CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Mga uri ng Pagbabayad

Mga uri ng Pagbabayad

Ang mga taong pumasok sa planong pampublikong pensiyon ay tatanggap ng pensiyon sa mga sumusunod na kalagayan.
Mga tiyak na kondisyon ay dapat matugunan bago ka makatanggap ng pensiyon. Magtanong alinman sa Dibisyon ng Paseguraduhan ng mga Senior Citizen o sa Opisina ng Paseguraduhang Sosyal.

(1)Pensiong Pangmaykapansanan (shogai nenkin) kapag ikaw ay nagkaroon ng kapansanan

Matatanggap ito kapag ang taong naka enroll sa national pension plan ay nagkaroon ng paunang natukoy na kapansanan.
* Kahit na ang tao ay pumasok sa isang plano, ang bayad ay maaring di matanggap kung ito ay huli sa kanilang pagbabayad.

(2)Pensiyon ng Pangungulila (izoku nenkin ) kapag ang taong isiniguro ay namatay

Ito ay babayaran sa nangulilang pamilya kapag ang tao ay pumasok sa planong pensiyon.
* Ang mga nangulilang pamilya ay makatatanggap lamang ng mga pensiyon sa ilalim ng mga kondisyon.
* Ang mga bayad ay maaring di matanggap kahit na ang tao pumasok sa plano kung sila ay huli sa pagbabayad.

(3)Pension ng may edad (rorei nenkin ) para sa mga matatanda

Matatanggap ito kapag ang insurance fee ng pension ay nabayaran ng mahigit 10 na taon (kabuuan ng mga taon na nagbayad ng Employees’ pension, National Pension, at mga taon na eksemted sa National Pension).
Makakatanggap ang may edad na 65 pataas.
* May mga kaso na ang pensiyon ay maaaring matanggap sa edad na animnapu.

Sa Pinakataas na Pahina