Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pangangalaga ng Bata > Pagpapatuloy ng Pagbubutaw
ここから本文です。
Update date:March 8, 2022
Nagagawa na niyang kumain ng mas marami.
Halos handa na siyang sumali sa hapag-kainan ng pamilya.
Halos handa na silang magpatuloy mula sa pagbubutaw tungo sa pagkain ng sanggol.
Pagandahin ang balanse ng nutrisyon sa mga pagkain ng pamilya. Kung balanse ang nutrisyon sa mga pagkain ng pamilya, magiging balanse rin ang nutrisyon ng bahagi na ibinibigay mo sa iyong nagbubutaw na anak.
Kailangang kabilang sa isang balanseng menu ang isang staple, pangunahing ulam at mga side dish. Una, isaalang-alang ang mga pagkain ng pamilya.
(Ministry ng Kalusugan, Paggawa at Kabutihan/Ministry ng Agrikultura, Kagubatan at Pangisdaan)
Kung masyadong matigas ang pagkain para kainin ng sanggol, pakuluan ito ulit o hiwain sa mas maliliit na piraso na madaling kainin. Gawing mas madali para sa sanggol na kumain, batay sa kaniyang kondisyon.
Kung matigas ang karne o isda para kainin, gawin itong madaling kainin sa pamamagitan ng pagdadagdag ng juice o pagpapalapot dito gamit ang corn flour.
Kapag sumapit na sa 1 taon ang iyong anak, makakakain na siya nang tatlong beses sa isang araw: sa umaga, sa tanghali, at sa gabi, tulad ng pagkain ng pamilya. Nangangahulugan ito na nagiging mas mahaba ang pagitan ng mga pagkain, ngunit hindi makakakain ang mga bata nang marami sa isang kainan. Bigyan sila ng nutrisyon na hindi niya makukuha mula sa kaniyang tatlong pagkain sa pamamagitan ng meryenda.
Kung mali ang pagbibigay mo ng meryenda, mawawalan siya ng gana, magiging mapili sa pagkain, magiging napakataba, o magkakaroon ng mga cavity, kaya kailangan mong mag-ingat.
Magtakda ng oras at dami para sa pagmemeryenda, na isinasaalang-alang ang pag-idlip ang gana at ninanais ibigay ito nang isa o dalawang beses sa isang araw.
Huwag siyang bigyan ng meryenda tuwing humihingi siya nito o kapag sinusumpong siya.
Tiyaking mayroon pa ring dalawa o tatlong oras na pagitan hanggang sa susunod niyang pagkain.
Bahagi ng mga oras ng pagkain ang mga meryenda.
Isiping ang mgameyenda ay magagaang pagkain, kabilang ang protina, calcium at mga bitamina.
(hal. mga suman, keso sa tinapay, mga na-bake na patatas, mga stick ng gulay, prutas, atbp.)
Kailangan ng mga bata ng mas maraming tubig kaysa mga nakatatanda, kaya bigyan sila ng inumin kasama ng kanilang meryenda; halimbawa, green tea, barley tea, o gatas.
Pumili ng matatamis na may kakaunting asukal, fat at asin.
Oo / Hindi | Maaga ba siyang natutulog at maagang nagigising? |
---|---|
Oo / Hindi | Bumabati ba siya ng “Magandang Umaga” at iba pang pagbati? |
Oo / Hindi | Kumakain ba siya ng agahan araw-araw? |
Oo / Hindi | Kumakain ba siya ng mga pagkain at meryenda sa takdang oras? |
Oo / Hindi | Kapag nauuhaw siya, umiinom ba siya ng tsaa o tubig sa halip na matatamis na inumin? |
Oo / Hindi | Kumakain ba siya ng kahit ano nang walang pamimili? |
Oo / Hindi | Pinapatay mo ba ang TV kapag kumakain siya? |
Oo / Hindi | Tumutulong ba siya sa paghahanda at paglilinis pagkatapos kumain? |
Pinagkukunan ng lakas ang agahan para paganahin ang iyong utak at katawan.
Lahat tayo ay mayroon internal na body clock. Pinapagana nito ang ritmo ng ating katawan. Nakakatulong ang paggising nang maaga at pagkain ng agahan para mapagana ang ritmong ito.
Kapag hindi ka kumain ng agahan, hindi ka makakakuha ng glucose na mahalaga para sa paggana ng ating utak. Wala kang lakas para mag-isip at maalala ang mga bagay-bagay. Para tulungan ang iyong anak sa kaniyang pag-aaral at pag-eehersisyo tuwing umaga sa nursery at sa paaralan, tiyaking kumakain sila ng tamang agahan.
Mahalagang pagkain ang mga meryenda para sa mga lumalaking bata.
Kung hindi mo pagdedesisyunan ang oras at dami at nagbibigay sa kanila ng matatamis at juice, wala silang espasyo para sa mga pagkain.
Matututo rin silang kainin ang mga bagay na gusto nila, ngunit hindi ang mga pagkaing mahirap nguyain o mga pagkaing hindi nila gusto.
Kung nakabukas ang TV habang kumakain ang iyong anak, itutuon ng bata ang kaniyang atensyon sa TV at hindi maayos na masisiyahan sa kanilang pagkain. Patayin ang TV at masiyahan sa pag-ussap habang kumakain. Nagpapakita ng halimbawa kung paano kumain nang maayos ang sama-samang pagkain kasama ang buong pamilya, at nakakatulong din ito sa emosyonal na pag-unlad?
Pinalalakas ng pagnguya nang mabuti ang mga ngipin at gilagid kapag kumakain. Nakakatulong din ito sa panunaw, pinapabuti ang paggana ng utak at makakayanan niyang kumain nang mas matitigas na bagay at gulay.
Mga Sangkap | 2 tasang bigas A- 2 tasang tubig / 1 consommé stock cube / 1/2 kutsaritang asin / 2 kutsarang sake 1/2 carrot 50g sweetcorn |
---|---|
Pamamaraan | 1. Hugasan at alisin ang tubig ng bigas. 2. Gadgarin ang carrot. 3. Ilagay ang A, bigas, ginadgad na carrot at sweetcorn sa rice cooker. 4. Pagkatapos itong lutuin, palamigin sa loob ng 10 minuto at haluing mabuti. |
Mga Sangkap | 1/2 kumpol ng spinach / 1/2 sibuyas / 2 pirasong bacon / 2 patatas / 4 na itlog 1/2 kutsaritang asin / kurot ng paminta / 2 kutsarang mantikilya / kaunting tomato ketchup |
---|---|
Pamamaraan | 1. Hugasan ang spinach at hiwain sa mga pirasong may 1cm na laki. Pakuluan at alisan ng tubig. Palamigin ito at alisin ang moisture. 2. Hugasan ang mga patatas at balutan ng plastic wrap. I-microwave sa loob ng 5-6 na minuto. Balatan at hiwain nang pino. 3. Hiwain ang sibuyas at bacon nang pino. Iprito sa kawali. Idagdag ang spinach at patatas. Lagyan ng lasa gamit ang asin at paminta. 4. Basagin ang itlog sa isang sulyaw at batihin. Ilagay ito sa hinalo mula sa 3 at haluing mabuti. 5. Ilagay ang mantikilya sa mantika at buksan ang apoy. Idagag ang hinalo mula sa 4 at painitin sa katamtamang apoy habang hinahalo. Kapag medyo naluluto na ito, takpan at lutuin sa mahinang apoy. 6. Hiwain sa maliliit na piraso at ilagay sa pinggan. Magdagdag ng tomato ketchup. |