Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pangangalaga ng Bata > Pagsisimulang Magbutaw
ここから本文です。
Update date:March 8, 2022
Kapag nasa 5 o 6 na buwang gulang na ang iyong sanggol at nagsisimula mo nang mapansin ang sumusunod na mga bagay, senyales na ito para magsimulang magbutaw sa lalong madaling panahon.
☐ | Matatag na ang kaniyang leeg. Makakaupo na siya kapag sinuportahan mo siya. |
---|---|
☐ | Nagpapakita na siya ng interes sa pagkain (naglalaway na siya) |
☐ | Kahit pa maglagay ka ng kutsara sa loob ng kaniyang bibig hindi na niya ito itinutulak palabas ng kaniyang bibig gamit ang kaniyang dila. |
Mga Sangkap | Medyo mas marami sa 1/4 tasang bigas (tinatayang 40g) 300cc tubig |
---|---|
Pamamaraan | 1. Ilagay ang tubig o kumukulong tubig sa bigas. Kapag kumukulo na ito, pakuluin pa sa maliit na apoy nang may takip sa loob ng 20 hanggang 30 minuto. 2. Alisin sa apoy. Pasingawin sa loob ng 7 hanggang 8 minuto. 3. Durugin ang lugaw |
Mga Sangkap | 10g carrot 10g spinach 25g tofu 1/4 kutsaritang asukal 1 kutsarang pinaglagaang sabaw |
---|---|
Pamamaraan | 1. Pakuluan ang carrot at kayurin ito. Pakuluan ang mga dahon ng spinach, at hiwain nang pino ang mga ito. 2. Pakuluan at salain ang tofu. Salain ito gamit ang salaan. Lagyan ito ng lasa gamit ang pinaglagaang sabaw at asukal at idagdag ang mga gulay sa hakbang 1. |
Mga Sangkap | 10g puting isda 2 kutsara ng pinaglagaang sabaw kaunting toyo kaunting corn flour (tinunaw sa tubig) |
---|---|
Pamamaraan | 1. Alisin ang balat at tinik ng puting isda. Idagdag ang pinaglagaang sabaw at toyo. Pakuluan. Durugin ito nang pino 2. Idagdagang corn flour sa fish paste mula sa 1. |
Mga Sangkap | 1/4 pula ng itlog 20g patatas 2 kutsarang pinaglagaang sabaw |
---|---|
Pamamaraan | 1. Ilaga ang itlog. Alisin ang pula at durugin ito. 2. Pakuluan ang mga patatas at durugin ang mga ito habang mainit pa. 3. Paghalu-haluin ang 1 at 2. Palabnawin ito gamit ang pinaglagaang sabaw. |
Mga Sangkap | 1/8 pirasong tinapay 50cc gatas |
---|---|
Pamamaraan | 1. Alisin ang crust ng tinapay at hinawain ito nang pino. 2. Ilagay ang gatas at tinapay sa isang kaserola at buksan ang apoy kapag tuluyan nang nababad ang tinapay sa gatas. Pakuluang mabuti. |
Mga Sangkap | 20g kalabasa 1 kutsarang pinaglagaang sabaw kaunting toyo 1/2 kutsarang liver paste |
---|---|
Pamamaraan | 1. Balatan ang kalabasa at pakuluan ang laman. Duruging mabuti. Ilagay ang kalabasa, toyo at pinaglagaang sabaw sa isang kaserola at palabnawin ito gamit ang kumukulong tubig. 2. Idagdag ang liver paste sa mixture sa 1. |
Mga Sangkap | 20g kamatis 1/2 kutsaritang ginadgad na keso |
---|---|
Pamamaraan | 1. Balatan ang mga kamatis at alisin ang mga buto. Tadtarin nang pino. 2. Budburan ng ginadgad na keso ang 1. |