Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pag-iwas sa Sakuna > Iba pang impormasyon
ここから本文です。
Update date:March 8, 2022
Bawat taon, ang Japan ay nakakaranas ng mga bagyong nagdudulot ng mga pinsala. Ikaw ba ay lubos na handa?
Ang nasa ibaba ay listahan at paghahanda para sa paparating na bagyo at malakas na ulan. Dapat mong malaman ang mga ito ay kung mayroon man lugar sa iyong bahay na hindi handa dapat mong agad na isaayos ang mga ito.
Ang sistema ng mga mabababang presyur ay nagmumula sa mga tropikal na lugar na tinatawag na unos, at iyong may bilis ng hangin na lagpas sa 17metro/sigundo ay tinatawag na bagyo (Gale force 8 = 17.2 m/s). Ang mga unos ay maari ring magdulot ng mga pinsala dahil sa ulan, kaya kailangan ng ibayong pag-iingat kagaya ng sa bagyo.
Ang nakatipong ulan ay nangyayari kapag ang ulan ay bumuhos sa isang maliit at partikular na lugar sa maikling panahon. Ito ay kadalasang nangyayari sa panahon ng tag-ulan at bagyo at ito ay mahirap na hulaan dahilan sa limitado ito sa isang mailiit na lugar. Ang mga taong nakatira malapit sa bundok, sa ilog, pampang, o sa mga lugar na kailangan ng ibayong pag-iingat. At saka, may dumaraming kaso ng pagbaha sa lungsod, kaya ng mga nakatira sa lungsod ay dapat ding mag-ingat.
Ang paglaki ng tubig ay isang penomena na nagaganap kapag ang dumaraang bagyo o unos ay nagdulot ng abnormal na pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat. Ito ay mapanganib kapag ang mga ito ay natapat sa mataas na tubig. Ang mga taong naninirahan sa tabing dagat ay kailangan ng ibayong pag-iingat.
Ang babala ay inilalabas kung may sakunang maaring maganap, at ang alaram ay pinapatunog kung may pangunahing sakunang maaring maganap. Gayunpaman, hindi ito ang kasong maari ka nang mapalagay habang ito ay babala na taliwas sa isang alarma. Manatiling nakatutok sa telebisyon at radyo, at mangalap ng mga tamang impormasyon at gumawa ng tamang hakbang base rito.
Kamakailan lamang maraming mga pamilya ang nagkakamping tuwing tag-init. Kung may mga pamilyang hindi lubos na nauunawan ang kapangyarihan ng kalikasan na ang kondisyon ay bigla-biglang nagbabago, magkakaroon ng mga aksidenteng mayroon pinsalang hindi na maisasaayos. Alalahanin ang mga puntos sa ibaba ay i-enjoy ang iyong kapang sa isang ligtas na paraan.
1) Ang pangunahing alituntinin sa pagpunta sa kagubatan ay protektahan ang iyong sarili.
2)Huwag maliitin ang kakayahan ng kalikasan. Kumilos na parang naghahanda sa pinakamasamang senaryo.
3)Alamin ang ulat sa panahon bago lumikas kapag ikaw ay nasa lugar ng kamping.
4)Itayo ang iyong tent sa mataas na lugar malayo sa baybayin at ilog. Huwag magtayo ng tent sa pulong buhangin at sa ilalim ng talampas.
5)Kapag nakarinig ka ng kulog o bumuhos ang ulan, daliang pumunta sa ligtas na lugar.
6)Sundin ang instruksyon ng Bulwagang Panglungsod, ng bumbero at ng kapulisan. At saka, makinig sa mga lokal na residente.
Pagguho ng lupa sa mga talampas ay maaring mangyari dahil sa bagyo at sa nakatipong ulan. Kapag ang lupa ay malapit nang gumuho ito ang mga senyales. Ang mga taong nakatira malapit sa mga mapanganib na lugar ay dapat na mag-ingat sa mga ito.
Ang pagguho ng mga bato ay nagaganap kapag ang talampas ay lumambot sanhi ng ulan at biglang gumuho pababa. Nangyayari ito sa isang iglap kaya ang pinsala ay malaki. Kapag may mahigit na 20mm ulan sa isang oras, o patuloy na umulan hanggang sa umabot sa mahigit sa 100mm, dapat kang maging alerto kahit pa tumila na ang ulan.
Ang pagbaha ng putik ay nagaganap kapag ang putik, bato, o buhangin sa dalisdis o lambak ay biglang rumagasa dahil sa malakas na ulan. Ito ay mabilis at malakas, nagdudulot ng malaking pinsala sa isang lugar.
Ang pagguho ng lupa ay medyo mabagal, at ang lebel ng luad sa lupa ay mahinahong bumaba sa dalisdis. Nangyayari ito sa malawak na lugar kaya ang pinsala ay malaki.