CANAL HAMAMATSU Mapa ng mga Pasilidad

ここから本文です。

Update date:June 20, 2022

Ano ang lindol?

Ang mga mekanika sa likod ng lindol na Tokai

Ganito nagaganap ang mga malalakas na lindol.

Ang mekanika sa likod ng Tokai na LindolAng ibabaw ng daigdig ay binubuo ng mga matitigas at patag na mga blokeng kilala bilang plates. Ang puntos na kung saan ang iba't ibang mga plate na konektado ay tinatamaan ang isa't isa o di kaya ay naitutulak sa ilalim ng bawat isa dahil sa mahinang paggalaw ng mantle na nasa ilalim ngmga ito. Ito ay humahantong sa pagkabuo ng mga bundok at trinsera ng karagatan, Ang nagdudulot ng pagsabog ng mga bulkan at mga pag lindol.
Ang Philippine Sea Plate, matatagpuan sa sahig ng dagat ng timog ng Prefektur ng Shizuoka, ay gumagalaw mula sa timog, ito ay tumataas sa ilalim ng Continetal Eurasia Plate at kinakaladkad ang dulo ng Eurasia Plate pababa. Kapag ito ay naidulot na binat ay umabot na sa hangganan, ang Eurasia Plate ay tatalbog na nagdudulot ng lindol. Ito ay ang lindol na Tokai.
Ang teorya ng lindol na Tokai ay inanunsyo noong 1976. Ang pinakhuling lindol na Tokai ay sa Ansei noong 1854. Kung ipinagpapalagay mong ang malalakas na lindol ay nagaganap sa parehas na lokasyon tuwing ika-100 hanggang ika-150 taon, ang susunod na malakas na lindol ay walang dudang paparating na.

Talaan ng Japan Meteorological Agency's (JMA) Seismic Intensity Scale at mga Kaugnay na Paliwanag.

Seismic Intensity Scale Paano naaapektuhan ang mga tao Sitwasyong sa loob ng mga istraktura Sitwasyon sa labas ng mga istraktura
0 Ang katawan ng tao ay hindi kayang pakiramdaman ang ganitong laki ng pagyanig, ngunit maaring malaman ang mgaito sa pamamagitan ng mga sensitibong kagamitan sa magsukat ng lindol    
1 Ang mga taong nagpapahinga sa tahimik na lugar ay maaring maramdaman ang mahinang pagyanig.    
2 Karamihan sa mga taong nagpapahinga sa tahimik na kapaligiran ay makakaramdam ng pagyanig. Ang ibang natutulog na tao ay maaring magising dahil dito. Bahagyang uugoy ang ilaw sa kisame at ang iba pang kagamitang nakasabit.  
3 Halos lahat ng tao sa kapaligiran ng loob ng bahay ay bahagyang makakaramdam ng pagyanig at makakaramdam din nito ang iba pang taong naglalakad. Dahil sa pagyanig, magigising ang halos lahat ng taong natutulog. Magdudulot ng kalantog ang mga plato at iba pang gamit sa kusinang nasa istante. Gagalaw ng bahagya ang ang linya ng kuryenteng nasa labas ng bahay.
4 Makakaranas ng kaunting alarma ang halos lahat ng tao. Makakaramdam ng pagyanig ang halos lahat ng taong naglalakad sa oras ng paglindol. Dahil sa pagyanig, magigising ang halos lahat ng taong natutulog. Bahagyang uugoy ang ilaw sa kisame at ang iba pang kagamitang nakasabit gayundin ang mga plato at iba pang kagamitang nasa istante. Maaaring tumumba ang ibang mga kagamitang nakatayo na hindi matibay ang pagkakalagay sa sahig. Maaring makaramdam ng pagyanig ang ibang taong nagbibisekleta gayundin ay makikita ang pag-ugoy ng linya ng kuryente sa labas.
5 Mahina Makakaranas ang halos lahat ng tao ng matinding babala na mag-uudyok para humanap ng isang matibay na lugar. Malakas na uugoy ang ilaw sa kisame at ang iba pang kagamitang nakabitin. Maaaring mahulog ang mga plato, kutsara, libro at iba pang kagamitan sa istante. Matutumba ang karamihan sa mga nakatayong kagamitang hindi matibay ang pagkakakabit sa lupa. Maaaring malipat sa ibang lugar at/o bumagsak ang mga kagamitan sa bahay na hindi matibay ang pagkakakabit. Maaaring may mga bumagsak na basag na salamin mula sa mga sirang bintana. Kapansin-pansin ang paggalaw ng mga kagamitan sa poste. Maaaring masira ang mga daan.
5 Malakas Kapag hindi kumapit sa isang matibay na bagay, maaaring hindi makalakad ang karamihan sa mga tao. Manghihina ang pangangatawan. Mahuhulog ang mga kagamitan sa istante tulad ng plato, libro, at iba pa. Mahuhulog ang telebisyon mula sa pagkakatindig nito. Maaaring matumba ang mga kagamitan sa bahay na hindi matibay ang pagkakakabit. Maaaring may mga bumagsak na basag na salamin mula sa mga sirang bintana. Guguho ang dingding na hindi matibay ang pagkakagawa. Babagsak ang mga vending machine na hindi matibay ang pagkakakabit. Karamihan sa mga sasakyan ay hihinto at magiging mahirap ang pagbibisekleta.
6 Mahina Magiging mahirap na manatiling nakatayo. Matutumba at/o malilipat ng lugar ang mga kagamitan sa bahay na hindi matibay ang pagkakakabit. Maaaring hindi mabuksan ang ilang mga pinto. Masisira at mawawasak ang tisa sa dingding at salaming bintana.
6 Malakas Magiging imposible na manatiling nakatayo, at ang paggalaw ay magiging limitado sa paggapang. Maaaring maging matindi ang pagyanig na hindi na makakagalaw pa ang mga tao, at sa katunayan maaaring magpahagis hagis ang kanilang katawan. Halos lahat ng mga kagamitan sa bahay na hindi matibay ang pagkakakabit ay matutumba at/o malilipat ng lugar. Masisira at mawawasak ang salaming bintana at tisa ng dingding sa maraming estruktura. Guguho ang halos lahat na hindi matibay ang pagkakakabit ng kongkretong dingding.
7 Halos lahat ng mga kagamitan sa bahay na hindi matibay ang pagkakakabit ay malakas na malilipat ng lugar at/o babagsak. Masisira at babagsak ang salaming bintana at tisa ng dingding sa halos lahat ng estruktura. Guguho ang halos lahat na hindi matibay ang pagkakakabit ng kongkretong dingding.

Sa Pinakataas na Pahina