CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:January 25, 2023

Pambansang Buwis

Buwis sa Kita

Ang buwis sa kita ay ang halaga ng buwis sa loob ng isang taon mula ikauna ng Enero hanggang ikatatlumpu't isa ng Disyembre taun-taon.
Mayroon itong dalawang klase. Ang isa ay para sa mga nagmamay-ari ng negosyo na dapat magkalkula at magbayad ng sariling buwis. Ang tawag dito ay Declared Income Tax (shinkoku shotokuzei ). Mayroon din namang tinatawag na Pay-as-you-earn Income Tax (gensen shotokuzei ), na awtomatikong ibinabawas sa buwanang sahod ng mga manggagawa at empleyado.

Impormasyong Pang-ugnay (Mayroong dalawang tanggapan pambuwis sa Hamamatsu.)
*Makipag-ugnayan sa mga tanggapang ito upang malaman kung anong tanggapan ang namamahala sa iyong lugar na tinitirhan.

Chūō Ward, Chūō Ward, Chūō Ward Tanggapan ng Buwis sa Kanluran Hamamatsu godo chosha 1-12-4, Chūō-ku Tel:053-555-7111
Chūō Ward, Chūō Ward, Hamana Ward, Tenryu Ward East Taxation Office 1183 Sunayama-cho, Chūō-ku Tel:053-458-1111

Sa Pinakataas na Pahina

Final Income Tax Return (kakutei shinkoku )

Ang buwis ng taong may kita ay kinukwenta mula sa isang taong kita (buwis sa kita).
sa susunod na taon simula Febrero 16 hanggang Marso 15 pag papasyahan ang pagbabayad ng buwis(income tax).
Gayon man, hindi na kinakailangang mag-file ng final income tax return ang mga indibidwal na ang kita lamang ay mula sa sahod at nakapailalim sa end-of-year tax adjusment.

Susunod naman ang pag proseso sa pagbabalik sa binayaran buwis.

  • (1) Ang inyong kompaniya ay hindi gumawa ng end-of-year tax adjustment
  • (2) Nagtrabaho sa dalawa o higit pang mga kumpanya sa loob ng isang taon
  • (3) Nadagdagan ang sinusustentuhang hindi nagta-trabaho (bagong panganak, atbp.)
  • (4) Nagpapadala ng pera sa pamilyang nasa ibayong dagat (pamilyang walang pinagkakakitaan)
  • (5) Kung naisuma ang halagang nabayaran ng mga kasapi ng National Health Insurance simula Enero hanggang Disyembre
  • (6) Maraming binayarang pera sa ospital (mahigit isandaang libong Yen sa loob ng isang taon)

* Kung may mga katanungan maaring pumunta sa Tax Office.

Sa Pinakataas na Pahina

Ukol sa paraan ng pagsulat sa tax return

Uri ng dokumento

Tax Return Unang talahanayan ng pagsusulat (unang talahanayan ng tax return)

Tax Return Unang talahanayan ng pagsusulat (pangalawang talahanayan tax return)

End-of-year Tax Adjustment (nenmatsu chosei)

Sa mga taong nagtatrabaho sa mga kumpanya, ibabawas sa sweldo ang buwis sa kita pagkatanggap ng sahod.

Ang diperensya sa buwanang kabuuang halaga ng withholding tax sa kita at ang taunang halaga ng buwis na kinalkula mula sa kabuuang sweldo sa isang taon ay ia-adjust.Kung iba ang halaga ng income tax, maaari mong bayaran ang kakulangan o ibalik ang sobrang bayad.

Sa Pinakataas na Pahina

Mga Sinusustentuhan

Sa buwis sa kita, kapag may pamilya ang taong magbabayad ng buwis, maaari itong i-exempt mula sa halaga ng kita.

Kaltas sa Asawa

Hindi lalagpas sa 480,000 Yen ang halaga ng kita ng asawang kasamang naninirahan.

Kaltas sa Sinusustentuhan

Ang pamilyang may kasamang labing anim na taong gulang pataas na ang halaga ng kita ay hindi lalagpas sa 480,000 Yen.

* Kung nagpapadala ka ng pera sa iyong pamilya sa ibang bansa, maaari mo silang gawing mga dependent na pamilya. Kinakailangan ng dokumento ng kamag anak at katibayan na pag papadala sa Pilipinas.
Kung nasa dayuhang wika ang mga ito, kakailanganin mong isalin ang mga ito.

*Mula sa susunod na taon (2020 tax returns), magbabago ang mga kondisyon para sa pagsuporta sa pamilyang nasa ibang bansa.
Ang mga miyembro ng pamilya na may edad na 30 ~ 69 ay hindi kasama sa mga dependent. Gayunpaman, ang mga sumusunod na tao ay bilang parin na maging dependent

  • Ang mga nag-aaral sa ibang bansa at walang address sa Japan  
  • Mga may kapansanan
  • Mga taong nakatanggap ng higit sa 380,000 yen sa nakaraang taon para sa pamumuhay at edukasyon mula sa mga nagbabayad ng buwis

Sa Pinakataas na Pahina

Deskripsyon ng Withholding Statement

Deskripsyon ng Withholding StatementPahina ng Canal Hamamatsu/Magbubukas ng panibagong window.

Sa Pinakataas na Pahina

Buwis sa Pagkonsumo (shohizei)

May 8% o 10% consumption tax at local consumption tax sa lahat ng bagay at serbisyo. Kasama na ito kapag may binibili.

Sa Pinakataas na Pahina