Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pag-aaral ng Hapon > Sentrong Sumusuporta sa Pag-aaral ng Residenteng Dayuhan ng Hamamatsu
ここから本文です。
Update date:April 1, 2025
Kami na mga residente ng Hamamatsu, kapwa mga Hapon at mga dayuhan, ay nagnanais na gawin ang aming lungsod na isang dakilang lugar ng panirahan. Dito sa Sentrong Sumusuporta sa Pag-aaral ng Residenteng Dayuhan ng Hamamatsu na nagbukas noong 2010, kami ay nagtutulong-tulong para gawin ang ating multicultural na komunidad na kaaya-ayang tirahan sa pagbibigay ng suportang edukasyonal para sa mga hindi residente ng lungsod at pagbibigay pagsasanay sa mga boluntrayo ng wika ng Hapon.
Bilang isang komunidad na may pinakamalaking popoulasyon ng Brazilian, kami ay nagtutulong-tulong para magbigay suporta sa pangkalahatang edukasyon sa lahat ng edad na hindi residente ng Japan. Dito sa aming Sentro, pinakakalat namin ang mga kawani sa mga non-Japanese na paaralan sa lungsod para sa pagtuturo ng lengguwahe ng edukasyon, at may mga sesyon din kami ng Japanese language instruction na dinadaluhan mula sa iba't ibang bansa.
Pakikiisa sa Sentro ng Hamamatsu Multikultural, tayo ay nagtatrabaho upang maging kakaiba ang komunidad ng Hamamatsu.
Maaring magtungo sa site na ito para sa karagdagang impormasyon.
Ang pangalwang palapag ay inookupa ng Mundo de Alegria, isang semi-incorporated na paaralan para sa mga bata na may kaalaman sa kultura ng Latin American. Ang paaralan ay tutok sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga gawain kasama ang edukasyonal na pasilidad sa unang palapag.
Ang aming mga aktibidad ay ginagawa sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng lokal na mga samahan at grupo sa aming Konseho ng Pamamahala ng Pasilidad.
Gumagana kasama ang suporta ng pambansa at prefektyural na mga opisiyal, ang mga gawaing pang-edukasyon ay pinangangasiwaan ng Center Management Council na tinatauhan ng mga ispesyalista sa pagtuturo ng wikang Hapon, mga boluntaryo ng NPO, at iba pa sa pakikipagtulungan ng aming mga residente.
Kami ay nagsasagawa ng mga pagtuturo sa klasrum ng kasanayang pang-wikang Hapon ng mga di-Hapong residente para makatulong sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga klaseng ginagawa ay nakabatay sa iba't ibang antas ng kakayahan, iskedyul, lugar, at pangangailangan sa pangangalagang pambata.
Nagsasagawa ng mga klase para sa mga nais maging boluntaryo sa edukasyong pangwikang Hapon.
Lunes-Biyernes
Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes 9:30-13:30
Martes, Huwebes 14:00-15:30
Mayroong iba't ibang klase ng mga Japanese na klase.
Para sa karagdagang detalye, pakitingnan ang 'Hamamatsu Multicultural Coexistence and International Exchange Portal Site (HAMAPO) '.
* Ang Hamamatsu Foreign Resident Study Support Centre ay gumagana sa pagtataguyod ng Hamamatsu Foundation for International Communication and Exchange.
〒431-0102 Shizuoka-ken, Hamamatsu-shi, Chūō-ku, Yuto-cho, Ubumi 9611-1
Tel. 053-592-1117
Fax. 053-592-1179-2170
Galing sa istasyon ng JR Hamamatsu, sumakay ng pa-kanlurang JR Tokaido papunta sa direksyon ng Toyohashi-Nagoya. Aabutin ng mga siyam na minuto bago makarating sa istasyon ng JR Maisaka. Aabutin ng sampung minutong paglalakad (1 kilometro) mula sa North Exit ng istasyon ng JR Maisaka.
Mula sa Gate 5 (Shitoro/Ubumi Line) sa istasyon ng bus na Entetsu JR Hamamatsu, sumakay ng “Number 20 Irino/Ubumi/Yamazaki Bus” o “Aeon Shitoro/Maisaka Eki” na bus. Aabutin ng 35 minuto ang pagbi-biyahe. Bumaba sa hintuan ng “Yūtō Chūgakkō Iriguchi” (Junior Hayskul ng Yuto Entrance”).
Mula sa sentro ng Hamamatsu, aabutin ng 20 minuto ang pagmamaneho (10 kilometro) gamit angHamamatsu/Yūtō Road. Mula sa Hamamatsu West Interchange (IC) ng Tomei Expressway, may 15 minuto ang pagmamaneho (8.5 kilometro) sa Prefectural Road 65 (Hamamatsu Beltline). Mula sa Magori Interchange (IC) ng Hamana Bypass, tatagal ng 5 minuto (2 km) ang pagmamaneho. Kapasidad ng paradahan: humigit kumulang 100 sasakyan.