CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Medikal at Kalusugan > Mga bagay na nais mong malaman

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Mga bagay na nais mong malaman

Impormasyon tungkol sa AIDS

AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome)

Kalagayan sa lungsod ng Hamamatsu

Ang bilang ng mga taong nagkaka-HIV at ng mga pasyenteng nagkaka-AIDS ay nasa mula sampu hanggang dalawampung katao taun-taon. Sa hindi pagkakaalam na mayroong HIV ang sarili, dumarami ang porsyento ng nagkakaroon ng AIDS at malalaman sa unang pagkakataon na sila ay nagkaroon ng "biglaang AIDS". Maging sa mga naiuulat na ibang tao, mukhang maraming tao rin ang hindi alam na sila ay nahawaan na dahil hindi sila nagpapa-checkup.

Anong Uri ng Sakit Ito?

Ang HIV, pinaikling tawag sa Human Immunodeficiency Virus, ay nakilala noong 1983 bilang pangunahing pathogen na nagdudulot ng AIDS. Ito ay nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ang sakit na ito ay kumalat sa buong mundo sa pamamagitan ng batang henerasyong aktibo sa pakikipagtalik sa panahong ito ay nalaman. Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga may dala ng sakit na ito sa Asya, kabilang ang Japan, ay tumataas.
Ang HIV ang sanhi kung bakit ang immune system ng katawan ng tao ay tumitigil sa normal na paggana nito, at nagkakaroon ito ng iba't ibang sakit na hindi niya karaniwang nakukuha kapag siya ay malusog. Gayunpaman, ang HIV ay hindi lubhang nakahahawang sakit, ibig sabihin ay hindi mahahawa ang isang tao ng virus sa pamamagitan lamang ng simpleng pagsalamuha sa taong mayroon nito sa paaralan o trabaho.

Ruta ng Impeksyon

Ang HIV ay maaaring matagpuan sa malaking dami ng dugo, gatas sa suso, tamod at hima ng taong may HIV.
1.Ang HIV na nasa semilya, vaginal secretion at dugo pag pakikipagtalik ay nakakadulot ng impeksyon na nagmula sa ari, puwet at mucous membrane ng bibig. Karamihan ng kaso ng impeksyon ay mula sa pakikipagtalik.
2.Maaaring mangyari ang transmisyon sa pamamagitan ng dugo kung ang karayom na ginamit sa pagdodroga ng isang nahawahang tao ay gagamiting muli ng iba.
3.Kapag ang ina ay may HIV, ang anak ay magkakaroon din ng HIV sa panahon ng pagbubuntis ng ina o sa panahon ng kanyang panganganak. Habang ang mga sanggol ay maaari ring mahawahan ng sakit na ito kapag sumususo, ang HIV ay hindi isang namamanang sakit.

Mga sintomas

Kahit na makakuha ng HIV hanggang sa maging AIDS, maaaring lumipas ang halos sampung taon na walang sintomas ng sakit. Sa panahong ito, walang partikular na mga pansariling sintomas, at ang isang tao ay maaaring patuloy na mamuhay nang normal, maliban na lamang sa pagsailalim sa regular na pagsusuring medikal ng isang doktor. (Mga taong nahawahan ng HIV) Subalit kapag hindi alam ng isang tao na siya ay nahawahan, madaling naipapasa ang HIV sa ibang tao.
Kapag ang immune system ay tumigil sa normal na paggana nito, ang mga virus at bakteryang hindi naman sana nakasasama, ay sumasalakay sa katawan at dumarami, na sanhi upang ang isang tao ay mahawahan ng HIV. Ito ay tinatawag na Immune Reconstitution Syndrome.
Ang mga pagsusuri sa dugo ay kailangan upang malaman kung ikaw ay nahawahan, ngunit maaaring tumagal ng 6-8 linggo bago makita ang mga antibodies sa dugo. Kapag ikaw ay sinuri nang masyadong maaga, maaaring maging mali ang resulta. Kung hinala mong nahawahan ka, mas mainam na maghintay ka ng mga 3 buwan bago ka magpasuri.

Medikal na Panggagamot

Sa kasalukyan ay walang partikular na gamot ang nakagagaling sa AIDS. Subalit, dahil sa pag-unlad ng mga gamot na sumusugpo sa pagsisismula ng AIDS, ay pagsulong ng mga gamot para sa Immune Reconstitution Syndrome, posible nang gamutin ang panghihina ng immunte system. Dahil sa iba't ibang bagong gamot na sunud-sunod na nagagawa, pinaniniwalaang darating ang araw na ang pagsisimula ng AIDS ay maaari nang gamutin sa buong buhay ng isang apektadong tao.

Mga Pamamaraan ng Pag-iwas

Ang hindi pagpapapasok ng HIV sa loob ng katawan ang pag-iwas sa impeksyon. Kaya tuwing makikipagtalik ay iwasan ito. Maaaring mahawa ang kahit sinong makikipagtalik ng walang pag-iwas. Ang condom ay mabisa sa pag-iwas sa impeksyon. Siguraduhing gamitin ng tama ang condom.

Iba Pang Uri ng Sexually Transmitted Diseases (STDs)

Chlamydia infection, gonorrhea, herpes, genital warts, syphilis, atbp.
Sa lahat ng mga sakit na ito, chlamydia infection ang pinakakaraniwang naiuulat na sakit sa Japan. Kamakailan lang, ang bilang ng mga kasong naiulat sa mga kabataang babae ay tumataas at maaaring humantong sa pagkabaog.
Isa sa mga problema sa chlamydia infection ay marami sa impektado nito ang wala ni anumang sintomas. Nakakapag-alala ang ang dumadaming bilang ng impeksyon lalo na sa mga kabataang nasa edad sampu hanggang mga bente pataas.
Ang mga taong nahawahan ng STD ay mas maraming beses na maaaring mahawahan din ng HIV.

Sentro ng Pangangalagang Pangkalusugan ng Hamamatsu para sa Pagpapasuri ng Dugo para sa AIDS at Iba pang STD

Nagsasagawa ng blood test at konsultasyon para sa mga taong nag-alala na baka may impeksyon sila.

Para sa anumang katanungan tumawag sa:

Sentrong Pangkalusugan ng Hamamatsu, Dibisyon ng Pampublikong Hygiene at Kalinisan

Sa Pinakataas na Pahina

Impormasyon tungkol sa Tuberkulosis

Kumuha ng tamang impormasyon upang makaiwas sa Tuberkulosis. Mayroong 170 milyong tao sa buong mundong apektado ng Tuberkulosis.

Paano Naipapasa ang Tuberkulosis?

Ang tuberkulosis ay isang nakahahawang sakit na maaaring maipasa kanino man.
Kapag ang mga nahawahan ng sakit ay bumahing o umubo, ang mga partikel na laway na naglalaman ng tubercle bacillus ay tumatalsik sa hangin. Samakatuwid, ang sakit ay naipapasa sa iba kapag ang mga partikel ng bacillus ay nalanghap.
Gayunpaman, kapag ang bacillus na ito ay nalanghap ngunit hindi naman nakarating nang mas malayo sa ilong, lalamunan o bronchial tube, ang tao ay hindi naman mahahawahan ng sakit.
Tinataya ring 2 lamang sa 10 taong nakakakuha ng sakit na ito ang ganap na nahahawahan. Kapag ang panlaban ng tao laban sa mga sakit ay humina, may mas mataas na tsansang siya ay mahawahan.

Walang patid at masakit na ubo ang unang senyales na babala.

Ang tuberkulosis ay nagsisimula sa mga sintomas na kaparehas ng sa sipon kagaya ng pag-ubo, plema, pagkahapo, at lagnat.
Kung nagkaroon ka ng walang patid at masakit na ubong hindi nawawala, siguraduhing magpatingin sa doktor.
Ang pagkilala at paggamot sa sakit na ito sa lalong madaling panahon ang pinakamabisang gamot.

Siguraduhing sasailalim ka sa mga pangkalusugang pagsusuri.

Siguraduhing mayroon kang mga X-rays ng dibdib.

Mga Kategoryang Pangkalusugan at Mahahalagang Tao   Mga Lokasyon para sa mga Pagsusuring Medikal Bayad Mga Kinakailangang Item
Tuberkulosis at Kanser sa Baga para sa Edad 16 Pataas X-Ray sa Dibdib Kapag ang X-Ray Bus ng Sentrong Pangkalusugan ay bumibisita sa iba't ibang lugar Libre Kard ng Pagsusuri sa Kalusugan ng Residente (maaaring magamit din sa mismong lugar)

Ang pag-inom ng niresetang gamot nang tuluy-tuloy sa isang partikular na panahon ang pinakamabisang paraan ng paggamot

Mayroong nang mga epektibong maiinom na gamot na nakapagpapagaling ng Tuberkulosis. Ang pag-inom ng 3 – 4 na uri ng mga gamot sa mahigit na 6-9 na buwan ay maaaring makagamot ng tuberculosis.
Kung walang bacillus sa plema ng nahawahan, posibleng gamutin ang sakit nang hindi na kinakailangan pang maospital.
Kailangang patuloy mong inumin ang iniresetang gamot hanggang sa sabihin ng doktor na ikaw ay ganap nang magaling.

Para sa anumang katanungan tumawag sa:

Sentrong Pangkalusugan ng Hamamatsu, Dibisyon ng Pampublikong Hygiene at Kalinisan

Sa Pinakataas na Pahina

Huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Kailanman!

Ang kilabot ng bawal na gamot ay higit pa sa panganib na dala nito sa mental at pisikal na kalusugan ng isang indibidwal. Ito ay lumalawig palabas ng lipunan, nagdudulot ng karahasan sa tahanan at pagkawasak ng mga pamilya, at mga trahedya gaya ng pagpatay at panununog. Sa hindi tamang paggamit ng narcotic drugs at stimulants at hindi pagtigil nito, at sa paulit-ulit na paggamit nito, makakakita ng bagay na hindi naman umiiral, maiisip na katotohanan ang isang bagay na hindi posible at ang nanganganib na masakit ng tao at masaktan ang sarili.
Ang mga taong sumubok na gamitin ito ay nagiging adik sa paggamit nito at nasisira ang kaisa-isang buhay.

Ang stimulants, cannabis, MDMA, specified drugs, at organic solvent ay mga nakakatakot na gamot.

Amphetamine
Amphetamine Ang organic solvent ay tinatawag na "S" at "Speed", at may mataas na posibilidad na hindi na maitigil kahit sa mga gamot na hindi tama ang paggamit, at kapag paulit-ulit na ginamit ay magiging sanhi ito ng disgrasya sa dibdib at hindi na maaari pang makapamuhay nang normal.
Cannabis (marijuana)
Cannabis (marijuana) Ang Marijuana ay binubuo ng tuyong dahon ng cannabis at ito ay kilala bilang "paso", "damo", o "weed." Ang Hashish ay pinatigas ng dagta ng cannabis at kilala rin bilang "hash." Ang dalawang ito ay nagdudulot ng mga abnormal na mga pakiramdam, hindi makatwirang pananabik, at depresyon. Ang paulit-ulit na paggamit ay maaring humantong sa "amotivational syndrome", kung saan ang isang tao ay nawawalan ng pagnanais na gumawa ng kahit ano at manatiling nakahiga na lamang.
MDMA
MDMA MDMA ay isang nakakatakot na tableta ng bawal na gamot, kilala rin bilang "ecstasy", "E", o "X", na sabay na nagdudulot ng halusinasyon at pananabik. Ang pag-abuso rito ay maaring humantong sa pagkalito, depresyon, hirap sa pagtulog, pagkabalisa, na minsan ay tumatagal ng ilang linggo. Ito ay nagdudulot din ng dehydration, mataas na blood pressure, at hindi maayos na pag-andar ng puso at atay.
Scheduled drugs
Ang scheduled drugs ay may chemical structure na katulad ng mga sangkap sa cannabis at stilumant, at dahil sa pagka-excite o pagsugpo sa central nervous system at epekto ng guniguni, ito ay nagdudulot ng mga malalang sakit tulad ng kombulsyon, pinahinang kamalayan, hirap sa paghinga, atbp, at ang pinakamasaklap ay maaaring makamatay.
Insenso
Insenso
bango
bango
herbs
herbs
bath salt
bath salt
Mga organikong solvent
Mga organikong solvent Pag-abuso ng paint thinnerm toluene, glue, at ibang pang mga organikong solvent na nakapipinsala sa utak (central nervous system). Ito ay maaring magdulot ng pagkabulag, pagkasira ng ngipin, pamamanhid at hindi magamit na mga paa at kamat, anemia, at, sa pinakamasamang kaso, kamatayan. Ang patuloy na pag-abuso rito ay pumipigil sa malusog na pag-unlad ng isipan at katawan.

Ligal na pagbabawal sa paggamit ng bawal na gamot

(Ito ay hindi isang komprehensibong direktoryo ng mga parusa. Nakasulat lamang dito ang ilang mga parusa hinggil sa paggamit ng mga pangkaraniwang ipinagbabawal na mga gamot at mga kaparehang mga gawain.)

Batas Droga Paglinang Pamamahagi o Pagtanggap Pag-aari Paggamit
Batas sa Pagkontrol ng Stimulant Mga Stimulant (hal. amphetamine)   Di-komersyal: hanggang 10 taong pagkabilanggo
Komersyal: hindi bababa sa 1 taong limitadong-terminong pagkakakulong
Karagdagang multa na aabot sa 5 milyong Yen depende sa mga pangyayari
Batas sa Pagkontrol ng mga Narcotic at Psychotropic Heroin   Di-komersyal: hanggang 10 taong pagkabilanggo
Komersyal: hindi bababa sa 1 taong limitadong-terminong pagkakakulong
Karagdagang multa na aabot sa 5 milyong Yen depende sa mga pangyayari
Iba pang mga ipinagbabawal na gamot (morphine, cocaine, MDMA)   Di-komersyal: hanggang 7 taong pagkabilanggo
Komersyal: hindi bababa sa 1 taong limitadong-terminong pagkakakulong
Karagdagang multa na aabot sa 5 milyong Yen depende sa mga pangyayari
Batas sa Pagkontrol ng Cannabis Cannabis (marijuana) * Di-komersyal: hanggang 5 taong pagkabilanggo
Komersyal: hanggang 7 taong pagkabilanggo
Karagdagang multa na aabot sa 2 milyong Yen depende sa mga pangyayari
 
Batas pang Pharmaceuticals at Kagamitan pang Medical Scheduled drugs   Krimeng walang kita: Pagkakabilanggong hindi hihigit sa tatlong taon o kaya multang hindi hihigit sa tatlong milyong Yen o ang kombinasyon nito
Krimeng may kita: Pagkakabilanggong hindi hihigit sa limang taon o kaya ay multang hindi hihigit sa limang milyong Yen o ang kombinasyon nito
 

* Di-komersyal: hanggang 7 taong pagkabilanggo
Komersyal: hanggang 10 taong pagkabilanggo, karagdagang multa na aabot sa 3 milyong Yen depende sa mga pangyayari

Pagkandili at Paglaban

 Habang tumatagal ang paggamit mo ng mga ipinagbabawal na gamot lalo kang nagiging palaasa sa mga ito. Partikular sa mga stimulant, may matinding psychic dependence kung saan hindi pwede ang kawalan nito. Maraming mga kadahilanan upang mahirapang itigil ang paggamit ng mga ipinagbabawal na mga gamot, may mga taong nagsasabing hindi nila malimutan ang pakiramdam ng pagdaloy ng likido sa kanilang mga ugat mula sa karayom. Subalit, ang karamihan ng mga tao ay hindi maitigil ang paggamit nito hindi dahil nais nilang malulong sa droga, bagkus sila ay desperadong makatakas sa mental at pisikal na paghihirap sanhi mga sintomas ng pagtigil sa paggamit nito na nagaganap kapag ang bisa ng ipinagbabawal na gamot ay nawala na. At saka habang tumatagal ang paggamit mo ng ipinagbabawal na gamot mas lalo kang nagiging palaban sa mga epekto nito. Kailangan mong patuloy na itaas ang dosis ng bawal na gamot na iyong ginagamit at ang dalas ng paggamit mo nito upang makamit ay ninanais na epekto. Ang walang katapusang suliranin sa pagkandili at paglaban sa ipinagbabawal na gamot ay nangangahulugang hindi magawang itigil ng mga tao ang paggamit nito kahit pa naisin nila.

Flashback

Kung sakaling, sa pamamagitan ng paggagamot sa ospital, ang gumagamit ng bawal na gamot ay makawala sa tanikala ng pagkandilo at paglaban dito, hindi ibig sabihin nito na sila ay makakabalik na sa estado ng kalusugan na mayroon sila bago pa magsimulang gumamit ng mga ito. Kahit pa mukhang sila ay nakabalik na sa normal na pamumuhay, may mga kaso pa rin ng sikolohikal na pagkabagabag gaya ng kahibangan at halusinasyon na nagaganap kahit sa pinakamaliit na estimulo. Ang mga ito ay tinatawag na flashback, na maaring maging sanhi ng pinakamaliit na estimulo sa araw-araw na pamumuhay gaya ng stress at pag-inom ng alak. Ang mga epekto ng paggamit ng bawal na gamot ay maaring permanente.

Ang mga masasamang epekto ng droga sa ating katawan

akueikyou

* Sa kaso ng scheduled drugs, may pangamba ng pagpapakita ng mga sintomas na ito at ang kombinasyon ng mga ito.

(Talagang bawal) Mapanganib na gamot

danger

Ang mapanganib na gamot ay binebenta gamit ang mga pangalang "legal na droga" at "legal herbs", subalit ito ay sadyang napakadelikadong gamot. Ipinagbibili ito sa mga tindahan at internet gamit ang mga pangalang "insenso", "bango", "bath salt", kaya ito ay nagbibigay ng maling kaalaman na ito ay ligtas. Subalit ang katotohanan ay may nilalaman itong sangkap na tulad ng chemical structure ng mga regulated drugs gaya ng narcotics, stimulants at cannabis.Tulad ng narcotics at stimulants, ito ay isang nakakatakot na substansyang sumisira ng buhay ng tao.

Halimbawa ng mapanganib na gamot

Insenso
Insenso
bango
bango
herbs
herbs
bath salt
bath salt

Huwag na huwag gagamitin ang mapanganib na gamot!!pinahinang

Kapag gumamit ng mapanganib na gamot, ito ay nakakapagdulot ng mga malalang sakit tulad ng kombulsyon, pinahinang kamalayan, hirap sa paghinga, atbp., at ang pinakamasaklap ay maaari itong makamatay. Bukod pa rito, maaaari rin itong magdulot ng di pangkaraniwang gawain at makapahamak ng ibang tao. Ang epekto nito sa katawan ay walang pinagkaiba sa narcotics at stimulants. Sa kabilang banda, maaari ring may laman itong mas delikadong mga sangkap. Sunod-sunod na nagaganap sa buong bansa ang mga panganib sa kalusugan at aksidente sa trapiko. Maging sa lungsod na ito ay nagaganap ang mga aksidente sa trapiko na dulot ng mga gumagamit ng mapanganib na gamot.

Dagdag pa rito, dahil sa mura at madaling makuha ang mga ito, hindi kakaunti ang mga taong magaan ang pakiramdam na maging sangkot dito. Mali ang isipin na ayos lang itong gawin dahil sa hindi ito regulated at kapag gumamit ka ng mapanganib na gamot kahit isang beses lamang, ito ay hahantong sa "pagdedepende sa droga" at may panganib na ito ay maging pagkakataon upang maging abusado sa paggamit ng cannabis at stimulants.

Labag rin sa batas maging ang simpleng pagmamay-ari ng scheduled drugs

Ang scheduled drugs ay may chemical structure na katulad ng mga sangkap sa cannabis at stilumant, at dahil sa pagka-excite o pagsugpo sa central nervous system at epekto ng guniguni, ito ay nagdudulot ng mga malalang sakit tulad ng kombulsyon, pinahinang kamalayan, hirap sa paghinga, atbp, at ang pinakamasaklap ay maaaring makamatay. Mula ng ika-unang araw ng Abril 2014, bukod sa pang-aangkat, paggawa at pagbebenta ay ipinagbawal na rin ang pagmamay-ari, paggamit, pagbili at pagpapamana nito. Kapag nilabag ito ay magkakaroon ng hindi hihigit sa tatlong taong pagkakabilanggo o kaya multang hindi hihigit sa tatlong milyong Yen o ang kombinasyon nito. (Kapag ang krimeng ay may kita: Pagkakabilanggong hindi hihigit sa limang taon o kaya ay multang hindi hihigit sa limang milyong Yen o ang kombinasyon nito)

Sa mga uri ng mapanganib na gamot, sa narcotics at scheduled drugs, maraming mga gamot ang may sangkap na katulad ng sa scheduled drugs

Wag bumili, gumamit, at magpaimpluwensya sa mapanganib na gamot!!

Pag-iwas sa Pag-abuso ng Bawal na Gamot

 Ang pag-abuso sa bawal na gamot ay tinatawag ding drug addiction at ito ay isang medikal na kondisyon. Dahil sa ito ay isang medikal na kondisyon, hindi ito maaring lubos na magamot sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng mga taong malapit sa taong adik sa bawal na gamot. Ang taong adik sa bawal na gamot ay dapat na amining siya at naging adik na sa bawal na gamot. Mahalagang ang taong adik sa bawal na gamot ay gumawa ng mga naaangkop na hakbang at para na rin ang pamilya ay hindi magbigay ng labis na pagkalinga. Ang mga sumusunod ay ang mga batayang pag-uugali at kapaligiran na ang mga bata ay dapat na regular na makasalamuha upang maiwasan ang pagkakalulong sa mga ipinagbabawal na gamot.

  1. Palaging may komunikasyon ang magulang at anak
  2. Magtipon-tipon at sama-samang pag-usapan ang problema bilang isang buong pamilya.
  3. Pagtutulungan ng paaralan at ng mga magulang. Makipag-ugnayan sa kaukulang espesyalista matapos makita ang kalagayan.
  4. Wag masyadong mangialam. Pagmasdan ang pagbangon nang mag-isa.
  5. Wag kalimutang magkaroon ng tiwala sa isa't isa. Siguraduhing gawin ang mga napag-usapan.
  6. Wag magmadaling gumawa ng lunas. Tanggapin kung ano ang mahalaga sa taong iyon. Maniwala nang may kasamang pagmamahal sa kakayahan ng bata na makabangon at lumago.

Pagpapayo sa Bawal ng Gamot ng lungsod ng Hamamatsu

Sentrong Pangkalusugan ng Hamamatsu, tel 053-453-6135

Sa Pinakataas na Pahina