CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:January 1, 2024

Mga Usaping Pampamilya

Q. Kailan binabayaran ang mga child-support allowance? 

A. Tignan ang Usaping Kaperahan "Kailan ang pagdedeposito ng child care allowance?".

Q. Buntis ako. Saan ako maaaring makakuha ng boshi techō (Handbook ng Maternal at Pambatang Kalusugan)?

A. Depende ito sa iyong lugar ng paninirahan. Sa Chūō-ku, pumunta lamang sa Lunsuran ng Maternal at Pambatang Kalusugan (Boshi Hoken Sentā) (katabi ng Lunsuran ng Pangangalagang Pangkalusugan [Hokenjo]).

Q. Nais kong ipatala ang aking anak sa pampublikong paaralang elementarya. Saan ako maaaring makakuha ng payo tungkol dito?

A. Ang tanggapan ng Dibisyon ng Suporta sa Pang-edukasyonng Lupon ng Edukasyon (Kyōiku I’in Kai Kyōiku Shien Ka) ay maaaring tanungin tungkol dito. Matatagpuan ito sa ika-7 na palapag ng E-Stage Hamamatsu Building.

Q. Nasaan ang mga lokal na kindergarten o eskwelahang Brasiliano? 

A. Colégio Mundo de Alegria; EAS; Escola Alcance, at iba pa.

Q. Inaabuso ng aking asawa ang aming (mga) anak. Saan ako maaaring humingi ng tulong?

A. Humingi ng tulong sa Tanggapan ng Konsultasiyong Pambata (Jidō Sōdanjo), na matatagpuan sa ika-4 na palapag ng Gusali ng Pangkalahatang Pangasiwaan (Sōgō Chōsha).

Q. Inaabuso ako ng aking asawa. Saan ako maaaring humingi ng tulong?

A. Pumunta at humingi ng tulong sa inyong lokal na Dibisiyon ng Kapakanang Panlipunan (Shakai Fukushi Ka).

Q. Gusto kong mag-aplay para manirahan sa munisipal na pabahay.

A. Ang aplikasyon ay ginagawa 4 na beses kada taon. (tuwing buwan ng Mayo, Agosto, Nobyembre at Pebrero)
*Para sa mga detalye ng iskedyul ng aplikasyon, kumonsulta sa mga pampublikong abiso, Dibisyon ng Pabahay (Jutaku Ka), o ang Hamamatsu City Municipal Housing Center.

Q. Gusto kong mag-aplay para sa paninirahan sa pabahay pamprepektura.

A. Mangyari lamang pong konsultahin ang Shizuoka Prefectural Public Housing Provision Corporation (Shizuoka Kenritsu Jūtaku Kyōkyū Kōsha) na matatagpuan sa ikasiyam na palapag ng Gusali ng Administrasyong Pangkalahatan (Sōgō Chōsha).

 Bumalik sa Itaas