CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Mga Karaniwang Impeksyon

1. Trangkaso

Temperatura ng Katawan ng mga Bata

Isang nakahahawang sakit ang trangkaso na dulot ng isang virus. May tatlong strain: A, B at C. Kasalukuyang nagdudulot ng trangkaso sa tao ang mga strain na A (H3N2, H1N1) at B. Labis itong nakakahawa, kaya nakakahawa ang buong sambahayan o klase (mas malala ang mga sintomas kaysa normal na lagnat.)

Lagnat: mataas na lagnat sa loob ng 3 hanggang 7 araw. Pansamanatala itong bumababa, na bumabalik din pagkatapo ng 1 hanggang 2 araw.
Katawan: Mabigat ang katawan. Walang gana.
Nararamdamang Sakit: Nakakaramdam ng sakit sa maraming bahagi ng katawan, tulad ng ulo, mga kasu-kasuan at kalamnan
Tiyan: Nakakaramdam ng sakit, nagsusuka, madalas na pagtatae
Pag-ubo: Nagiging malala pagkaraan ang pag-ubo. Tutulo rin ang sipon sa ilong.

Pagsusuri

Kumuha ng sample mula sa loob ng bibig o ilong gamit ang isang cotton bud. Tatagal ng 20 minuto ang pagsusuri nito.

Panlunas

Isang antiviral agent ang nabuo.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa bahay

Pahinga: Magpahinga sa bahay. Huwag siyang papasukin kaagad sa paaralan kahit pa bumaba na ang lagnat.
Temperatura: Magpanatili ng hindi nagbabagong temperatura.
Pagkain: Kung makakakain na siya, bigyan siya ng mga pagkaing madaling tunawin. Bigyan siya ng maraming tubig.
Paliligo: Huwag siyang paliguan hanggang pagkatapos bumaba ang lagnat.
※Kung kakaiba ang kaniyang kondisyon kaysa karaniwan. dalhin siya kaagad sa ospital.

Pumunta sa Itaas ng Page

2. Tigdas

Isang nakakahawang sakit na dulot ng virus sa tigdas. Lubhang nakakahawa, madalas na may komplikasyon. Isang napakaseryosong sakit.

Panlunas

Hindi kusang gagaling ang tigdas. Gumagamit ng mga antibiotic para iwasan ang pneumonia, at nagbibigay ng mga gamot para sa malalang ubo.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa bahay

Pagkain: Uminom ng maraming tubig. Kung makakakain na siya, bigyan siya ng mga pagkaing madaling tunawin.
Paliligo: Maaari siyang maligo 3 araw pagkatapos bumaba ang kaniyang lagnat, nabawasan na ang kaniyang pag-ubo at mukhang mabuti na ang kaniyang pakiramdam.
Paaralan: Maaari na siyang pumasok sa paaralan sa sandaling lumipas na ang 3 araw simula nang bumaba ang kaniyang lagnat.

Pumunta sa Itaas ng Page

3. Rubella

Isang nakakahawang sakit na dulot ng virus ng rubella. Kilala rin sa tawag na tatlong araw na tigdas o German measles. Kung nahawahan sa simula ng pagbubuntis maaari itong magsulot ng kapansanan sa bata.

Panlunas

Walang gamot para lunasan ang rubella. May gamot para sa lagnat, nararamdamang sakit at pangangati.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa bahay

kapag may pantal, manatili sa bahay. Bukod pa rito, maging maingat sa mga karaniwang bagay.
Puwede siyang pumasok sa paaralan hangga’t nawala na ang lagnat at pantal.

Pumunta sa ospital kapag…

Kapag matamlay siya at walang lakas, o kapag nagpatuloy ang kaniyang lagnat nang mahigit sa 3 araw.

Pumunta sa Itaas ng Page

4. Beke

Isang nakakahawang sakit na dulot ng virus ng beke.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa bahay

Pagkain: Huwag siyang pakainin ng maaasim na pagkain, i mga pagkaing kailangan nilang nguyaing mabuti
Paliligo: Huwag siyang paliguan kung may lagnat o nakakaramdam ng sakit
Paaralan: Huwag siyang papasukin sa paaralan hanggang hindi pa nawawala ang pamamaga

Pumunta ulit sa ospital kapag…

  • Mayroon siyang matinding sakit ng ulo at patuloy na nagsusuka
  • Nagpatuloy ang kaniyang lagnat nang mahigit sa 3 araw
  • Namula ang pamamaga sa ilalim ng kaniyang mga tainga.
  • Sumasakit ang kaniyang mga bayag

Pumunta sa Itaas ng Page

5. Bulutong (varicella)

Isang nakakahawang sakit na dulot na virus na varicella zoster.

Panlunas

Nakakatulong ang paggamit ng gamot para iwasana ang pagdami ng virus para hindi masyadong maging seryoso ang sakit.
Mayroon ding mga gamot at pampahid para bawasan ang pangangati.
Kung may namuong nana, mayroon ding available na mga antibiotic.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa bahay

Pagkain: Kung nasa loob ng kaniyang bibig ang amamaga, bigyan siya ng pagkaing hindi nakakatusok
Paliligo: Huwag siyang paliguan. Kapag mahapdi ang pantal, pero wala siyang lagnat at mukhang maganda ang pakitamdam, ayos lang ang mag-shower.
Paaralan: Huwag siyang papasukin sa paaralan hangga’t mawala ang pagpapantal.

Pumunta ulit sa ospital kapag…

  • Namaga at nagkaroon ng nana ang mga taghiyawat.
  • Tumagal ang mga taghiyawat nang mahigit sa 4 na araw.
  • Matamlay siya at walang lakas.

Pumunta sa Itaas ng Page

6. Fifth disease (erythema infectosium)

Mga Posibleng Dahilan

Isang impeksyon dulot ng parvovirus B19. ※Kung nahawahan sa simula ng pagbubuntis, may posibilidad na makunan.

Panlunas

Walang gamot para lunasan ang fifth disease. May gamot para tulungang maibsan ang sobrang kati.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa bahay

Pagkain: Kapareho ng dati
Paliligo: Maaari siyang maligo. Kapag nanatili siya sa napakainit na tubig sa matagal na panahon, lalala ang pamumula.
Iba pa: Babalik ang pamumula kung lalamig ang katawan o uminot dahil sa sikat ng araw, pag-eehersisyo, atbp.
Paaralan: Sa sandaling lumabas ang mga pantal, hindi na iyo nakakahawa at puwede nang pumasok sa paaralan.

Pumunta sa Itaas ng Page

7. Herpangina

Isang sipon sa tag-init na dulot ng impeksyon ng virus. Hindi nagdudulot ng herpangina ang isang virus lang. Mahahawa ka nito nang maraming beses. Mataas na lagnat sa pagitan ng 38 at 40 degress Celcius na tatagal mula 1 hanggang 4 na araw. Puno ng paltos ang loob ng lalamunan at dila. Masakit ito kapag nabutas at naging singaw.

Panlunas

Walang gamot para lunasan ang herpangina. Maaaring magbigay ng gamot ang doktor para sa lagnat o pananakit.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa loob ng bahay

Pagkain: Malalambot, dunurog na pagkain, na may hindi masyadong matapang na pampalasa.
Inumin: Maraming pagpalamig na inuming hindi nakakatusok
Paliligo: Maaari siyang maligo kung mukhang maganda na ang kaniyang pakiramdam at walang mataas na lagnat
Paaralan: Maaari na siyang pumasok kung wala siyang lagnat at mayroon nang gana.

Pumunta ulit sa ospital kapag…

  • Hindi sila makainom ng khit ano at matamlay
  • Nagpatuloy ang mataas na lagnat nang mahigit 3 araw

Pumunta sa Itaas ng Page

8. Hand, food and mouth disease

Pangkaraniwan kapag tag-init. Dulot ito ng impeksyon sa virus. Maraming virus ang nagdudulot ng sakit na ito. Maaaring mahawa nito nang maraming beses/ Gumagaling pagkaraan ng ilang araw.

Panlunas

Walang gamot para lunasan ang hand, foot and mouth disease. May gamot para sa lagnat at pananakit.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa bahay

Pagkain: Kapag sumasakit ang loob ng bibig, bigyan siya ng mga pagkaing hindi nakakatusok
Paliligo: Kung wala siyang lagnat at mukhang maganda na ang pakiramdam, maaari siyang maligo.
Paaralan: Kung mukhang maganda na ang pakiramdam ng bata, puwede na siyang pumasok sa paaralan

Pumunta ulit sa ospital kapag…

  • Wala silang kahit anong iniinom
  • Nagpatuloy ang mataas na lagnat nang mahigit 3 araw
  • kapag sumusuka at matamlay siiya

Pumunta sa Itaas ng Page

9. Roseola

Isang nakakahawang sakit na dulot ng herpesvirus 6. Nakakaapekto sa mga bata mula 4 na buwan hanggang 1 o 2 taong gulang. Bababa ang lagnat sa loob ng 3 araw. Hindi ito malalaman hanggang lumabas ang mga pantal.

Panlunas

Walang gamot para lunasan ang roseola. May gamot para pababain ang lagnat.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa loob ng bahay

Mataas na lagnat: Maaaring nag-aalala ka dahil sa mataas na lagnat, ngunit mag-ingat din kapag normal ang lagnat
Gatas: Kung hindi niya ito ininom, tunawin ito. Painumin siya ng maraming pinalamig na pinakuluang tubig at apple juice.
Pagbubutaw: Kung nagtataw siya o walang gana, pansalamantalang itigil
Palligo: Huwag siyang paliguan kung mayroon siyang lagnat o mukhang masama ang pakiramdam

Pumunta sa Itaas ng Page

10. Pharyngoconjunctival fever (pool fever)

Isang impeksyon sa virus. Kumakalat ito sa mga swimming pool, pero pwede ring kumalat sa iba pang paraan. Nagpatuloy ang mataas na lagnat sa pagitan ng 39 at 40 degrees Celcius (lalo na sa gabi) sa loob ng 5 araw sa average. Magkakaroon siya ng pamamaga ng lalamunan, at mamumula ang kanilang mga mata. Magkakaroon sila ng pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan at pagtatae.

Panlunas

Walang gamot para lunasan ito. Walang gamot sa lagnat at pananakit.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa loob ng bahay

Mataas na lagnat: Maaaring nag-aalaa ka na magtatagal ang mataas na lagnat, ngunit huwag masyadong uminom ng gaot laban sa lagnat
Pagkain: Pagkaing madaling lunukin, mga inuming hindi nakakatusok
Paliligo: Huwag siyang paliguan hangga’t bumaba ang lagnat at mukhang maganda na ang pakiramdam
Paaralan: Huwag pumasok sa paaralan hangga’t bumaba ang lagnat

Pumunta ulit sa ospital kapag…

  • Hindi siya makainom ng kahit ano at nagpapakita ng mga sintomas ng dehydration
  • Nagpatuloy ang mataas na lagnat nang mahigit sa 3 araw
  • Kapag wala siyang lakas at matamlay

Pumunta sa Itaas ng Page

11. Group A streptococcal infection

Isang impeksyong dulot ng Streptococcus pyogenes. Lagnat at pamamaga ng lalamunan ang mga panunahing sintomas. Pagpapantal ng maliliit, mapulang marka sa katawan, kamat at paa. Mapupulang paltos na mukhang mga strawberry na nabubuo sa dila.

Panlunas

Uminom ng mga antibiotic sa loob ng 10 hanggang 14 na araw. Mawawala ang lagnat sa loob ng 1 hanggang 3 araw, ngunit babalik ito kapag tumigil a sa pag-inom ng gamot. Kung hindi mo natapos ang pag-inom ng lahat ng gamot, maaari itong magsulot ng mga komplikasyon tulad ng pamamaga ng mga bato o rheumatic fever.

Mga bagay na dapat pag-ingatan sa loob ng bahay

Maaari itong kumalat sa mga miyembro ng pamilya. Maliban kung gagamutin ang buong pamilya, maaari mo ulit itong makuha pagkatapos mong gumaling.

Pumunta sa Itaas ng Page

12. Whooping cough (pertussis)

Isang impeksyon na dulot ng Bordetella pertussis. Para sa mga sanggol, ia itong partikular na mapanganib na sakit na maaaring pigilan silang makahinga. Maaari ding mahawahan ang mas matatandang bata at nakakatanda. Maaari siyang gumaling kahit pa magpatuloy ang malalang ubo.

Panlunas

Uminom ng mga antibiotic na epektibo laban sa whooping cough, at gamot sa ubo.

Pumunta ulit sa ospital kapag…

  • Halos tumigil ang kaniyang paghinga dahil sa pag-ubo
  • Paulit-ulit siyang nagsusuka dahil sa pag-ubo at walang lakas
  • May lagnat

Pumunta sa Itaas ng Page

13. Molluscum contagiosum (kulugong tubig)

Isang impeksyon sa virus. Bilugan ang mga ito na nakalubog nang kaunti sa gitna at medyo makintab. May lalabas na puting bukol kapag pinutok mo ang ito. Naglalaman ito ng maraming virus. Mabubuo ang eczema sa paligid ng mga kulugong tubig bilang allergic reaction sa virus. Magdudulot ito ng pangangati.

Panlunas

Pampahid

Maaaring gumamit ng mga antiseptic at silver nitrate cream. Gayunpaman, walang garantiya na gagana ang mga ito.

Gamot

Maaari itong gumaling sa loob ng 1 hanggang 2 buwan gamit ang tradisyonal na Chinese medicine. Gayunpaman, walang garantiya na gagana ito.

Pagtatanggal

Tanggalin ang mga ito gamit ang tiyani. I-disindect ang lugar. Lubha silang iiyak, at maaaring bumalik ang mga kulugo kahit pa tinanggal mo na ang lahat ng ito.

Hintaying natural na mawala ang mga ito

Magtatagal ito, ngunit mawawala ang mga ito nang walang anumang partikular na panlunas.

Magdesisyon kung anong panlunas ang gagamitin pagkatapos kumonsulta sa iyon doktor. Kapag kapansin-pansin ang mga ito sa isang lugar, tanggalin ang mga ito habang kakaunti p.

Mga Tanong

Hamamatsu City Child & Maternal Health Center

Pumunta sa Itaas ng Page