CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Buwis > Mga lokal na buwis

ここから本文です。

Update date:January 31, 2023

Mga lokal na buwis

Buwis ng residente (buwis ng munisipyo at buwis ng prefectural)

Sa mga nakatira sa Hamamatsu, sa araw ng Enero 1, ay kinakailanagan magbayad ng buwis sa bawat natatangap na pera taon-taon.

Isumite ang iyong municipal at prefectural tax declarations sa city hall bago ang Marso 15.

Subalit, ang mga indibidwal kung saan ang sumusunod ay naayon sa kanila ay hindi na kailangang gumawa ng deklarasyon:

  • (1) Mga taong walang kita noong nakaraang taon
  • (2) Mga taong kumita lamang sa sahod at iniuulat ng pinagtatrabahuhang kumpanya ang sweldo sa munisipalidad
  • (3) May mga Naka pag file na tax refund (national tax)
  • (4) mga taong hindi pinapatawan ng municipal tax at prefectural tax.
    * Hindi kailangang magsumite ng return ang mga indibidwal na excemption mula sa pangbayang buwis at pang-prefecture na buwis (hal. Iyong mga tatanggap ng pensiyon para sa naiwang dependent, pensyon sa kapansanan o insurance sa kawalan ng trabaho), pero baka kailanganin nilang magsumite ng return para sa mga prosesong kaugnay ng visa.

Paraan ng pagkukwenta

Municipal at Prefectural tax (income rate at equal share) ay pwedeng pagsamahin magiging katumbas ng halaga sa isang taon ng buwis.

(1) Income rate...ay kinakalkula mula sa kita ng nakaraang taon ng buwis.

Tax income amount
( halaga ng kita nakaraang taon - kabawasan sa kita)
× rate ng buwis - Pagbabawas ng buwis Income rate
Municipal tax na 8%
Prefectural tax 2%

(2) Equal share... Buwis sa mga tao na may kita na mas mataas sa tiyak na antas sa mga nakaraang taon.

Pag-uuri Tax amount
Municipal tax 3,500 yen
Prefecture tax 1,900 yen

Paano magbayad

Paraan ng pagbabayad ng Tax ay maari pwede din ikalatas sa sweldo, pensyon o maari dn kaltas sa banko.

Pwede din magbayad sa pamamaraan ng pag kaltas sa sweldo

Ang mga bayad na ikinaltas sa sahod ay mababayaran buwan-buwan simula Hunyo hanggang sa katapusan ng Mayo ng susunod na taon.
*Makakatanggap ka ng abiso mula sa iyong kompanya.

Pwede din magbayad sa pamamaraan ng pag kaltas sa pensyon

Magpapadala ng tax notice mula sa city hall sa kalagitnaan ng Hunyo.

Febrero・Abril・Junyo・Agosto・Oktubre・Disyembrebuwan ng pagbabayad ng pensyon.

Pagbabayad ay pwede din direkta sa bank account

Magbayad hanggang ikatatlumpu ng Hunyo, ikatatlumpu't isa ng Agosto, ikatatlumpu't isa ng Oktubre, ikatatlumpu't isa ng Enero ng susunod na taon.
* Maaari ka ring gumawa ng mga pagbabayad sa pamamagitan ng credit card o internet banking
Pamamaraan ng pag hati sa 4 na beses isang taon ang pagbabayad.
* Kung ang araw na iyon ay Sabado, Linggo, o kaya ay holiday, iuusog ang petsa sa susunod na araw.

Mga taong lumipat at umalis ng bansang Japan

Kung may plano umalis ng Hamamatsu o bansa kailangan ipaalam sa Munisipyo bago umalis dahil maaring may maiwan na buwis na dapat bayaran. Pwede ka dn makisuyo sa ibang tao na pwede mag ayos ng buwis na maiiwanan.

≪Kailangan magbayad hanggang sa deadline ng pagbabayad.≫
Kinakailangan ang katunayan na nagbabayad ng buwis kung mag renewal ng Alien card. Kinakailangan na magbayad sa deadline ng bayaran ng buwis.

Municipal tax, Prefectural tax tax return

Pakisulat pagkatapos tingnan ang paraan ng pagsulat ng municipal tax at prefectural tax. (Paraan ng pagsulat ng tax return)

Uri ng dokumento

Municapal tax, prefectural tax return(PDF:1,090KB)

Mga maaaring tawagan

Munisipal na Dibisyon sa Buwis Numero ng Telepono: 053-457-2144

Sa Pinakataas na Pahina

Kei (magaan) Buwis ng Sasakyan

Ito ay ang buwis na binabayaran sa unang Abril ng mga nagmamay-ari ng iskuter (gendoki-tsuki jitensha), (kei) maliliit na sasakyan (mga kotseng may dilaw na plaka) at maliliit na motorsiklo.

Magbabayad ng abiso sa buwis hanggang katapusan ng Mayo.

* Maaari ka ring gumawa ng mga pagbabayad sa pamamagitan ng credit card o internet banking

Mga iskuter (gendoki-tsuki jitensha)

Uri Halaga
0.05L at pababa 2,000 yen
0.09L at pababa 2,000 yen
0.125L at pababa 2,400 yen

* Bawat ward office (maliban sa Chūō-ku) Chūō-ku, Chūō-ku, Chūō-ku, Hamana Ward Residents Living Division, Kita-ku, Tenryu Property Tax Division Tax Group.

Motorsiklo

Uri Halaga
0.25L pababa 3,600 yen

* Ang pagpapatala, pagtatapon, at iba pang proseso tulad ng pag-iisyu ng plaka ng sasakyan ay dapat gawin sa Tanggapan ng Inspeksiyon at Pagpapatala ng Sasakyan ng Hamamatsu.

Uri Halaga
0.25L pataas 6,000 yen

* Ang pagpapatala, pagtatapon, at iba pang proseso tulad ng pag-iisyu ng plaka ng sasakyan ay dapat gawin sa Tanggapan ng Inspeksiyon at Pagpapatala ng Sasakyan ng Hamamatsu.

Mga Sasakyang Kei (apat na gulong)
<Para sa mga sasakyang 660 cc pababa and displacement (dilaw na plaka)>

Uri Halaga Mga vehikolo na dapat iparehistro bago mag Marso 2015 na hindi nakakalipas ng 13 taon 13taon mahigit na nagamit na sasakyan
Gamit Pampamilya (biyahe) 10,800 yen 7,200 yen 12,900 yen
Gamit Pampamilya
(pagbibiyahe ng goods)
5,000 yen 4,000 yen 6,000 yen

* Pagrerehistro at proseso ng pag-i-scrap ng sasakyan (tulad ng ibinigay na numero) ay sa Light Car Inspection Association.

Kailangang gawin ang mga nararapat na proseso sa pagpapalit ng rehistro ng sasakyan sa tuwing magbabago ng adres, paglilipat ng pagmamay-ari o pagtatapon ng maliliit na sasakyan o motorsiklo.

Makipag ugnayan

Hamamatsu shi Shiminzei-ka TEL:053-457-2077

Sa Pinakataas na Pahina

Buwis ng sasakyan

<Para sa mga sasakyang mahigit 660 cc ang displacement (puting plaka)>
Ang buwis na ito ay binabayaran tuwing ika-1 ng Abril ng lahat ng nagmamay-ari ng kotse. Ang buong halaga ay dapat bayaran tuwing ika-31 ng Mayo gamit ang pabatid sa pagbabayad. Ang mga sasakyang may apat na gulong na 0.66L o pababa ang engine displacement ay itinuturing at binubuwisan bilang maliliit (kei) na sasakyan.

* Para sa mga nai-scrap na sasakyan (nakanselang rehistro) pagkatapos ng ika-unang araw ng Abril, mare-refund ang prorated na halaga ng naibayad mula sa susunod na buwan. Subalit, kung may buwis sa sasakyan na hindi pa nababayaran, ibabawas (paglalaan) ang halagang hindi pa nababayaran bago maibigay ang refund. Dagdag pa rito, kahit na i-disassemble ang sasakyan kapag hindi pa naisasagawa ang pag-i-scrap, at kapag inilipat lamang sa iba ang pangalan ng sasakyan, hindi makakakuha ng refund.

Sasakyan para sa Personal na Biyahe

Uri Halaga
1.0L at pababa 29,500 yen
1.5L at pababa 34,500 yen
2.0L at pababa 39,500 yen
2.5L at pababa 45,000 yen

*Ang pagpapatala, pagtatapon, at iba pang proseso tulad ng pag-iisyu ng plaka ng sasakyan ay dapat gawin sa Dibisiyon ng Buwis ng mga Tanggapang Pampurok.

Impormasyong Pang-ugnay para sa mga impormasiyon sa buwis pangsasakyan:

Tanggapang Prefektyural sa Pagbubuwis ng Shizuoka 1-12-1 Chuo, Chūō-ku, Hamamatsu Tel:053-458-7132

Para sa pagpapatala, pagtatapon, at iba pang proseso tulad ng pag-iisyu ng plaka ng sasakyan:

Tanggapan ng Inspeksiyon at Pagpapatala ng Sasakyan ng Hamamatsu 13-3 Ryutsumoto-machi, Chūō-ku Tel:050-5540-2052

Sa Pinakataas na Pahina

download Adobe Acrobat Reader

Some of the publications on this site are in PDF format. To view them, you will need to have Adobe Acrobat Reader. Please click the graphic link to download Adobe Acrobat Reader.