Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Paggawa > Paano magtrabaho sa Hapon
ここから本文です。
Update date:March 8, 2022
Sa pagtatrabaho sa Hapon, kin akailangang mayroon kang estado ng paninirahan na nagbibigay ng pahintulot sa pagtatrabaho at ang deskripsiyon ng trabaho ay nakapaloob sa ibinibigay na trabaho para sa iyong estado.
Para sa mayroon ng permanenteng paninirahan, ang asawa o anak ng nasyonal na Hapon, asawa o anak ng permanenteng residente, o mayroong permanenteng tirahan ay walang limitasyon sa uri ng trabaho na papasukan nya sa Hapon. Ang mamamayan na mayroong estado ng paninirahan tulad ng sa itaas ay malaya ring magpalit ng trabaho.
Ang mga kalagayan naman tulad ng propesor, artista, mga gawaing panrelihiyon, mamamahayag, kapitalista/tagapamahala ng negosyo, lega/serbisyo sa akawnting, serbisyong medikal, mananaliksik, nagtuturo, inhenyiro, espesyalista sa humanidades/serbisyong internasyonal, paglipat sa intra-company, tagapag -aliw/mahusay na manggagawa at ang mga gawaing tinakda na nagpapahintulot ng mga gawaing pinagtibay ng Minsitro ng Hustisya kasama ang kasunduan sa araw na walang pasok at ang mga dayuhang manggagawa na nasa programa ng pagsasanay sa ilalim ng kategoryang ito.
Sa mga mayroong estado ng mag-aaral sa kolehiyong, ang hindi pa mag-aaral sa kolehiyo, dependent, mga gawaing pangkultura, pansamantalang bisita o nagsasanay ay kinakailangang makatanggap ng pahintulot upang makipagkasundo sa ekstrang kalagayan ng mga gawain ng paninirahan mula sa sangay ng imigrasyon ng bago ang pagtatrabaho.
Ang gawain maliban sa itinakdang kalagayan sa visa ay kailangang aprobado. Ang mamamayan ay maaaring magtrabaho hanggang 28 oras / linggo bilang tuntunin. Ang pagtatrabaho sa industriya ng pag-aaliw para sa adult ay hindi pinahihintulutan.
Ang gawain maliban sa itinakdang kalagayan sa visa ay kailangang aprobado. Ang mamamayan ay maaaring magtrabaho hanggang 4 oras / linggo bilang tuntunin. Ang pagtatrabaho sa industriya ng pag-aaliw para sa adult ay hindi pinahihintulutan.
Kung ang gawain maliban sa itinakdang kalagayan sa visa ay pinagtibay, ang mamamayan ay maaaring magtrabaho hanggang 28 oras / linggo bilang tuntunin.
Para sa detalyadong impormasyon, maaring tawagan si Hello Work Hamamatsu.
Tel. 053-457-5158