na may sertipiko ng segurong pangkalusugan para sa matatanda
  • 3. Mga taong nakakatanggap ng Life care
  • 4. Mga nagbabayad ng municipal tax na miyembro ng pamilya

*Ang mga taong applicable mag-apply sa numero 3 at 4 para sa check-up, ay hinihingkayat na pumunta sa Municipal hall at mag-apply.

Papaano magpasuri

Mangyari lamang po na gumawa ng reservation sa mga ospital.

Ano ang mga dapat dalhin

Tiket para sa pagsusuri sa kanser, sertipiko para sa segurong pangkalusugan

Tiket sa pagsusuri sa kanser

Kakailanganin mo ng "tiket sa pagsusuri sa kanser" kapag ikaw ay magpapasuri. Ang mga tiket para sa pagsusulit ay ipadadala sa ika-1 ng Abril sa mga taong nailarawan sa ibaba.
Sa mga taong ayaw magpa check up sa lugar na pinagtratrabahuhan nila at gustong magpacheck up sa Hamamatsu, maaari silang mag inquire at magtanong ukol sa lagay ng kalusugan nila sa kahit anong municipal office. (Sa mga taong 65 na taong gulang at pataas, at kasali sa National health insurance ,ay kailangang kumuha ng ticket sa Abril bawat taon para magpa check-up.)

Libreng coupon para magpacheck up

Middle age, sa mga pasok sa mga kondisyon, sa mga may uterince cervix na cancer,breast cancer,Colon Cancer ay maaaring makatanggap ng libreng coupon.
Sa mga taong maaaring makakuha ng libreng coupon,pakigamit po ito na ipapadala sa Hunyo.
(Ang mga nais magkumpirma ukol dito, maaaring pumunta sa kahit anung Municipal hall upang mag-tanong.)

Libre magpacheck-up ang mga taong may mga Hepatitis.

Fixed age, sa mga pasok sa mga kondisyon,Libre ang magpacheck up sa Hepatitis at ang Physical examination ticket ay ipapadala.
Sa mga taong maaaring makakuha ng libreng Physical examination pass, pakigamit po ito na ipapadala sa Hunyo.
(Ang mga nais magkumpirma ukol dito, maaaring pumunta sa kahit anung Municipal hall upang mag-tanong.)

Pagsusuri sa sakit sa gilagid

Ano ang mga dapat dalhin

Tiket para sa pagsusuri ng sakit sa gilagid, sertipiko ng segurong pangkalusugan

Ticket sa pagsusuri sa sakit sa gilagid

Kakailanganin mo ng "tiket sa pagsusuri sa sakit sa gilagid" kapag ikaw ay magpapasuri.
Ang mga walang tiket, maaaring pumunta sa kahit anong Municipal hall upang mag-tanong.
Ang pagpapacheck-up at ang paggamot sa ngipin ay hindi pwedeng gawin sa parehon araw.

Sa Pinakataas na Pahina

Mga Pangkalusugang Konsultasyon

Konsultasyon sa Kalusugan ng mga Matatanda

Upang maging masagana at masigla ang pamumuhay ng mga tao, dapat pahalagahan ang health care. Ang mga public nurse at nutritionist ang mag-tatalakayan tungkol sa kalusugan na kailangan ng bawat tao.
Dalhin ang iyong handbook pangkalusugan. Tandaan na ang mga serbisyong pagsusuring pangkalusugan ay hindi ibinibigay ng isang doktor.
Paksa: Kalusugan sa katawan, dugo, at nutrisyon.
Para sa mga katanungan tulad ng lugar, oras at iba pa ay maaaring pumunta at mag-tanong nito sa kahit anung Municipal hall.

Kontak

Dibisyon sa Pagtataguyod ng Kalusugan

Sa Pinakataas na Pahina

Mga Pagbisita sa Bahay

Ang mga Public Nars ay bibisita sa bawat pamilya at magkakaron din ng Health Preservation Leadership program upang bibigyan ng pansin ang mga dapat iwasan para di magkasakit.

Target persons:

  • Ang mga taong nangangailangan ng pagbabago sa kalusugan.
  • Ang mga taong nangangailangan ng Preventive Care.
  • Ang mga taong nangangailangan ng suporta sa Pagbubuntis, panganganak at pangangalaga ng bata.

Para sa iba pang impormasyon ukol sa detalyeng proseso at Pangkalusugan, maaaring pumunta sa kahit anung Munisipyo.

Kontak

Dibisyon sa Pagtataguyod ng Kalusugan

Sa Pinakataas na Pahina

About rubella (German measles) antibody test and vaccination assistance

Hindi lamang ang sarili kundi upang protektahan ang pamilya at ang mga buntis para hindi mahawaan ng tigdas o German measles, kailangang magpabakuna ang mga taong hindi pa nahahawaan o hindi pa nagkakaroon ng bulutong.

Rubella (German Measles) antibody check-up

Para malaman kung gaano katibay ang katawan upan labanan ang rubella virus, magsasagawa ng pagsusuri sa dugo.

Mga taong libre ang pagsusuri

1. Mga buntis na gustong magpasuri
2. Mga buntis na kasalukuyang nakatira at nakarehistro ang tirahan sa Hamamatsu City
3. Mga lalakeng pinanganak mula April 2, 1962 hanggang April 1, 1979.

* Mga tao na hindi pa kailanman nakagamit ng coupon.

  Mga taong pasok sa numero 1 at 2 kategorya. Mga taong pasok sa numero 3 na kategorya.
Paraan ng pag-aplay. Tumawag sa lokal na Health Center sa inyong ward o distritong nasasakupan. Hindi kailangang mag-aplay. Para sa mga taong hindi kailangan magbayad, ang coupon ay maipapadala sa pamamagitan ng mail sa katapusan ng Marso. Paalala: Sa mga taong nakawala sa kanilang libreng coupon o ticket, mangyaring tumawag sa lokal na Health Center sa inyong lokal na ward o nasasakupan.
Lugar kung saan pwedeng magpacheck-up. Clinic o Ospital Clinic, Ospital o mga Health Centers na kung saan pwedeng magpacheck-up
Kailangang Dalahin. ・Rubella Check-up Reservation Ticket (postcard o hagaki)
・Dokumentong nagpapatunay ng rehistro ng tirahan at kaarawan. (Health Insurance Card)
・Coupon Ticket (postcard o hagaki)
・Dokumentong nagpapatunay ng rehistro ng tirahan at kaarawan. (Health Insurance Card)

*Ang mga clinic o ospital na pwedeng magpacheck-up at makikita sa website ng siyudad ng Hamamatsu City. Rubella Check-up
https://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/kenkozoshin/fuusinkoutai.html

Sumangguni o Makipag-ugnayan

Sa bawat Health Center sa inyong Ward o lugar na nasasakupan

Bakuna para sa Rubella o Tigdas (German Measles)

Pag kayo ay nagpacheck ukol sa rubella at napag-alaman na ang inyong katawan ay kulang o hindi sapat ang anti-bodies upang labanan ang virus, mainam na magpa bakuna laban dito.

Mga taong libre o walang bayad.

Mga lalakeng ipinanganak mula April 2, 1962 hanngang April 1, 1979, Magpasuri kung may rubella virus at pagmalaman sa resulta ng test na ang mga taong may mahinang antibody laban sa rubella virus.

Pagtalab ng bakuna

MR na bakuna (measles at German measles ay dalawang uring pinag-isang bakuna)

Mga lugar na kung saan pwedeng magpabakuna

Clinic o Ospital (Magpareserba sa pagtawag sa telepono)
* Paalala:Ang mga clinic o ospital na pwedeng magpabakuna at makikita sa website ng siyudad ng Hamamatsu. Ikalimang regular na pagpapabakuna para sa Rubella.

https://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/kenkozoshin/health/yobo/hushin5yobosessyu.html

Mga Kailangan Dalahin

  • Coupon o Ticket (Nakalakip ang Coupon para sa Antibody Check-up)
  • Resulta ng Rubella Antibody Check-up
  • Dokumentong nagpapatunay ng rehistro ng tirahan at kaarawan. (Health Insurance Card)