CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:January 1, 2024

Pangkalusugang Seguro

Programa para sa Pang-empleyadong Seguro sa Kalusugan (shakai hoken)

Shakai Hoken ay isang programa ng pampublikong insurance para sa mga empleyado at ng kanilang pamilya para makatanggap ng mga benepisyong medikal o allowance kapag kailangan, hal. sa mga kaso na sila ay napinsala o nagkasakit sa labas ng trabaho. Ang mga amo ay magbabayad ng kahati ng bayarin ng programa sa seguro. Magtanong sa iyong amo para sa iyong aplikasyon.

Sa Pinakataas na Pahina

Pambansang Segurong Pangkalusugang (kokuho)

Ang Pambansang Segurong Pangkalusugan (PSP) ay nagbibigay kasiguraduhan upang makapagpagamot agad sa panahon ng biglaang pagkakasakit o pagkasugat. Ito ang medical insurance system na kung saan ang miyembro ay nagbibigay ng paunang kontribusyon bilang pakikipagtulungan sa lahat.

Paano ang mga Dayuhang Residente ay Makakasali sa PSP sa Hamamatsu

Ang taong naka-rehistro ang pagiging residente sa Hamamatsu ay papapuntahin sa National Health Insurance ng Hamamatsu. Ngunit, ang susunod na tao ay magkaiba. :

  • Ang mga may health insurance sa lugar ng trabaho. Dependents ng taong iyon.
  • Mga insurant nga samahan ng PSP.
  • Ang taong ito ay kasama sa Medical Care System para sa matatanda.
  • Mga tagatanggap ng tulong sa ilalim ng Batas sa Proteksyon sa Araw-araw na Buhay
  • Ang mga dayo na hindi naka-rehistro ang pagiging residente sa Hamamatsu.
  • Hindi suportado at naitatag na mga bata sa ilalim ng Batas ng Kapakanan ng mga Bata.

Mga Kailangang Pamamaraan

1.Kapag sasali sa PSP

  • Kapag nakalipat ka na sa Hamamatsu
  • Kapag ang isang PSP insurant ay nanganak
  • Kapag kumalas ka sa Pangkalusugang Insurance ng Empleyado o may miyembro ng pamilya na tumigil na maging dependent
  • Kapag tumigil ka sa pagtanggap ng pampublikong tulong

Ang mga premium sa PSP ay dapat na mabayaran mula sa buwan na ikaw ay naging lehitimo para PSP at hindi sa buwan na ikaw ay nag-aplay, kahit pa ikaw ay huli nang mag-aaply. Ang mga medikal na bayarin na natamo sa panahon ng pagkaantala ng bayad ay hindi saklaw ng seguro.

2.Kapag magbibitiw na sa PSP

  • Kapag aalis ka sa Japan
  • Kapag lilipat ka na malayo sa Hamamatsu
  • Sa kaso ng kamatayan
  • Kapag ikaw ay nag-enroll sa Pang-empleyadong Siguro sa Kalusugan o ang miyembro ng pamilya ay naging dependent
  • Kapag nagsimula kang tumanggap ng mga pampublikong tulong

3.Iba pang mga Okasyon na Nangangailan ng Pagsumite ng mga Dokumento

  • Kapag lumipat ka ng tirahan sa loob ng Hamamatsu
  • Kapag ang ulo ng sambahayan ay nagbago
  • Kapag ang isang sambahayan ay naghiwalay o nagsama
  • Kapag naiwala, nadumihan o napunit na di na pwedeng magamit

Mga aytem na kailangan

Upang makapag-apply sa National Health Insurance, ang residence card at indibidwal na numero ay kailangan.
Kapag may miyembro na sa iyong pamilya na kabilang sa PSP mangyaring dalhin ang kanilang kard sa seguro. Tumawag upang alamin ang mga kailangang mga dokumento para sa iba pang mga pamamaraan.

Kontak

National Health Insurance Counter sa bawat Ward Office/Administrative center

Patakaran sa Pagbabayad ng Premium

Ang gastos ay kinalkula mula sa kabuuang kita, at iba pa.
Ang mga premium sa insurance na binabayaran ng bawat isa ay mahalagang mapagkukunan ng pondong pinansyal, na dumaragdag sa pambansang tulong salapi upang makapagbigay ng mga benepisyong PSP para sa medikal na bayarin o lump sum para sa allowance sa panganganak.

*Ang mga premium ay dapat na bayaran sa takdang petsa.

*Kung mahirap magbayad sa deadline, mangyaring makipag-ugnayan kaagad sa National Health Insurance Counter sa bawat Ward Office/Administrative center o National Health Insurance and Pension Division. 

Paraan ng Pagbabayad

1.Account Transfer na Pagbabayad

Ang mga premium ay maaring bayaran sa pamamagitan ng mga otomatikong paglipat mula sa mga nakatalagang account. Mag-apply sa mga pangpinansyal na institusyon kung saan ikaw ay mayroong account.

Mga aytem na kailangan

Bankbook, Personal na seal na gamit sa pagbubukas ng account, Insurance kard

2.Paano magbayad gamit ang slip ng pagbabayad kung 

Makakatanggap ka ng papel (payment slip) para bayaran ang insurance premium. Mangyaring magbayad sa isang bangko / post office o convenience store sa lungsod ng Hamamatsu. 

* Maaari kang magbayad gamit ang isang credit card, internet banking, o ilang elektronikong pera gamit ang smartphone app. 

Kailangan mong bayaran ang insurance premium bago ang deadline 

  • Kung mabigo kang magbayad sa deadline, makakatanggap ka ng paalala o babala. 
  • Pakitiyak na magbayad bago ang huling araw na nakasulat sa dunning notice o form ng notipikasyon.
  • Kailangan mong bayaran ang mg ito hanggang sa itinakdang araw dahil kung hindi, magbayad ng higit dito o may tubo .
  • Kung hindi ka magbabayad hanggang sa huling araw sa itinakdang panahon ng  dunning notice, maaari kang mapailalim sa pag-agaw ng ari-arian tulad ng suweldo at deposito. 

Mga Benepisyo ng Pambansang Segurong Pangkalusugang

1.Benepisyong Medikal

Maari kang makatanggap ng mga sumusuno ng mga paggagamot na may discount kapag ipapakita mo ang iyong insurance kard sa desk ng tagatanggap ng ospital na iyong pinuntahan nang ikaw ay napinsala o nagkasakit. Ang diperensya ay sasaklawin nng PSP (lungsod ng Hamamatsu).

  • Mga eksaminasyon
  • Mga panggagamot
  • Mga gamot at turok
  • Pagpapaospital at nursing care
  • Tawag sa bahay o panggagamot mula sa iyong doktor o nars sa bahay
    * Ang National Health Insurance ay maaari ding gamitin kapag ikaw ay nasugatan dahil sa ibang tao tulad ng isang aksidente sa trapiko.
    Kung mayroon kang isang aksidente sa trapiko, mangyaring makipag-ugnayan kaagad sa pulisya at National Health Insurance. (Kung nakatanggap ka ng pera para sa pagpapagamot o nakatanggap ng kasunduan mula sa taong naging sanhi ng aksidente (perpetrator), hindi mo magagamit ang National Health Insurance. Mangyaring kumonsulta bago ang settlement.) 

2.Bayaring medikal

  • Ang PSP ay babayaran ang iyong mga gastos, bawas ang iyong parte, kapag ikaw ay nagkasakit habang naglalakbay, tumanggap ng panggagagmot sa isang ospital na hindi kaanib ng PSP o kapag ikaw ay nagbayad ng buong halaga ng medikal na panggagamot.
  • Ang PSP ay sasagutin ang halaga, bawas ang iyong parte, ng mga panterapeutikang aparato, gaya ng kurset, kung ito ay napatunayang kailangan ng isang doktor.

3.Lump Sum na Allowance sa Panganganak

Kapag ang isang tao ay may National Health Insurance at nanganak (kabilang ang nalaglagan na mahigit sa apat na  4  buwan ng pagbubuntis), bibigyan ng lump-sum birth allowance. 

4.Allowance sa Libing

Kapag namatay ang isang tao may National Health Insurance, ang taong nagsagawa ng libing ay tatanggap ng pera para sa nagasta sa libing. 

5.Pangunahing Bayaring Medikal

Kapag ang medikal na bayarin sa isang buwan ay tumaas kaysa sa nakatalgang bayarin, lahat ng sumobra sa nakatalagang bayarin ay ibabalik. May matatanggap na abiso galing sa Natinaol Health Insurance at Pension Division at mag-apply ng refund sa counter ng tanggapan ng National Health Insurance.

6.Mataas na halaga ng pangmatagalang pangangalaga na pinagsamang mga gastusing medikal

Kung ang kabuuang halaga ng National Health Insurance at long-term care insurance na pera na binayaran mo sa isang taon ay higit sa nakapirming halaga, maaari kang mag-apply gamit ang application form na ipinadala ng National Health Insurance, at ang halagang binayaran mo ng malaki ay ibabalik . (Mataas na halaga ng pangmatagalang pangangalaga na pinagsamang mga gastos sa medikal) 

7.Partikular na pagsusuri sa kalusugan *

Ang mga taong nasa pagitan ng edad na 40 at 74 na nasa National Health Insurance ay maaaring sumailalim sa isang partikular na pagsusuri sa kalusugan isang beses sa isang taon.
Kunin ito taon-taon upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na nauugnay sa pamumuhay.
Ang tiket sa konsultasyon (tiket para sa pagtanggap ng isang partikular na pagsusuri sa kalusugan) ay ipapadala sa target na tao sa simula ng Abril.
Kung pumasok ka sa National Health Insurance sa kalagitnaan ng taon, mangyaring makipag-ugnayan sa National Health Insurance Counter sa bawat Ward Office/Administrative center o sa National Health Insurance Pension Division ng bawat ward office upang makakuha ng tiket sa medikal na pagsusuri.

≪Gastos (nakasulat sa ticket sa konsultasyon) ≫
Libre para sa mga taong may edad na 40 at 50,  1,500yen para sa mga taong may edad na 41 hanggang 49 at 51 hanggang 69, at  500yen para sa mga taong may edad na 70 pataas.
* Partikular na pagsusuri sa kalusugan = Suriin ang mga sakit na nauugnay sa pamumuhay (diabetes, hypertension, dyslipidemia, atbp.) 

Sa Pinakataas na Pahina