CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Mga usapin tungkol sa pera

Q. Mayroon akong problemang pinansiyal dahil nabawasan ang aking sinasahod. Saan ako maaaring humingi ng payo ukol dito?

A. Makipag usap sa Social Welfare Division (Shakai Fukushi Ka) ng inyong ward na tinitirahan. (Seikatsu Fukushi Ka o Life Welfare Division para sa Chūō-ku.)

Q. Saan ako magfa-file ng aking taunang income tax form?

A. Ang inyong lokal na tanggapan sa pagbubuwis ay nagiiba base sa tinitirhan mong lugar. May dalawang tanggapan ng pagbubuwis sa Hamamatsu, ang Western District Tax Office (Nishi Zeimusho) at Eastern District Tax Office (Higashi Zeimusho). Puntahan ang alinmang sa mga tanggapang ito upang makakuha ng mga kinakailangan mong dokumento.
Mga Kawing ng Sanggunian: ●Pinal na Income Tax Return (kakutei shinkoku)

Q.Hindi ko pa natatanggap ang aking buwanang sahod mula sa aking amo. Saan ako maaaring humingi ng payo ukol dito?

A. Pumunta lamang sa Tanggapan ng Labor Standards sa Hamamatsu (Hamamatsu Rōdō Kijun Kantokusho) sa ika-8 palapah ng Gōdō Chōsha.

Q. Kailan ang pagdedeposito ng child care allowance?

A. may tatlong panahon ng pagbabayad kada taon:
Ang pagbabayad para sa Hunyo-Agosto ay ginagawa tuwing ika-14 ng oktubre.
Ang pagbabayad para sa Oktubre-Enero ay ginagawa tuwing ika-14 ng Pebrero.
Ang pagbabayad para sa Pebrero-Mayo ay ginagawa tuwing ika-14 ng Hunyo.
*Kung ang ika-14 ng buwan ay pumatak ng Sabado, Linggo, o pampublikong holiday, ang pagbabayad sa mga institusiyong pinansiyal ay ginagawa sa naunang business day.
*Ang pagbabayad ay itinitigil kung hindi ka nakapagpakita ng Ulat ng Kasalukuyang Kalagayan (genkyō todoke) tuwing Hunyo.
Kung sakaling hindi ka nakapag-file ng ulat na ito, kumonsulta lamang sa inyong lokal na Dibisiyon ng Panlipunang Kapakanan (Shakai Fukushi Ka).

Sa Pinakataas na Pahina