Update date:March 8, 2022
Mga Taxi
Pagsakay ng Taxi
1. Tumawag ng taxi gamit ang telepono.
24 oras na may matatawag na taxi.
Mayroong bayad sa pagtawag pa lamang.
Maghintay ng taxi sa tamang pilahan.
Makikita ang mga ito sa mga lugar tulad ng istasyon, hotel, at malalaking ospital.
Pumasok at lumabas ng taxi sa otomatikong pintuan na nasa kaliwang bahagi ng taxi. Ang tsuper ang magbubukas at magsasara ng pintuan.
Sa Pinakataas na Pahina
Pamasahe sa Taxi
- Ang pamasahe ay nakadepende sa uri ng kotse at layo ng ibiniyahe. May dagdag na 20% ang pasahe kapag sumakay sa pagitan ng 10:00 ng gabi at 5:00 ng umaga.
- Ang pamasahe ay lalabas sa metro na nasa kaliwa ng tsuper.
Sa Japan, hindi nakagawiang bigyan ng tip ang tsuper.
- Kung sakaling may maiwan sa loob ng taxi, makipag-ugnayan sa kompanyang kinabibilangan ng nasakayang taxi.
Sa Pinakataas na Pahina