CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Mga bus

Entetsu Bus

Pinamamahalaan ng dibisyon ng bus ng Entetsu Railway ang mga bus sa Hamamatsu kabilang ang Hamamatsu Bus at Akiha Bus. Mayroong numero sa harapan ng mga bus na nagpapalinaw sa kanilang ruta. Ang oras ng pagdating at pag-alis ng mga bus ay makikita sa mga hintuan. Ang terminal ng bus ay makikita sa hilagang lagusan sa istasyon ng Hamamatsu, at mga bus ay nahahati sa mga hintuan ng isa para sa labing-anim depende sa kanilang mga destinasyon.

Pagsakay sa Bus

  • Sa mga hintuan ng bus, ipaalam na ikaw ay sasakay sa pamamagitan ng pagpara (pagtaas ng kamay). Hihinto ang bus para ikaw ay pasakayin.
  • Gamitin ang mga pintuan sa gitna ng bus.
  • Sa pagsakay, kunin ang maliit na tiket na lalabas mula sa isang makinarya na nasa gilid ng hagdan malapit sa pintuan. Ito ay tinatawag na seiri-ken kung saan may numerong nakalagay na nagsasabi kung saan ka sumakay. Huwag iwawala o itutupi ang tiket na ito. (Kung sakaling naiwala ang seiri-ken, ikaw ay pagbabayarin ng pinakamahal na pamasahe na nakalagay sa paskilan ng pamasahe.)
  • Pagkadating sa iyong bababaan, ilagay ang tiket sa kahon na nasa tabi ng tsuper. Maglagay ng eksaktong pamasahe na idi-display sa tsart ng pasahe.
  • Pindutin ang buton para malaman ng tsuper na ikaw ay bababa. Kapag huminto na ang bus sa iyong bababaan, ilagay ang seiri-ken sa kahong malapit sa drayber, tignan ang pamasahe at ilagay ang tamang halaga sa kahon bago bumaba.
  • Ang mga pamasahe ay nakapaskil sa unahan ng bus kaya't tingnan na ito kaagad upang maihanda ang eksaktong halaga bago bumaba.
    Kailangan ipaalam ng mga mag-aaral sa elementarya sa tsuper na sila ay mga mag-aaral kapag iniabot ang seiri-ken.
  • Gamitin ang makinarya sa panunukli sa tabi ng tsuper kung sakaling wala kang barya. Makakatipid sa pamasahe kung gagamit ng commuter pass lalo na kung araw-araw na sumasakay ng bus.

Commuter pass, Nice Pass

Kung sumasakay ng bus araw-araw, mas makakatipid kung gagamit ng commuter pass o Nice Pass. Nababawasan ng 30-40% ang pamasahe kapag gumamit ng commuter pass at 10% naman kapag Nice Pass.
Maaaring makabili ng commuter pass o Nice Pass sa kahit anong bilihan ng tiket sa terminal ng bus sa hilagang lagusan ng JR Hamamatsu Station at sa kahit saang tanggapan nito. Maaari ring mag-deposito sa mga vending machine at sa loob ng bus kung gumagamit ng Nice Pass.Sa paggamit ng pass, itapat lang ang tarheta sa makinarya sa pagsakay at pagbaba ng bus.Hindi na kailangan ng seiri-ken.

Pamasahe ng Bata (para sa mga mag-aaral sa elementarya)

Ang pasahe ng bata ay kalahati ng pasahe ng matanda at nakaround-off sa pinakamalapit na 10 yen.Makakalibre ang hanggang dalawang bata (mas bata kesa mag-aaral ng elementarya) na kasama ng isang matanda. Kelangan nang magbayad ang mga batang lampas sa dalawa base sa pasaheng pambata.

Student pass, Nice Pass (tarheta para sa estudyante)

*Kailangan ng student ID o school commute certificate kapag bumili.

Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan sa:
JR Hamamatsu Station Bus Terminal Ticket Center Tel. 053-455-2255
Mga Oras

Lunes-Biyernes 7:00 - 19:00, Sabado at mga pista 8:00-19:00

Sa Pinakataas na Pahina