CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pag-iwas sa Sakuna > Paano makakakuha ng mga impormasyong may kinalaman sa sakuna.

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Paano makakakuha ng mga impormasyong may kinalaman sa sakuna.

Paano makakakuha ng mga impormasyong may kinalaman sa sakuna.

Magiginng nakalilito ang mga sitwasyon pagkatapos na pagkatapos ng lindol. Kumuha ng tamang impormasyon at kumilos nang wasto

(1) Daloy ng Pagpapasa ng Impormasyon para sa Lungsod ng Hamamatsu

 Daloy ng Pagpapasa ng Impormasyon para sa Lungsod ng Hamamatsu

* Mga Pampook na Pangkat para sa Pag-iwas sa Sakuna - Ang mga ito ay bubuuin sa bawat pook sa buong siyudad at tutupad sa mga sumusunod na tungkulin bilang parte ng opisyal na pampook na network ng siyudad.

1.Mangalap ng impormasyon tungkol sa mga nasira sa bawat pook

2.Ibalita ang impormasyon

3.Makipag-ugnayan sa Bulwagang Panlungsod

Daloy ng Pagpapasa ng Impormasyon para sa Lungsod ng Hamamatsu
 

(2)Makinig sa FM Haro!

Sa panahon ng sakuna, ang Bulwagang Panlungsod at ang FM Haro! Ang studio ay ikakabit sa isang sistemang pambrodkast ng impormasyon tuwing may kagipitan, na siyang magpapabatid ng impormasyon mula sa HQ ng Pag-iwas sa Sakuna ng Bulwagang Panlungsod. Makinig sa FM Haro! (76.1MHz) Para sa mga detalyadong impormasyon para sa mga residente, ibobrodkast sa lahat ng oras.

(3)Mga Pampook na Sentro ng Pagpapasa ng Impormasyon

Sa panahon ng sakuna, ang mga sentrong pangkomunidad, mga sentro ng paglikas, at pansamantalang pook likasan ang magiging mga sentro ng impormasyon sa bawat lokal na lugar.

E-mail ng Pagiwas sa SakunaMga Panlabas na Links/ May bubukas na bagong window

Sa Pinakataas na Pahina