Update date:February 19, 2026
Abiso mula sa Pamahalaan「Tulong Pinansyal para sa pagpapalaki ng Anak bilang tugon sa Pagtaas ng Presyo」(20,000 bawat bata)
Ang Lungsod ng Hamamatsu ay magbibigay ng 20,000 yen para sa bawat bata (isang beses lamang). Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang mga pamilyang may anak ay makakatanggap ng tulong na 20,000 yen.
Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, pakitingnan ang website ng Ahensiya para sa mga Bata at Pamilya (Child and Family Agency). May impormasyon din sa iba’t ibang wika.
Mga madalas na katanungan
(1) Kailangan bang mag-apply para makatanggap?
- Hindi na kailangang mag-apply ang mga tumatanggap ng Jido Teate ※Kung tumatanggap na kayo ng Child Allowance (Jidō Teate) Hindi na kailangan mag-apply. Makakatanggap ka ng abiso mula sa Lungsod ng Hamamatsu
- Ang mga taong kabilang sa (6) sa ibaba ay kailangang mag-apply.
(2) Sakop ba ang aking anak?
Ang mga sumusunod na bata ay sakop:
- Mga batang ipinanganak mula Abril 2, 2007 hanggang Marso 31, 2026
(3) Sino ang maaring makatanggap?
- Mga tumataggap ng child allowance (kodomo teate)
- Mga magulang/tagapag-alaga ng batang ipinanganak mula Oktubre 1, 2025 hanggang Marso 31, 2026
(4) Magkano ang matatanggap?
20,000 yen bawat batang nakasulat sa (2). Isang beses lamang ibibigay.
(5) Kailan at Paano matatatanggap?
- Sa Hamamatsu ipapasok sa banko ng child Allowance bandang katapusan ng Enero.
- Ipapasok ang pera sa parehong banko na ginagamit para sa Child Allowance noong Oktubre 2025. Kung ang bata ay ipinanganak noong Setyembre 2025, sa bank account kung saan ninyo natanggap ang Child Allowance noong Disyembre 2025 ito ipapasok. Kung nagsumite kayo ng form notikpikasyon, sa bank account na nakasaad doon ipapasok ang pera.
- Kung isinara o pinalitan ninyo ang bank account, mangyaring magsumite ng form notikpikasyon sa tanggapan ng Hamamatsu. (Tanggapan:「Suporta sa Pag-aalaga ng Bata dahil sa Pagtaas ng Presyo」Tel: 053-457-2792)
(6) Kailangan ko bang mag-apply?
Ang mga sumusunod ay kailangang mag-apply
- Mga magulang/tagapag-alaga ng batang ipinanganak mula Oktubre 1, 2025 hanggang Marso 31, 2026(※(Kung nag-apply na para sa Child Allowance, hindi na kailangang mag-apply para sa 20,000 yen.)
- Mga kawani ng gobyerno na tumatanggap ng Child Allowance mula sa kanilang pinagtatrabahuhan(※(Mangyaring magtanong sa inyong pinagta trabahuhan tungkol sa proseso.)
- Mga magulang na kinailangang mag-apply muli ng Child Allowance dahil sa diborsyo pagkatapos ng Oktubre 1 (kasama ang kasalukuyang nasa proseso ng diborsyo) (Kung nag-apply na para sa Child Allowance, hindi na kailangang mag-apply para sa 20,000 yen.)
(7) Ano ang gagawin sa ganitong sitwasyon?
Kung lumipat ng tirahan
Ipapasok ang pera mula sa lungsod kung saan ninyo natanggap ang child allowance para sa Setyembre (para sa batang ipinanganak noong Setyembre 2025, mula sa bayad ng Oktubre) sa inyong rehistradong banko na nakasaad sa form ng notipikasyon.
Kung lumilikas dahil sa DV kasama ang bata:
Kung napalitan ninyo ang tumatanggap ng Child Allowance sa lungsod kung saan kayo lumipat, maaaring makatanggap kayo ng 20,000 yen.
Mangyaring kumonsulta agad sa lokal na pamahalaan kung saan kayo kasalukuyang nakatira.Hindi kailangang ilipat ang resident record (jūminhyō), at hindi rin kailangang makipag-ugnayan sa lungsod kung saan nakatira ang inyong asawa.
Mga katanugan
(Lungsod ng Hamamatsu)「Suporta sa Pag-aalaga ng Bata dahil sa Pagtaas ng Presyo」
telepono:053-457-2792 Oras: karaniwang araw 8:30–17:15
(Pambansang Pamahalaan) 「Ahensiya para sa mga Bata at Pamilya」 Child and Family Agency Call Center
Tel: 0120-252-071 Oras: karaniwang araw 9:00–18:00