CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pangangalaga ng Bata > Mga Pangkaraniwang Sakit at Panlunas > Mahalagang Impormasyon tungkol sa SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Mahalagang Impormasyon tungkol sa SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)

Ano ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)?

Ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome) ay isang sakut kung saan biglang namatay sa kaniyang pagtulog ang isang sanggol na mukhang malusog, na hindi dulot ng aksidente o suffocation. Sa Japan, malapit sa 100 sanggol ang namamatay sa ganitong sakit kada taon.
Malaking bahagi ng mga sanggol na ito ay mula 1 hanggang 4 na buwang gulang. Karamihan ay wala pang 1 taong gulang. Hindi matukoy ang dahilan nito, ngunit mukhang ang mga pangunahing salik na nagpapataas sa posibilida ng SIDS ay resulta ng kapaligiran kung saan pinapalaki ang bata.

Mahahalagang kaalaman para iwasan ang SIDS

patulugin sila nang nakatihaya

Mula sa mga imbestigasyon ng mga akademiko, alam nating mas malamang na magkaroon ng SIDS ang mga sanggol kapag natutulog sila nang nakadapa. Hindi nagdudulot ng SIDS ang pagtulog nang nakadapa. Ngunit, maiban sa mga kaso kung saan natutulog siya nang nakadapa dahil sa mga medikal na dahilan, subukang patulugin siya nang nakatihaya para makita mo ang kaniyang mukha.
 

Itigil ang paninigarilyo

Malaking salik ang tabako sa pagkakaroon ng SIDS. Kung naninigarilyo ang ina habang nagbubuntis, mas magiging mahirap sa sanggol na madagdagan ang kaniyang timbang. Nakakasama rin ito sa kaniyang respiratory center. Huwag manigarilyo habang nagbubuntis. o manigarilyo sa paligid ng mga babaeng nagbubuntis o mga sanggol.
Mahalaga ang pang-unawa ng mga taong nasa paligid. Kunin ang kooperasyon ng mga naninigarilyo.
 

Palakihin ang iyong sanggol gamit ang gatas ng ina hangga’t maaari.

Napakaganda para sa sanggol ang pagpapalaki sa gatas ng ina. Hindi nagdudulot ng SIDS ang formula milk, ngunit subukang palakihin ang iyong sanggol gamit ang gatas ng ina hangga’t maaari.
 

Mag-ingat na…

Tiyaking hindi maiwang mag-isa ang sangggol at tiyaking pinatulog mo sila nang nakatihaya para iwasan ang mga aksidente tulad ng suffocation, hindi sinasadyang pagkalunok ng mga bahay, pagkasugat, pagkapaso, at pagkalunod sa paliguan.
 

Huwag iwanang mag-isa ang sanggol

Huwag iwanang mag-isa ang sanggol nang matagal, kahit pa mahimbing ang kaniyang tulog.
Huwag iwanang mag-isa ang sanggol sa bahay.
Matulog sa parehong kuwarto na tinutulugan ng sanggol.
 

Mga kaayusan sa pagtulog

Gumamit ng matigas na kama para sa kaniyang higaan. Huwag gumamit ng unan.
Tiyaking alisin ang mga pantakip, tuwalya o tali sa kaniyang mukha.
Huwag mag-iwan ng anumang gasa o vinyl sa paligid ng higaan.
Pag-isipan kung saan ilalagay ang sanggol para matulog at ang kaniyang higaan.
Huwag siyang hayaan matulog sa sofa, kahit para umidlip sa araw.

Pumunta sa Itaas ng Page