CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Paggawa > Paano magtrabaho sa Hapon

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Paano magtrabaho sa Hapon

Sa pagtatrabaho sa Hapon, kin akailangang mayroon kang estado ng paninirahan na nagbibigay ng pahintulot sa pagtatrabaho at ang deskripsiyon ng trabaho ay nakapaloob sa ibinibigay na trabaho para sa iyong estado.

 

Mga estado ng paninirahan ng walang restriksiyon sa tarabaho at industriya

Para sa mayroon ng permanenteng paninirahan, ang asawa o anak ng nasyonal na Hapon, asawa o anak ng permanenteng residente, o mayroong permanenteng tirahan ay walang limitasyon sa uri ng trabaho na papasukan nya sa Hapon. Ang mamamayan na mayroong estado ng paninirahan tulad ng sa itaas ay malaya ring magpalit ng trabaho.

Ang estado ng paninirahan kung saan ang mamamayang dayuhan ay maaaring limitadong magtrabaho sa ilang uri ng mga trabaho, mga Industriya o nilalaman ng trabaho

Ang mga kalagayan naman tulad ng propesor, artista, mga gawaing panrelihiyon, mamamahayag, kapitalista/tagapamahala ng negosyo, lega/serbisyo sa akawnting, serbisyong medikal, mananaliksik, nagtuturo, inhenyiro, espesyalista sa humanidades/serbisyong internasyonal, paglipat sa intra-company, tagapag -aliw/mahusay na manggagawa at ang mga gawaing tinakda na nagpapahintulot ng mga gawaing pinagtibay ng Minsitro ng Hustisya kasama ang kasunduan sa araw na walang pasok at ang mga dayuhang manggagawa na nasa programa ng pagsasanay sa ilalim ng kategoryang ito.

Ang mga estado ng paninirahan kung saan ang dayuhang mamamayan ay hindi pinahintulutang magtrabaho ng walang pahintulot

Sa mga mayroong estado ng mag-aaral sa kolehiyong, ang hindi pa mag-aaral sa kolehiyo, dependent, mga gawaing pangkultura, pansamantalang bisita o nagsasanay ay kinakailangang makatanggap ng pahintulot upang makipagkasundo sa ekstrang kalagayan ng mga gawain ng paninirahan mula sa sangay ng imigrasyon ng bago ang pagtatrabaho.

Sa Pinakataas na Pahina

Trabahong hindi buo ang oras

Estado ng paninirahan "nag-aaral sa ibang bansa":

Ang gawain maliban sa itinakdang kalagayan sa visa ay kailangang aprobado. Ang mamamayan ay maaaring magtrabaho hanggang 28 oras / linggo bilang tuntunin. Ang pagtatrabaho sa industriya ng pag-aaliw para sa adult ay hindi pinahihintulutan.

Kalagayan ng Paninirahan "Nag-aaral":

Ang gawain maliban sa itinakdang kalagayan sa visa ay kailangang aprobado. Ang mamamayan ay maaaring magtrabaho hanggang 4 oras / linggo bilang tuntunin. Ang pagtatrabaho sa industriya ng pag-aaliw para sa adult ay hindi pinahihintulutan.

Estado ng paninirahan "dependent":

Kung ang gawain maliban sa itinakdang kalagayan sa visa ay pinagtibay, ang mamamayan ay maaaring magtrabaho hanggang 28 oras / linggo bilang tuntunin.

 

Para sa detalyadong impormasyon, maaring tawagan si Hello Work Hamamatsu.
Tel. 053-457-5158

Sa Pinakataas na Pahina