CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Mga tren

JR

Ang Istasyon ng JR Hamamatsu ay sinesrbisyohan ng Tokaido Line at ng bullet tren (Shinkansen). Ang Tokaido Line ay maginhawa sa paglalakbay at pinaikli ang biyahe. Sa lahat ng istasyon ay parehong mayroon pataas (agari) na mga tren at pababa (kudari) na mga tren. Sa kaso ng Hamamatsu, ang Tokyo ay pataas (agari) at ang Osaka ay pababa (kudari).

Ang Bullet Train (Shinkansen)

Ang Tokaido/Sanyo bullet tren ay tumatakbo mula Tokyo hanggang Hakata sa Kyushu.
Ang byahe pauntang Tokyo o Osaka galing Hamamatsu ay inaabot ng dalawang oras sa tren ng Kodama.
Mula Tokyo ay may mga tren ng bullet tren papuntang Rehiyon ng Tohoku, Yamagata, Akita, Joetsu at Nagano.

Mga Tren na Lokal

Ang linya ng Tokaido ay nagdudugtong sa Tokyo at Osaka.
Nagdudugtong din ito sa marami pang istasyon ng JR, gayundin sa mga pribadong linya, na nakakapagpaginhawa sa paglalakbay at biyaheng pangnegosyo.
Sa lokal na tern mula Hamamatsu, inaabot ito ng halos isang oras papuntang Shizuoka at halos dalawang oras papuntang Nagoya.

Pamasahe

Ang pamasahe para sa karaninwang tren ay ipinagpapalagay na batayang pamasahe.
Kapag ginagamit ang express, super-express, at kapag nagpapareserba ng upuan o nakasakay sa sleeper train, may iba pang bayad na idaragdag sa batayang pamasahe.
Halimbawa, kapag sumakay ng bullet tren,ang super-express na tiket ay kinakailangan dagdag pa sa batayang pamasahe.
May mga pagkakataon kapag ang batayang tiket na pamasahe ay patuloy na magagamit kahit nakababa na sa hintuan ng bullet tren.
Ang mga tiket na coupon, mga tiket na balikan at mga tiket na diskwento ay mayroon din
Mayroong mga tiket sa makina ng tiket sa isatasyon, ang midori no madoguchi – ang window na may markang berde na nasa istasyon – gayundin ang mga tindahan ng mga tiket na diskwento.

Pagpepresyo ng Pamasahe

Hanggang dalawang bata na wala pang edad anim na taon ay makakapaglakbay ng libre kapag may kasamang matanda o isa pang bata na edad anim at higit pa.
Ang batang na hihigit sa dalawang batang limitasyon ay kinakailangan magbayag ng pamasaheng pambata, na kalahati sa pamasaheng matanda.
Ang mga batang may edad anim hanggang labing-isa ay kailangan bumili ng pambatang tiket kahit na may kasamang matanda.

Istasyon ng JR Hamamatsu  Tel: 053-453-2502

Sa Pinakataas na Pahina

Entetsu Rail – The Nishikajima Line (Akaden)

Ang linya ng Nishikajima ay tumatakbo patungong norte mula Istasyon ng Shin-Hamamatsu. Tumatakbo ito ng 18km mulang Istasyon ng Shin-Hamamatsu hanggang Nishikajima. Ang mga tren mismo ay pula, kadalasan tinatawag ito na Akaden na ang ibig sabihin ay "pulang tren".

Sentro ng Himpilan ng Tiket ng Bus ng Entetsu Hamamatsu Tel: 053-455-2255
Istasyon ng Shin-Hamamatsu Tel: 053-452-4806

Sa Pinakataas na Pahina