CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Medikal at Kalusugan > Mga Pangkagipitang Serbisyo Medikal

ここから本文です。

更新日:2022年3月8日

Mga Pangkagipitang Serbisyo Medikal

Kung sakaling magkaroon ng biglaang pagkakasakit o aksidente sa daan, tumawag sa 119 para sa serbisyong ambulansya.

Pangkagipitang Klinika sa Gabi

Hamamatsu Yakan Kyukyushitsu (matatagpuan katabi ng Sentrong Pangkalusugan)
311-2 Tenma-cho,Chūō-ku Tel 053-455-0099
Magtungo rito kung ikaw ay biglang magkasakit o mapinsala sa gabi o sa hapon ng Sabado.
(Walang magagamit na tagasalin, kaya mangyari lamang na humingi ng tulong sa sinumang nakauunawa ng Hapones upang tumawag para sa iyo.)

  • Mayroong isang doktor ng mga bata araw-araw mula 20:00 - 24:00
  • Magdala ng anumang gamot na lagi mong dinadala.
  • Magpatingin sa iyong regular na doktor o espesyalista kinabukasan.
  • Bibigyan ka ng gamot para sa isang araw.
  • Kapag ikaw na nasuri at nangangailangan ng mataas na lebel ng gamutan, ipaaalam sa iyo ang ikalawang pangkagipitan ospital.

Sa Pinakataas na Pahina

Tuwing Linggo at mga Piyesta Opisyal

Sentro ng Impormasyong Pangkagipitang Medikal Tel 0800-222-1199
(Walang magagamit na tagasalin, humingi ng tuloy sa sinumang nakakaintindi ng Hapon upang tumagaw sa ngayon mo.)

  • Susuriin ka ng isang doktor na naka-duty sa ospital ng responsable na magbukas sa gabi na ikaw ay tumawag.
  • Magdala ng anumang gamot na iyong iniinom hanggang sa araw bago ka magtungo sa ospital.

Sa Pinakataas na Pahina