CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Mga Madalas na Katanungan > Mga katanungan tungkol sa pangaraw-araw na pamumuhay

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Mga katanungan tungkol sa pangaraw-araw na pamumuhay

Q.Wala sa aking pinagiwanan ang aking bisikleta (o motorsiklo, atbp.). Ano ang aking gagawin?

A.Maaaring ito ay nanakaw, o kaya naman ay tinanggal ng mga awtoridad dahil maaaring nailagay ito sa isang lugar na bawal paradahan.

Kung ang iyong bisikleta/motorsiklo ay nailagay sa Municipal Bicycle Depot (Jitensha Hokansho), gawin ang mga sumusunod upang makuha muli ito:

(1) Kontakin ang Municipal Bicycle Depot
sa: Hamamatsu-shi Chūō-ku Kitaterajima-cho 617-6
Tel 053-458-7671
(2) Kung kukunin ang iyong bisikleta/motorsiklo, magdala ng
pambayad (bisikleta: 1020 yen; motorscooter: 2050 yen; motorsiklo: 4110 yen); iyong susi; iyong personal seal (hanko or inkan); anumang pagkakakilanlan (Alien Registration Card, lisensiya, etc.); at ang Notipikasiyon mula sa Municipal Bicycle Depot (kung may naipadala sa iyo).
*Ang pagkuha ay maaari lamang gawin tuwing karaniwang araw, 8:30-17:15.
Sarado ang depot tuwing katapusan ng linggo at mga pista.

Q.Gusto kong matuto ng Japanese. Saan ako maaaring makakuha ng instruksiyong tungkol sa wikang Hapones?

A.Maaaring makapag-aral ng Japanese mulsa sa Hamamatsu Foundation for International Communication and Exchange (HICE) o sa Sentrong Sumusuporta sa Pag-aaral ng Residenteng Dayuhan ng Hamamatsu.

Q.Interesado akong makilahok sa mga gawain ng international exchange. Ano ang aking gagawin?

Mangyaring kontakin ang Hamamatsu Foundation for International Communication and Exchange (HICE) (maaaring makipag-usap sa iba pang lenggwahe maliban sa Japanese):
Adres: Chūō-ku Hayauma-cho 2-1 CREATE Hamamatsu 4F
TEL: 053-458-2170
Web:http://www.hi-hice.jpPanlabas na mga Kawing/Magbubukas ng panibagong window.
*May 20,000 residenteng hindi Hapon ang Hamamatsu, kabilang ang mga mula sa Brazil, Indonesia, Vietnam, China, America, Australia at iba pang mga bansa.

Q.Saan ako maaaring makakalap ng impormasiyon tungkol sa mga isyu sa pamumuhay at usaping legal?

A. Nangangailangan ito ng abiso.

Para sa payo tungkol sa pamumuhay:

Ang mga legal na payo tungkol sa pangaraw-araw na mga usapin ay makukuha sa HICE tuwing huling Huwebes ng bawat buwan (mangyaring magbigay ng paunang abiso para dito).
Web:http://www.hi-hice.jpPanlabas na mga Kawing/Magbubukas ng panibagong window.
TEL: 053-458-2170

Para sa mga payo tungkol sa usaping legal:

Ang mga legal na payo tungkol sa pagpapakasal, insurance, mga aksidente, etc., ay makukuha sa Hōterasu.
Mangyaring pumunta na may kasamang taga-salin sa Hapon at magpaabiso
Web:http://www.houterasu.or.jp/en/Panlabas na kawing/Magbubukas ng bagong window.
TEL: 050-3383-5410

Q. Hindi nakolekta ang inilabas kong basura. Bakit?

A. Maaaring nangyari ito dahil sa isa sa mga sumusunod na dahilan:

1. Nailabas mo ang iyong basura sa maling araw

Ang araw ng pangungolekta ng basura ay iba-iba base sa iyong tinitirhang lugar; kumpirmahin ang mga araw ng koleksiyon ng basura sa inyong lugar.

2. Hindi maayos ang paghihiwalay ng iyong basura.

Maaaring may nakadikit na pulang “Rule Violation” [rūru ihan] sticker iyong basurahan; mangyari lamang na sundin tamang paaran ng pagtatapon ng basura sa susunod na mga pagkakataon.

3. Maaaring ang uri ng iyong basura ay hindi talaga kinukuha ng inyong munisipal na taga-kolekta ng basura.

Kung nais magtapon ng kahit anong de-kuryenteng gamit (telebisyon, pridyider, washing machine/dryer, airconditioner o PC), maaaring sundan ang kawing sa susunod na tanong.

Q.Gusto kong magtapon ng de-kuryenteng gamit (telebisyon, pridyider, washing machine/dryer, airconditioner o PC). Ano ang aking gagawin?

Hindi talaga kinukuha ng mga munisipal na taga-kolekta ng basura ang mga itinapong de-kuryenteng gamit. Maaaring maitapon ang mga ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

Telebisyon, pridyider, washing machine/dryer, o airconditioner

●Pagpapatulong sa mga tindahan ng aplayanses na itapon ang iyong gamit para sa'yo:
Ang iyong mga de-kuryenteng gamit ay maaaring itapon ng isang propesyunal na taga-kolekta/taga-recycle, recycle shop o ang pagbibilhan mo ng bagong appliance
●Sariling pagtatapon:
1.Bumili ng Recycle Fee (risaikuru ryōkin) stamp sa iyong lokal na post office at kumuha ng Katibayan ng Pagbabayad (harai komi shōmeisho)
(ang pagpo-proseso ng kabayaran ay may karagdagang bayad).
2.Dalhin ang iyong aplayans sa aprubadong tapunan
Mga dapat dalhin:Aplayans kasama ng Recycle Ticket at Katibayan ng Pagbabayad
Mga Lugar-Tapunan:Hamamatsu Metal Work Cooperative o Nippon Tsū’Un, Inc., Hamamatsu Branch Hamamatsu Butsuryū Sentā
Oras ng Operasiyon: Karaniwang Araw: 9:00-noon, 13:00-17:00;
Sabado:9:00-12:00、13:00-15:00

Mga PC

Kontakin ang Tagagawa ng PC para sa pagtatapon.

Q. Nais ko ng kaalaman tungkol sa aksidenteng pang-trapiko.

A. Maaaring makakuha ng payo (wikang Japanese lamang) sa Citizen's Counseling Center (Kurashi no Sentā)(TEL: 053-457-2635)

Sa Pinakataas na Pahina