CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:March 8, 2022

Payo mula sa Bumbero

Tunay na halimbawa ng buhay bilang isang lumikas

Makikita sa ibaba ang impormasyong magagamit sa pang-araw-araw na buhay bilang evacuee at sa oras na mangyari ang sakuna. Nakuha ito sa mga tunay na pangyayari at maaaring gamitin sa paghahanda sa lindol at sa mga gawain habang nangyayari ito at pagkatapos nito. Gamitin nang mabuti ang impormasyong ito. (Ang impormasyong ito ay hatid ng Tonan Fire Station, Kobe)

Sa Pinakataas na Pahina

Pag-iwas sa Sakuna sa Bahay

Noong ika-17 ng Enero 1995, nagulantang kami sa bangis at takot sa isang malakihang lindol. Nasaksihan namin ang aming mga muwebles at kagamitang de-kuryente nang maging nakamamatay na armas ang mga ito at atakihin kami. Dapat nating siyasating muli ang ating mga sarili mula sa mga pangunahing kaalaman sa pagtatago ng mga ari-arian ng ating pamilya hanggang sa pagkakaayos ng loob ng ating mga bahay, na nagbibigay pangunguna sa panlabas na kaanyuhan at madaling pag-gamit. Dapat din nating pagplanuhan ang mga paraan ng pagiwas sa sakuna ng ating mga sariling pamilya tulad ng paghahanda ng emergency bag at pagiimbak ng pagkain. Dito, malinaw na ipinakita sa atin ang mga makatotohanang halimbawa mula sa mga karanasan galing sa Lindol ng Hanshin-Awaji. Gamit ang mga ito bilang gabay, dapat nating muling pag-isipan ang mga planong pangkaligtasan ng ating pamilya.

 

1. Iwas-basag na balamban
2. Tubig sa palikuran
3. Mga ilaw
4. Pagkain sa oras ng pangangailangan
5. Panlabas na kagamitan
6. Pambahay na kagamitan
7. Lalagyan ng babasagin
8. Mga pridyeder
9. Lalagyan ng gamit sa oras ng biglang pangangailangan

 

1. Iwas-basag na balamban

Malaking bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay ay napapaligiran ng mga babasagin at paso at mga kauri nito, ito man ay bintana, paminggalan, pintuan o pang-ilaw. Maaaring masira o mabasag ang mga ito dulot ng mga pagyanig na sanhi ng lindol na siyang makapagbabago sa mga ito upang maging bagay na maaaring makapanakit. Sa oras ng matinding sakuna, ang mga ito ay maaaring maging balakid sa paglakad na siyang sanhi nang upang mahirapan o tuluyang hindi makaligtas ang isang tao. Pumukol ng dalawang ibon gamit ang isang bato sa pamamagitan ng paglapat ng balamban na anti-UV o anti-condensation sa mga bintana na makakatulong sansalain ang pagkasira ng mga ito dulot ng mga pagyanig. Kamakailan lamang, mayroon ng inilabas na balamban na espesipikong panlaban sa lindol ang maaaring mabili ng tao.

2. Tubig sa palikuran

Isa sa mga naituro sa atin ng Hanshin-Awaji Earthquake ay ang bagay kung saan ang mga lindol ay may kakayahang putulin ang mga linya na ating ginagamit sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, partikular na ang linya ng tubig kung saan tila mas maraming tao ang nagdurusa dahil dito. Sa pamamagitan lamang ng pag-iwan ng tubig sa banyerang panligo, sa halip na alisan ito ng tubi, ay isang paraan upang pangasiwaan ang panganib na maaaring mangyari sa araw-araw. Isang paraan upang masiguro ang wastong imbak ng tubig ay ang paggamit tubig sa loob ng tangke ng palikuran. Dahil ang tubig dito ay regular na ginagamit at pinapalitan, ito ay maaaring magamit bilang inumin sa oras ng biglaang pangangailangan. Ang panligong tubig ay maaaring maging epektibong gamit sa oras ng biglaang pangangailangan para pambanyos ng palikuran or pampatay ng apoy.

3. Mga ilaw

Maaaring maputol ang linya ng kuryente at mabalot tayo sa kadiliman kapag may lindol. Kalimitang maliwanag pa rin sa kapaligiran kapag pinatay na ang ilaw sa ating bahay. Ito ay sanhi ng mga ilaw sa kalsada at mga ilaw na mula sa mga patalastas. Ngunit kapag may lindol, buong syudad ang nawawalan ng ilaw sanhi ng pagkaputol ng kuryente. Ito ay nakakatakot na kadiliman Ang isang lampara ay dapat lamang na ituring na mahalagang kagamitan sa mga pagkakataong hirap tayong kumilos. Dapat ay madaling maabot ito.

4. Pagkain sa panahon ng pangangailangan

Bumili at mag-imbak ng tubig na pang-inom at mga de-latang pagkain na magkakasya sa isang buwan. Tipirin ito, palitan ang mga paluma na ngunit panatilihing kakasya ang nakaimbak na pagkain sa isang buwan, sa paraang ito magkakasya ang pagkain sa panahon ng sakuna.

5. Panlabas na kagamitan

Upang ilawan ang isang buong kwarto, gamit ang isang lampara, pailawin ito sa lukot na aluminum foil sa kisame. Mapapailaw nito ang buong kwarto at kagulat-gulat liwanag na hatid nito. Bukod dito, ang panlabas na kagamitan ay maaari ding makatulong sa ikaliligtas mo. Kapag inilagay ang mga kagamitang ito sa isang sasakyang RV, maaari itong magsilbing masisilungan sa katagalan. Kapag naglagay ng rasyon kasama ang heater, ilaw, radyo (telebisyon) at tulugan, magiging ganap ito. Kung magkakamping sa isang lugar na malayo sa siyudad na walang gaas, tubig at elektrisidad, maaari din itong tumayong paghahanda para sa sakuna. Tila makikita natin na ang karamihan ng mga tao na may kagamitang panglabas sa kanilang kotse sa tuwing lumilindol ay kumportableng nagtayo na lamang ng mga tolda sa mga parke o eskwelahan gamit ang kanilang mga kasangkapang pang-lumilikas.

6. Mga muwebles

Ang pagkalaglag ng mga muwebles ay labis na naapektuhan ng direksyon ng lindol. Para makasiguro sa kaligtasan, marapat lamang na pagtibayin ang pagkakatayo ng mga muwebles gamit ang pangkabit na hugis L. Maraming tao na ang nasaktan ng kanilang mga muwebles.

7. Mga estanteng pambabasagin

Mabigat ang mga estante dahil nakadagdag na ang bigat ng mga babasagin. Kapag umaalog ang mga estante dahil sa lindol, maaaring lumuwag ang mga turnilyo nito at kumalas ang estante kung hindi matibay ang pagkakakabit.

8. Mga pridyider

Kapag nakaligtas ang iyong tirahan sa pinsala na dulot ng lindol at patuloy ang iyong pagtira dito, ang inyong pridyider ay maaaring maging madaling imbakan ng pagkain. Dahil sa pagkawala ng kuryente, nawawala ang kakayahan nitong magpalamig ng pagkain, ngunit kung taglamig naman, maaari paring kainin ang pagkain mula 2 hanggang 3 araw. Maaari ding tunawin ang yelo sa lalagyan nito upang maging tubig na pang inom. Ngunit dapat ding mag-imbak ng tubig na pang-inom at tipirin ito.

9. Lalagyan ng mga gamit para sa panahon ng pangangailangan

Lumalaki ang bilang ng mga pamilyang naghahanda ng mga lalagyan ng mga kagamitan para sa panahon ng pangangailangan, ngunit mistulang nakararami din dito ang nakatago lamang sa mga aparador. Ang isang malakihang lindol ay makakasira ng mga bahay at magpapatilapon ng mga muwebles ng walang pakundangan. Importanteng palaging nandiyan ang lalagyan ng mga kagamitan sa oras ng pangangailangan kahit na nagbagsakan na ang mga muwebles. Importante ding mayroong lampara kahit papano, bilang karagdagan, kapag hawak na ang lalagyan ng gamit, mahalaga ring alam mo kung saan pupunta para lumikas dahil siguradong mag-gagalawan ang mga pinto at muwbles at ang pagkakaayos ng inyong bahay ay magkakaroon ng malaking pagbabago.

Sa Pinakataas na Pahina

Tagapagligtas

Kapag nangyari ang isang malakihang lindol, ito ay kakalat sa isang malaking pook at magiging mahirap para sa mga bumbero ng siyudad, mga opisyal, mga pagamutan at mga namamahala na tulungan ang lahat ng sabay sabay. Mahalaga ang pagtulung-tulungan ng mga residente, lalo na sa mga paglilikas at pagaapula ng apoy kung saan mahalagang-mahalaga ang oras. Maraming tumulong sa paglilikas noong lumindol sa Hanshin-Awaji. Ngunit dahil ito ay ang unang beses na nagkaroon ng malakihang vertical-tremor na lindol sa isang malaking siyudad, nakakapanibago ang lahat ng ito. Sa kadahilanang ito, ang lahat ng gawain matapos ang lindol, gaya ng paglilikas, pagsiguro sa kaligtasan ng mga tao at pagalis mula sa mga mapanganib na lugar ay ginawa ng tantsahan. Sa paraang iyon, maraming ideya, pamamaraan at mga maluwag na tuntunin ang nalikha. Binuod ito sa sumusunod upang maraming matuto sa mga karanasang ito.


1. Mga silbato/Mga pahayag
2. Bisikleta - 1
3. Bisikleta - 2
4. Stretchers
5. Jacks
 

1. Mga Silbato/Mga pahayag

Ang paglilikas ay nangangailangan ng maraming oras. Ang mga pagsisikap ay ginagawa upang mailigtaas ang mga tao, hindi lamang ang mga bumbero pati ang mga organisasyoon sa buong bansa, ngunit ang napinsalang lugar ay sadyang malawak at hindi lahat ay nailigtas. Ang bawat bahay na gumuho ay tiningnan isa-isa, at kung mayroong senyales na may taong nakulong sa loob, ang paghahanap ay ginagawa ngunit ito ay matagal. Ang pag-ihip ng pito ay mabisang paraan upang ipaalam sa mga tao ang iyong posisyon. At saka, ang simpleng pagdidikit ng papel na nagsasabing ikaw ay ligtas pati ang mababang paaralan na kung saan ikaw ay lumikas ay sadyang kapakipakinabang para sa mga taong nagbibigay ng reskyu.

2. Biskleta - 1

Matapos ang lindol, maraming mga tao ang magbibyahe gamit ang sasakyan. Ito ay nagdudulot ng malawakang trapiko at nagigind malakaing hadlang para sa mga bumbero at ambulasya, at sa pagdadala ng mga pangkagipitang tulong materyal. Upang ang mga mabilisang pangkagipitang tulong ay maibigay, ikaw ay pinapakiusapang tumigil sa paggamit ng iyong sasakyan o ng motor, bisikleta o maglakad-lakad. At saka, kapag kikilos matapos ang lindol, lubos na mag-ingat para sa aftershock o sa tidal waves.

3. Biskleta - 2

Ang daan ay matatabunan ng mga nalaglag na aytem. Ang mga aytem na ito ay langis, salamin o bakal, na nagdudulot ng aksidente. Maraming mga insidente na ang mga tao ay sumasabit sa mga nakasabit na mga kuryente habang nakasakay ng bisikleta. At saka, magkakaroon ng maraming mga bitak at hindi patag na lugar sa daan. Ang ibayong pag-iingat ay kailangan para sa mga bitak na bumuo ng hugis dayagonal sa direksyon ng daan. Kapag ang iyong gulong ay malaglag sa mga bitak na ito ikaw ay malalaglag. Laging tingnan ang daan at subukang tumawid sa mga bitak at tumpak na anggulo.Lubos na mag-ingat kapag sasakay ng bisikleta matapos ang lindol.

4. Mga Sretcher

Sa araw ng lindol, mahigit sa 100 tao ang dinala sa istasyon ng bumbero. Ang mga serbisyo ng ambulansya ay umaabot sa limitasyon ng mga ito. Maraming mga halimbawa ng mga taon na tumutulong sa mga napinsalang kapitbahay at paglipat sa mga ito sa pamamagitan ng pintuan o kariton

* Ang Kagawaran ng Sunog ng lungsod ng Hamamatsu ay nagdaraos ng mga kurso para sa paunang lunas. HIndi lamang ito tunggkol sa mga pamamaraan ng resusitasyon mayroon ding mga kurso sa panggagamot ng pinsala. Kumuha ng kursong ito at magpakadalubhasa sa paunang lunas. Mag-iisyu ng sertipiko and Lungsod matapos makumpleto ang kurso.

5. Mga jack

Maraming halimbawa ng mga taong naipit sa ilalim ng bumagsak na gusali na sinasagip sa pamamagitan ng jacks. Gayunpaman, kailangan mag-ingat upang maiwasan ang sekondaryang pinsala kapag gumagamit ng jack. Ang mga jack ay hindi matatag at may panganib na ito ay magiba dahil sa madalas na aftershock, kaya kapag ang mga bloke ay naitaas sa pamamagitan ng jack, ang ibang bloke ay dapat na ilagay sa ilalim nito bilang suporta. Ang iba pang mga bagay ay maaari ring maging kapaki-pakinabang: mga lubid para sa paghila at pagtali, lagari para sa pagputol ng mga poste, barakilan at sahig; at martilyo para sa pagsira ng mga pintuan at muwebles. Ang mga bareta ay maaaring magamit sa pag-angat at pagbasag ng mga bagay pati sa pag-alis ng bubong na bakal.

Sa Pinakataas na Pahina

Buhay bilang Evacuee

Lubhang mahirap ang mawalan ng maraming mga bagay at magsimula ng buhay bilang isang evacuee kung saan wala kang sapat na mga pangunahing materyales at mabubuhay ka sa isang komunidad na hindi ka sanay. Maraming mga ideya ang nakuha sa panahon ng pamumuhay nang sama-sama at ng pagtutulungan, ngunit ang mga bagay na ito ay hindi mo mauunawaan maliban na lamang kung naranasan ang buhay bilang isang evacuee. Subalit, may mga napakasimple at mga pangunahing bagay na maaring makalimutan. Upang hindi makalimutan ang karunungang natamo, may mga ideyang iminumungkahi sa ibaba.


1. Tubig
2. Pagkain
3. Mga isahang gamit na pampainint ng kamay
4. Mga kasangkapang de kuryente
5. Polisterin na supot
6. Pamatay mikrobio
7. Palikuran
8. Bisikleta
9. Ilaw
 

1. Tubig

Kapag ang inyong suplay ng kuryente ay naputol, magpapasalamat ka dahil sa natural na suplay mula sa mga ilog. Kahit pa ito ay nasa lungsod, ang tubig sa ilog ng Sumiyoshi ay malinis at ginagamit ng maraming tao sa pagkuha ng tubig. Dahil sa hindi maiiwasang gipit na sitwasyon, and ilog ay ginamit din ng ilang tao upang labhan ang kanilang mga maruruming damit. Ang mga pulbos na panlaba ay ibinubuhos sa tubig, habang siya ring tubig ang ginagamit sa ibabang agos ng ilog. Ikaw ay hinihilin na maglaba ng iyong mga damit sa lugar na kung saan walang duming umaagos sa ilog.

2. Pagkain

May mga kwento na nagpapatunay ng pagiging kapaki-pakinabang ng mga maliliit na kalan. May mga pagkakataon din na ginagamit ito ng mga tao para sa pagluluto ng karne, ngunit ito ay lubhang mapanganib. May dalawang halimbaw ng dalawang kalan na ginagamit, at pagkatapos isang hob sa isang kalan ay nagiging sentro ng init. Ito ay mag-iinit ng labis at sasabog. Siguraduhing nagbibigay ka ng sapat na atensyon hindi lamang sa aspeto ng kaginhawahan sa paggamit kung hindi pati sa iyong kaligtasan.

3. Mga isahang gamit na pampainint ng kamay

Sa paglipas ng panahon, ang mga otoridad ay nagkaroon ng kakayahang magbigay ng mga tulong na materyales para sa mga taong nasa lugar likasan. Subalit, hindi posibleng magbigay ng mga kagamitang pampainit. Ang mga isahang gamit na pampainit ng kamay at mga botelya para sa mainit na tubig, gawa sa mga plastik na botelya na may kumukulong tubig na ibinabalot sa tuwalya ang dapat na gamitin.

4. Mga kasangkapang de kuryente

Ang suplay sa kuryente ang unang ibabalik matapos na ang mga suplay sa bahay ay maputol. Kapag wala kang tubig at gaas, ang mga kagamitang de kuryente ay nagiging napakaha halaga. Subalit, may ilang mga de kuryenteng aytem na magulo. May ilang mga kaso na ang mga de kuryenteng aytem ay lumabis sa init ay nagsimula ng sunog matapos ang suplay sa kuryente ay maibalik. Pampainit para sa mga akuwaryum para sa mga isdang tropikal ay isang halimbawa nito. Dahil sa pagkabasag ng tanke dahil sa lindol, ang pampainit ay iinit ng labis, dahil sa ito ay hindi na napapalibutan ng tubig. Ito ay magsisimula ng sunog sa mga aytem na nakapalibot dito na madaling masunog. Kapag naputol ang kuryente dahil sa lindol, patayin kaagad ang pangunahing suwits. Tapos, kapag ang kuryente ay naibalik na, tingnang mabuti ang suwits bago ito buksan.

5. Supot na plastik

Paggamit ng mga diyaryo at supot na plastik bilang simpleng blangket at banig ay isang mabisang paraan laban sa lamig. Iba pang paraan ng pagprotekta sa iyong sarili sa lamig ay sa pamamagitan ng paglalagay ng diyaryo sa loob at labas ng suot mong damit. Ito ay magkukulong sa mainint na hangin. Matapos ang lindol, may mga taong lumikas na dala lamang ang mga damit at ang iba ay nakasuot pa ng pandiyama.

6. Pamatay mikrobio

Kapag ang suplay ng tubig ay naputol, mahirap na makakuha ng malinis na tubig. Ang pamatay ng mikrobio na nakalagay sa kit ng paunang lunas ay maaring magamit sa paglilinis ng mga sugat, ngunit hindi maaring gamiting panghugas ng kamay bago kumain o ng mukha ng mga bata. Ang mga basang tisyu ay dapat na idagdag sa mga aytem sa iyong pangkagipitang bag.

7. Palikuran

Ang mga nabibitbit na palikuran ay dinadala sa mga lugar likasan pagkaraan ng tatlong araw, ngunit sa ibang lugar ito ay tumatagal ng mga isang linggo. Dapat kang maghanda na maaring hindi mo magamit ang iyong palikuran dahil sa kawalang ng suplay ng tubig, mag-iwan ng tubig sa iyong banyera upang may magamit na pagbuhos.

8. Bisikleta

Inirerekomenda namin na magdala ka ng pambomba at isang simpleng kit na pangkumpuni kapag sumasakay ng bisikleta at motorsiklo. Malamang sa ang daan ay matambakan ng mga harang at ikaw ay mabutasan ng gulong. Walang pampublikong sasakyan na maaring magamit upang makarating ka sa isang lugar kapag ikaw ay nabutasan ng gulong.

9. Ilaw

Maari kang gumawa ng ilaw gamit ang langis. Maglagay ng tubig na may lalim na dalawang sentimetro sa isang bakal na abuhan o walang laman lata tapos maglagay ng mga dalawang sintimetrong dami ng langis. Ito ay mahihiwalay sa dalawang patong, ang mas magaang langis ay aakyat sa itaas. Tapos kumuha ng tela at ito ay bilutin at ibalot sa isang aluminyong palara na kasing laki ng isang sampong-yen na barya. Palutangin ito sa likido upang magsilbing mitsa ng kandila. Kapag sisindihan mo ang mitsa, magkakaroon ka ng ilaw para sa sampong oras. Kung magagawa mong mahusay na gumawa ng bintana sa isang walang lamang lata, makakagawa ka ng lampara na may proteksyon sa hangin. Subalit, kung may lantad na apoy kagaya nito, ibayong pag-iingat ang kailangan upang maiwasan itong tumaob kung sakaling magkaroon ng aftershock at sa kaso ng pagtagas ng gaas.
Ilaw

Sa Pinakataas na Pahina