CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Kalusugan ng mga Bata

Napakahalaga ng baby teeth (pangunahing ngipin)

Nagsisimulang lumabas ang baby teeth kapag nasa 6 na buwang gulang at nailalabas ang 20 bilang, kabilang ang pang-itaas at pang-ibabang ngipin, kapag nasa edad na 3. Mahahalagang ngipin ang mga ito na magpapatuloy na magagamit hanggang palitan ang mga ito ng adult teeth (permanenteng ngipin). Iwasan ang mga cavity at bantayan ang oral at dental na kalusugan.

 

Pag-iwas sa mga cavity

Pagbuo ng regular na rito ng pamumuhay

Sa pamamagitan ng pagbubuo ng isang regular na ritmo ng pamumuhay, naisasagawa sa mga takdang oras ang mga pagkain ar meryenda at nakabubuo ito ng kapaligiran kung saan mahihirapang mabuo ang mga cavity.
Bigyang-diin ang pag-inom ng tubg at tsaa.
(Naglalaman ng napakaraming asukal at mataas ang acidity ng mga juice, sports drink at fizzy drink, na maaaring magresulta sa direkta nitong pagtunaw ng ngipin.)

Kapaki-pakinabang na Kaalaman
  • Kung patuloy na umiinom ng gatas ng ina ang mga bata pagkalipas ng 18 buwan, tumataas ang panganib na magkaroon ng mga cavity (lalo na sa itaas na harapang ngipin)
    Iwasan ang mga cavity gamit ang mga estratehiya kabilang na ang:
    ·Limitahan ang mga oras ng pagmemeryenda at bawasan ang matatamis at mga juice
    ·Gumamit ng fluoride toothpaste
    ·Kumuha ng fluoride treatment
    ·Itigil ang pagpapadede bago matulog
  • Mga batang gumagamit ng pacifier
    ·Lalala ang paglinya ng kanilang mga ngipin. Subukang bawasan ang paggamit ng pacifier pagsapit ng mga 1 taong gulang.

Ang gawain sa pagpapanatiling malinis ng iyong ngipin

Tulungan ang iyong anak na makabuo ng gawi na pagilinis ng kaniyang bibig bago matulog.

Pagkakaroon ng gawi na masepilyo ng mga ngipin
  • Magpakita sa kanila ng halimbawa na nagsesepilyo ka. Gumawa ng isang masiglang kapaligiran na may awitin at musika para hikayatin siyang magsepilyo ng kanilang mga ngipin.
    (Tiyaking nagsesepilyo ng ngipin ang iyong mga anak nang may kasamang nakatatanda, at bantayan na hindi magkaroon ng mg aksidente_)
  • Sa pagpapatuloy araw-araw, unti-unting mabubuo ang gawi
Paano tapusin ang pagsesepilyo ng ngipin ng iyong anak
  • Ihiga bata sa mga tuhod mo: tiyaking hindi gagalawa ang kaniyang ulo
  • Ibuka ang kaniyang mga labi gamit ang iyong mga daliri at tingnan ang kaniyang mga ngipin: suriin kung marumi o naninilaw ang kaniyang mga ngipin

Pag-iwas sa mga cavity gamit ang fluoride

Ang paggamit ng fluoride ay nakakapagpalakas ng ngipin, lumalaban sa mga cavity, at nakakatulong makabuo ng oral na kalusugan.

Bisa ng fluoride sa pag-iwas sa mga cavity
  • Pinapatibay ang mga ngipin
  • Tumutulong na ayusin ang mga ngipin (re-calcification)
  • Binabawasan ang produksyon ng asido na tumutunaw ng ngipin
Paano gumamit ng fluoride
  • Fluoride treatment
    Makakamit ang mga resulta sa pamamagitan ng pagkakaroon ng patuloy na treatment kada 1 hanggang 6 na buwan
    Available ang treatment sa mga dental na klinika at mga healthcare center
  • Fluoride toothpaste
    Dami ng toothpaste na gagamitin: kasinglaki ng isang butil ng bigas para sa mga batang wala pang 2 taon, kasinglaki ng buto ng sitaw mula 2 taong gulang
    Pagmumugin sila nang isang beses pagkatapos magsepilyo ng kanilang ngipin
    Para sa mga batang hindi makapagmumog nang maayos, punasan ang kanilang bibig gamit ang tisyu pagkatapos nilang magsepilyo ng ngipin

Mga tanong

Dental Center, Health Promotion Divisions of Local Ward Offices

Pumunta sa Itaas ng Page

Mga Programa sa Dental Insurance

Mga Check-up ng Dental na Kalusugan

Programa Mga Detalye Sanggunian
Dental na Konsultasyon Oral checkuop, mga konsultasyon sa oral na kalusugan, tagubilin sa paglilinis ng ngipin, atbp. I-click ito para sa higit pang detalye
Dental checkup ng 18 buwang gulang na sanggol Oral checkup, konsultasyon, fluoride treatment (opsyonal) I-click ito para sa higit pang detalye
Dental checkup ng 2 taong gulang na sanggol Oral checkup, konsultasyon, fluoride treatment (opsyonal) I-click ito para sa higit pang detalye
Dental checkup ng 3 taong gulang na sanggol Oral checkup, konsultasyon, impormasyon tungkol sa insurance I-click ito para sa higit pang detalye

Fluoride Treatment

Oras at Petsa Nagbabago batay sa lokasyon. Tingnan ang Bulletin ng Impormasyon ng Hamamatsu sa iyong Ward.
Lugar Chūō Ward: Dental Center
Chūō Ward: Tobu Health and Welfare Center
Chūō Ward: Seibu Healthcare Center
Chūō Ward: Minami Administrative Center
Chūō Ward: Hosoe Health Center
Hamana Ward: Hamakita Healthcare Center
Tenryu Ward: Tenryu Health and Welfare Center
Sakuma Healthcare Center (kailangan ng reserbasyon)
Misakubo Health and Welfare Center (kailangan ng reserbasyon)
Haruno Branch Office (kailangan ng reserbasyon)
※Pumunta sa lugar sa inyong ward ng paninirahan
Bayarin 660 yen kada treatment
Mga Bagay na Dadalhin Handbook para sa Kalusugan ng Ina at Anak
Mga Oras/Pagitan Isang beses kada 3 hanggang 6 na buwan. Epektibo pagkatapos ng 4 na treatment o higit pa.

Mga tanong

Dental Center, Health Promotion Divisions of Local Ward Offices

Pumunta sa Itaas ng Page