CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Paggawa > Segurong Manggagawa

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Segurong Manggagawa

Mayroong 2 uri ng kaseguruhan sa paggawa

Kaseguruhan sa Kompensasyon ng Manggagawang naaksidentee
(rosai hoken)

Kung ang manggagawa ay naaksidente sa oras ng kanyang trabaho, nagkasakit dahil sa uri ng kanyang trabaho o naaksidente sa pagbabyahe papunta o pauwi mula trabaho, maaari siyang makakuha ng benepisyo kung maisusumite nya ang mga kahingian.

Mga maaaring tawagan

Mangyaring tawagan ang Opisina ng Pamantayan sa Pamamahala sa Paggawa na tagapamahal ng iyong pinapasukan.

Opisina ng Pamantayan sa Pamamahala sa Paggawa ng Hamamatsu
* Mayroong tagapagsalin na Portuguese
8F Hamamatsu Godo Chosha, 1-12-4, Chuo,Chūō-ku, Hamamatsu-shi Tel. 053-456-8147
Oras ng opisina

Lunes-Biyernes 9:00–12:00 13:00–16:00

Kaseguruhan sa hanapbuhay

Nagbibigay ang kaseguruhan ng hanapbuhay ng benepisyo para sa mga walang hanapbuhay para sa ilang panahon na walang hanapbuhay ang manggagawa hanggang makahanap siya ng trabaho.

Pagsama sa Kaseguruhan ng hanapbuhay

Sa prinsipyo, lahat ng nagtatrabaho sa Hapon, hindi kasama ang ilang part-time at manggagwang maikling oras ng trabaho ay kinakailangang sumali sa kaseguruhan ng hanapbuhay.

Mga Kondisiyon sa Pagtanggap ng Benepisyo ng walang hanapbuhay

・Nakatanggap ng liham ng paghihiwalay ng kaseguruhan sa hanapbuhay mula sa iyong pinapasukan (rishokuhyo )
・Pumapayag na muling magtrabaho, at mayroong kakayahan na magtrabaho, at nasa kalagayan na kayang magtrabaho.

* Kailangang mag-apply sa opisina ng Hello Work na nangangasiwa sa lugar na nagtataglay ng mga adres na nakalista sa Residence Card.

 

Mga maaaring tawagan

Hello Work (Opisina ng Ligtas na Pampublikong hanapbuhay)
50-2 Asada-cho, Chūō-ku, Hamamatsu
Para sa impormasyon sa pagsali sa pagtawag sa kaseguruhan ng hanapbuhay Tel. 053-457-5153
Para sa impormasyon sa pagtanggap sa pagtawag sa kaseguruhan ng hanapbuhay Tel. 053-457-5154

Sa Pinakataas na Pahina