CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Kapag biglang lumindol...

Kung nasa bahay ka...

1. (0 - 3 segundo) Oh! Lindol!

 Oh! Lindol!

  • Matinding pagyanig na tumatagal ng 1 - 2 minuto - huwag mataranta at magmadaling lumabas!
  • Una at una sa lahat, sumuot sa ilalim ng lamesa upang protektahan ang iyong sarili - ito ay napakahalaga.
  • Kung gumagamit ka ng apoy, agad itong patayin. Ngunit kung sa tingin mo ay malalagay ka sa panganib sa pagpatay nito, huwag nang ilagay sa panganib ang iyong sarili - hayaan na lamang ito.
  • Buksan ang pintuan sa harapan at siguraduhin ang palabas na ruta.

2.(1 - 2 minuto) Ang pagyanig ay tumigil na.

Ang pagyanig ay tumigil na.

  • Kung may sunog, mahinahong patayin ang apoy sa pagsisimula nito.
  • Kumpirmahin kung ang iyong pamilya ay ligtas.
  • I-tsek kung ang pinagmulan ng apoy ay ligtas na.
  • Bilang maraming mga bagay na mapanganib na nasa lupa kahit pa sa lopb ng bahay, magsuot ng sapatos o tsinelas.
  • Protektahan ang iyong ulo, maaring magkaroon ng mga aftershock. Magsuot ng pagkaligtasang hood o helmet. Kung hindi maaring gamitin ang mga ito, balutin ang iyong ulo ng tuwalya.
  • Ihanda ang mga pangkaligtasang aytem na iyong dadalhin kapag ikaw ay lilikas.
  • Agad na lumikas kung ikaw ay nasa lugar na inaasahang magkakaroon ng mga pagguho ng lupa o tsunami.

3.(3 minuto) Ang bawat isa ba ay ligtas?

 Ang bawat isa ba ay ligtas?

  • Matapos masiguro ang kaligtasan ng iyong pamilya, siguraduhin naman ang kaligtasa ng iyong mga kapitbahay, kung biglang nagkasunog, ipaalam ito sa lahat sa pamamagitan ng pagsigaw na may sunog. Sa paggamit ng pamatay-apoy at pasahan ng timbang may tubig, tulong-tulong na patayin ang apoy.
  • Laging mag-ingat, huwag kalimutan ang mga aftershock.
  • Huwag pumasok o lumapit sa mga bahay na nakahilig. Mag-ingat sa mga bitak sa mga dalisdis.
  • Kung nagkaroon ka ng maliit na pinsala, gamutin ito sa bahay.

4.(5 minuto) Buksan ang radyo

 Buksan ang radyo

  • Buksan ang radyo at kumuha ng tamang impormasyon. Siguraduhing hindi ka malilito sa mga walang basehang usap-usapan.
  • Huwag masyadong gamitin ang telepono upang hindi maubos ang baterya. I-dayal ang 171 - Mensahe para sa Pangkagipitang Sakuna - upang mag-iwan at magkakuha ng impormasyong pangkaligtasan
  • Huwag lumikas gamit ang sasakyan dahil ang mga pangkagipitang sasakyan ay uunahin sa daan.

5.(5 - 10 minuto) Pumunta sa paaralan para kunin ang iyong anak.

Pumunta sa paaralan para kunin ang iyong anak.

  • Isara ang balbula ng gaas at patayin ang suwits.
  • Kapag aalis ka sa bahay, mag-iwan ng liham o senyales upang malaman ng mga tao ang iyong destinasyon at upang malaman na ikaw sampu ng iyong pamilya ay ligtas.
  • Kunin ang iyong anak bilang paunang napagplanuhan ng pamilya sa paunang nagpagplanuhang lokasyon.
  • Gumawa ng sapat na pag-iingat dahil maaring may mga bumabagsak na mga salamin o mga palatandaan, o mga nakahilis na mga kongkretong pader o mga tumaob na vending machine.

6.(10 minuto- ilang oras) Tumulong sa pag-apula ng apoy at pagreskyu!

 Tumulong sa pagapula ng apoy at pagreskyu!

  • Makipagtulungan sa mga tao sa iyong lugar sa pag-apula ng apoy at pagliligtas sa mga nangangailan. Kung makatagpo ka ng mahirap na sitwasyon, alertuhan ang birgada ng sunog.
  • Kung ikaw ay matrap sa isang gumuhong gusali, ipaalam ito sa mga tao sa pamamagitan ng pagsigaw o pagkalampag sa mga bagay.
  • Gumawa ng simpleng paunang lunas sa iyong sarili.

7. (- 3 araw) Tulungan ang isa't isa at maging matiyaga!

 Tulungan ang isa't isa at maging matiyaga!

  • Hindi mo maasahan ang mga tulong materyal sa ilang araw. Kakailanganin mong maglagay ng tubig at pagkain pansumandali sa iyong pangkagipitang bag. Gawin ang lahat ng makakaya upang tulungan ang isa't isa.
  • Tumutok sa mga anunsyo ay impormasyon mula sa lungsod.
  • Ang pagpasok sa mga napinsalang bahay ay lubhang mapanganid, maging mapagmasid sa lahat ng oras.

Ang 3 Alituntunin ng Buhay kapag nasa Evacuation Center

   1.Ang mga Independyeteng Grupo ng Pag-iwas sa Sakuna ay ang pokus.
2.Sundin ang mga patakaran.
3.Tulungan ang isa't isa.

Ang mga lugar likasan ay pangkomunidad na mga lugar. Ang mga oras na inilaan dito ay dapat buong pakikipagtulungan at espiritu ng pag-agapay sa isa't isa, at ang mga patakaran ay dapat na sundin anumang oras. Tratuhin ng maayos at may kabutihan ang mga may kapansanan o mga napinsalang mga tao.

Sa Pinakataas na Pahina

Kung ikaw ay nasa labas at tungkol sa...

1.Kung ikaw ay naglalakad sa gilid ng daan...

Kung ikaw ay naglalakad sa gilid ng daan...

  • Protektahan ang iyong ulo sa pamamagitan ng pagtakit nito ng iyong mga kamay o ng bag at lumikas sa ligas na lugar, sa isang punong malapit sa daan o sa isang gusaling mukhang matatag. Sa anumang oras, iharap ang iyong palad paiwaas dahil may panganib na ang iyong mga daluyan ng dugo sa iyong pulso ay malaslas. Kapag papasok sa isang gusali, sumandal sa pader habang pumapasok.
  • Lumayo sa mga konkretong pader, poste ng gate at mga lugar ng konstruksyon.
  • Ang mga makikipot na daan ay mapanganib, kaya lumikas sa maluwang na lugar hanggat maari.

2.Kapag ikaw ay nasa supermarket o department store...

Kapag ikaw ay nasa supermarket o department store...

  • Lumayo sa mga istante.
  • Kung maymga baskte na malapit sa iyo, gamitin ito para protektahan ang iyong ulo habang naghihintay sa pagtigil ng pagyanig, dumikit sa mga pader o malalaking poste.
  • Mahinahong sundin ang utos ng mga tauhan o mga anunsyo sa loob ng tindahan. Huwag mataranta at dumiretso sa mga hagdan o escalator.

3.Kung ikaw ay nasa loob ng elevator...

Kung ikaw ay nasa loob ng elavator...

  • Kung naramdaman mo ang yanig ng lindol, pindutin ang buton ng bawat palapag at lumabas matapos itong tumigil.
  • Kung ang pintuan ay hindi magbukas dahil sa kawalan ng kuryente o iba pang mga rason, pindutin ang pangkagipitang buton at maghintay ng instruksyon.

 

4.Kung ikaw ay nasa loob ng sinehan o teatro...

Kung ikaw ay nasa loob ng sinehan o teatro...

  • Itaas ang upuan at sumuot sa ilalim na pinoprotektahan ang iyong ulo ng bag.
  • Tingnan ang iyong paligid at sundin ang intruksyon ng mga tauhan.
  • Hindi ka dapat mataranta ay magmadaling pumunta sa mga labasan.

 

5.Kung ikaw ay nasa istadyum...

Kung ikaw ay nasa istadyum...

  • Maghintay at magmasid hanggang sa ang yanig ay tumigil.
  • Sundin ang mga anunsyo sa istadyum at instruksyon ng mga tauhan.
  • Hindi ka dapat mataranta ay magmadaling pumunta sa mga labasan.
  • Ang paglikas sa sentro ng parang ay mas ligtas.

6.Kung ikaw ay nasa istasyon o platform...

Kung ikaw ay nasa istasyon o platform...

  • Protektahan ang iyong ulo gamit ang iyong bag, sumandal sa pinakamalapit na poste o magtago sa ilalim ng upuan.
  • Mag-ingat upang hindi mahulog sa platform.
  • Mag-ngat sa platform dahil maaring ang mga overhead na ilaw at orasan ay mahulog.

7.Kung ikaw ay nasa mataas na gusali...

Kung ikaw ay nasa mataas na gusali...

  • Ang mga itaas na palapag ay makararanas ng mas malakas na pagyanig kaya sa mga mas mababang palapag, ngunit ligtas ang mga gusaling ito at halos walang panganib na ang mga ito ay gumuho.
  • Ang sunog ay seryosong banta, kaya alamin ang mga lugar ng pangkagipitan labasan ng maaga.

8.Kung ikaw ay nagmamaneho...

Kung ikaw ay nagmamaneho...

  • Huwag bigla-biglang tumigil. Ito ay dahil ang mga sasakyan ay maaring umikot at gumulong patagilid. Dahan-dahang bawasan ang iyong bilis bago maglagay ng mga pangpeligrong ilaw at pumarada sa kaliwang gilid ng kalsada.
  • Buksan ang radyo ng sasakyan at makinig sa mga anunsyo.
  • Kapag kinakailangang lumikas, iparada ang iyong sasakyan sa kaliwang gilid ng daan at iwanan ang susi.

9.Kung ikaw ay nasa tabing-ilog o pampang...

Kung ikaw ay nasa tabing-ilog o pampang...

  • Mayroong banta ng tsunami. Sa sandaling ang pagyanig ay tumigil, lumikas sa itaas na palapag ng malapit na gusali o sa mataas na lugar. Huwag lumikas gamit ang sasakyan.
  • Kung walang mataas na lugar, gawin ang lahat ng iyong makakaya upang lumayo sa dagat.

10.Kung ikaw ay nasa bus o tren...

Kung ikaw ay nasa bus o tren...

  • Humawak ng mahigpit sa isang rehas gamit ang dalawang kamay.
  • Sa mga riles, mayroon kagamitang tumutuklas ng yanig. Samakatuwid, kung may isang uri ng pagyanig ang naramdaman, ang preno ay otomatikong gagawin ang ang tren ay titigil. Kahit pa ang tren ay tumigil na, huwag subukang lubas ng tren sa pamamagitan ng paghila sa pangkagipitang aldaba o kaya ay pag-akyat sa mga bintana.
  • Kumilos ng mahinahon, sundin ang instruksyon ng mga tauhan sa loob ng tren.

11.Kung ikaw ay nasa underground...

  • Sa kabuuan, mas ligtas ang underground kaysa sa ibabaw. Kung mawala ang kuryente, ang mga pangkagipitang ilaw ay bubuksan kaya maging mahinahon. Ang pinakamalaking panganib ay nagmumula sa pagkataranta.
  • Kahit na sobrang dilim, kapag ikaw ay patuloy na lumakad sa pader, makakarating ka rin labasan. Hanggang ang yanig at tumigil, manatiling nakayuko ay protektahan ang iyong ulo. Lumikas kapag ang pagyanig ay tumigil na.

12.Kapag ikaw ay nakasakay ng subway...

  • Ang pagiging nasa underground ay ligtas. Ang subway ay titigil kapag may pagyanig na may ika-limang magnitude ang naranasan at ang mga hakbang sa pag-iwas ng sakuna ay pinakagana kaya manatiling mahinahon. Ang pinakamalaking panganib ay nagmumula sa pagkataranta. Sundin ang instruksyon ng mga tauhan. Huwag hilahin ang mga pangkagipitang albada malibang inutusan.

Sa Pinakataas na Pahina

Kung natutulog ka...

1. (0 - 3 segundo) Oh! Lindol!

 Oh! Lindol!

  • Gamitin ang iyong blanket at futon huddle at hintaying humupa ang pagyanig.
  • Lumayo hanggat maari sa mga muwebles gaya ng lagayan ng damit.


 

2.(1 - 2 minuto) Ang pagyanig ay humupa.

  • Tawagan ang iyong pamilya upang siguraduhin na ang bawat isa ay ligtas.
  • Mawawalan ng kuryente kaya ang silid ay magiging madilim. Siyasatin ang paligid gamit ang isang sulo.
    ★Maghanda ng pulo gamit ang unan.
  • Dahilan sa maaring may mga bubog at iba pang mga bagay sa sahig, magsuot ng tsinelas o sapatos.
    ★Magkanda ng tsinelas o sapatos gamit ang iyong unan.
  • Magkakaroon ng mga aftershock kaya protektahan ang iyong ulo gamit ang helmet o hood, o kung wala ang mga ito, balutin ang iyong ulo ng tuwalya.
  • Kung may sunog, mahinahong patayin ang apoy sa pagsisimula nito.
  • Ihanda ang mga pangkaligtasan aytem na iyong dadalhin.
  • Agad na lumikas kung ikaw ay nasa lugar na inaasahang magkakaroon ng mga pagguho ng lupa o tsunami.

Kapag ang pagyanig humupa na.

3. (3 minuto. -) Ang mga bagay na dapat narito ay mawawala at ang mga bagay na dapat wala rito ay magkakaroon! Kumilos ng may lubos na pag-iingat

  • Walang kuryente at madilim ang paligid sa loob at labas. At saka ang sahig ay maraming nagkalat na mga basura. Sa labas ay maaring may bitak ang mga daan at ang mga tulay ay maaring gumuho. Isaisip na ito ay isang sitwasyon na hindi mo naranasan dait ay kumilos ng may lubos na pag-iingat ng, laging tiyakin ang paligid gamit ang sulo.
    (Ang mga gabay na sumusunod ay kaparehas ng sa araw)

Sa Pinakataas na Pahina

Kung malapit ka sa isang banging, baybayin, or bibig ng ilog...

Baybayin at Tabing Ilog - Tumakas sa Tidal Wave!

Inaasahan na limang minuto matapos ang lindol na Tokai, ang unang tidal wave ay papalo sa baybayin ng Suruga at Enshu. Matapos ito, ang ikalawa ang papalo, tapos ay ikatlo at pagkatapos ay tuloy tuloy na tidal wave. Kapag nagkalindol, ang mga tao sa baybayin o sa mga binabahang lugar ay dapat na agad lumikas sa mga matataas na lugar o sa mga lugar likasan.
 

Mga puntos sa pagtakas sa tidal waves sa pangyayaring may biglaang lindol
  • Unang isipin ang iyong kaligtasan.
  • Ang palikas ay may dalawang yugto ng proseso - una sa isang mataas na lugar at pagkatapos ay sa mas mataas na lugar o mas ligtas na lokasyon.
  • Huwag lumikas gamit ang sasakyan.
  • Huwag nang subukan pang magdala ng mga gamit pambahay sa iyong sariling bangka.
  • Kapag ang baha sanhi ng tidal wave ay nagsimula na, huwag nang subukan pang pumunta sa malayong lugar, at lumikas sa itaas na palapag ng malapit na gusali.
  • Lumayo sa mga matitigas na lugar gaya ng mababatong lugar at pampang.
  • Kung wala kang magagawa kung hindi lumikas sa isang gusali, pumili ng gusaling hindi direktang nakaharap sa dagat, piliin ang gusaling nasa likuran ng iba pang mga gusali.

 

Tinatantiyang Lugar ng Baha ng Tsunami

Tinatantiyang Lugar ng Baha ng Tsunami

Mga kalapit na talampas - Umiwas sa mga pagguho ng lupa!

Kung ikaw ay malapit sa mga matarik na bundok gaya ng talampas, may panganib ng magkaroon ng pagguho ng lupa. Agad na lumayo sa mga lugar na ito.

Sa Pinakataas na Pahina